7 - Belen

197 22 4
                                    

All Souls Day naglipat si Dudoy ng gamit sa condo. I offered na tumulong maghakot ng mga gamit sa boarding house sa KNL by bringing my Innova, at buti na lang. Naka isang kahon siya ng books, tatlong shopping bags ng mga sapatos, dalawang maleta ng mga damit, isang globe, isang laptop, at isang box ng what I hoped were model human bones. Ang ibang appliances tulad ng mini-ref at TV ay ipinagbili na lang niya sa mga kasamahan niya sa boarding house. Nagpaalam siya sa kanyang landlady, who embraced him before we departed.

"Close kayo ng landlady mo?"

"Si Ate Vi? Oo naman! Diyan na ako nakatira since second year pa."

"Akala ko ba masungit yan?"

"Oo nga. Pero maalaga yan sa amin."

Although it was Sunday, busy pa rin ang human traffic sa mga makikitid na kalye ng KNL. This place is probably the most densely populated area in Diliman. Medyo natagalan nga kami bago nakarating malapit sa Welcome Arch. Napansin kong isa-isang tinitingnan ni Dudoy ang lahat ng mga lugar na kanyang pinupuntahan, lalo na yung panaderya, habang unconsciously ay hinahawakan niya ang hikaw sa kanang tainga niya. Hala, napapa-reminisce ang kaibigan ko! Bigla kong hininto ang sasakyan at umatras hanggang sa may harapan ng panaderya. "Want to buy some pan de coco?"

Ngumiti si Dudoy at agad na lumabas. Ilang minuto pa ay nangangamoy na ang loob ng sasakyan ng pan de coco.

We settled in the condo in no time. I mean, how long should it take you to sort out your things in a shoebox of an apartment? Pero wala pa kaming 24 hours na magkasama sa iisang kisame ay nagkaroon na kami agad ng argument.

"Josh, pag iihi ka, i-shoot mo sa toilet bowl!"

"Na-shoot ko naman, a!"

"Mukhang kailangan mo nang magsalamin. Ano yung yellowish stain sa floor ng banyo? "

"Erm, a confluence of urea, ammonia, creatine, sodium, and potassium maybe?"

"Josh, wala ka nang katulong dito, so kailangan mong matutong maglinis after yourself."

"Chill lang! Lilinisin ko rin yan."

"When you say 'lilinisin ko rin yan', did you mean now or later pa?"

Naku, ganito pala ang pakiramdam ng may asawa. I kinda like the idea, though. "Fine, fine!" Pagtayo ko sa sofa ay binigyan ako agad ng toilet rolls ni Dudoy para ilagay sa banyo.

"Nagsisisi ka na, ano?"

Tinitigan ko si Dudoy habang nakamewang siya sa akin. Nasanay na akong nakikita siyang naka polo at slacks sa UP, pero ngayong naka shorts at lumang T-shirt lang siya at relaxed ang aura, di ko mapigilang ngumiti. "Actually, di pa." Kinindatan ko siya bago ko sinara ang pintuan ng banyo.

Pagkatapos ko maglinis ay naabutan kong nakaupo na si Dudoy sa tabi ng mesa habang nakatingin sa mood board sa dingding na kung saan ay nakalagay ang "Welcome to your new home!" sa isang papel na idinikit ko kahapon. Sa mesa ay may nakahain na toasted bread, pinainit na tirang pan de coco mula kahapon, at dalawang mug na may mainit na kape. Dahil pinatay na namin ang aircon kaninang madaling araw sa sobrang lamig, minabuting buksan na lang ni Dudoy ang ceiling fan sa may ibabaw ng mesa. Nagpapalaman siya ng peanut butter sa kanyang tinapay nang pinaupo niya ako. See? Parang may asawa na nga ako!

"May creamer sa pantry kung gusto mo."

"Ano ito, brewed coffee?"

"Oo."

"May coffee maker tayo?"

"Oo, sa counter sa tabi ng sink. Hindi ka umiinom ng instant coffee, di ba? At kasama yan sa request mo noon sa home depot."

Ang Kasarian ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon