[Biyahe papuntang Tuguegarao sa may Cagayan Valley Road. Kasalukuyang sa pagitan ng Tumauini at Cabagan.]
Josh: Naalala mo yung Kornets?
Dudoy: Yung chichirya?
Josh: Oo. Nung bata ako, nilalagyan ko ng Kornet ang bawat daliri ko at ini-imagine na may claws ako. Tapos isa-isa kong kakainin.
Dudoy: Naalala ko yan. Oo nga, ginawa ko rin yun.
Josh: Pero favorite ko yung Piattos. Kakaiba ang shape. Hexagon. Pag iniisip ko ang benzene ring, naaalala ko ang Piattos.
Dudoy: Di ko masyadong feel nun ang Piattos. Mahal kasi. Ngayon ko lang afford. Ang favorite ko nung bata ako ay Pee Wee at Cheez-it.
Josh: Di ko matandaan ang mga yan.
Dudoy: Wala kasing sari-sari store sa Green Meadows haha! Meron pa ngang Ri-chee, yung chips na milk-flavored.
Josh: Milk-flavored? Anong lasa nun?!
Dudoy: Manamis-namis. Palibhasa kasi Doritos at Pringles ang staple sa inyo. Doon lang ako sa bahay ninyo nakatitikim ng mga yun!
Josh: Uy, marami rin akong natikmang iba. Like yung Knick Knacks at Curly Tops.
Dudoy: Pero aminin mong mas madalas mong nakain ang Yan Yan.
Josh: Ay, oo, favorite ko rin yun! Pero come to think of it, ang nagdala lang nun ay yung chocolate dip niya. Di ko na trip yung sticks pag ubos na yung dip.
Dudoy: Imported Japanese snack yun. Eh yung Haw flakes, na-try mo na?
Josh: Ano yun?
Dudoy: Yung candy na parang ostia?
Josh: Ah, alam ko yan! Nagpre-pretend kami ni Ate na Body of Christ yun, tapos sinusubuan namin ang isa't isa at nagsasabi ng 'Amen.' Di ba made in China yun?
Dudoy: So nagawa rin pala ninyo yun nung bata kayo.
Josh: Sino bang hindi? Hala, parang ginutom ako bigla.
Dudoy: Kakakain lang natin kanina pagbaba ng Dalton Pass!
Josh: That was this morning! Malapit na kayang magtanghalian. At ako kaya ang nagda-drive.
Dudoy: O sige, stop over tayo sa Cabagan. Sikat ang kanilang pancit. Doon tayo mag lunch sa Josie's Panciteria.
Josh: What's so special about their pancit?
Dudoy: Sinasahugan ito ng Carajay lechon at quail eggs.
Josh: Ini-imagine ko pa lang, naglalaway na ako.
Dudoy: Magugustuhan mo yun!
Josh: Okay kaya kina Bodj at Lisa yun? Kamusta na ba sila? (Tingin sa rear view mirror.)
Dudoy: (Tingin sa likod.) Tulog pa rin!
Josh: Hayaan mo. It will be a while bago makakaranas ng ganyang peaceful sleep si Dr. Gutierrez pag nagsimula na yan sa Community Medicine niya sa Tawi-Tawi next week.
Dudoy: Hindi pa natin nase-celebrate ang pagpasa ni Lisa sa Boards. Buti nga napapayag nating sumama yan for this road trip habang narito sa Pilipinas si Bodj.
Josh: Sino bang makakahindi sa pangungulit mo?
Dudoy: It's a chance of a lifetime! Imagine mo, yung kinukuwentong skeletal fossils nung nag field activity tayo nung Arkiyoloji 1, potentially new hominin species pala!
Josh: Anong ipapangalan sa kanya?
Dudoy: Homo luzonensis, sabi ni Dr. Mijares. If ever, it will be the biggest news in human evolution this 2019.
Josh: Talaga? That's cool. Pero I doubt yan ang dahilan kung bakit napasama mo yung dalawa sa likod.
Dudoy: (Tingin uli sa likod. Pagkatapos ay naglabas ng cellphone at kumuha ng group pic.)
Josh: Para saan yun?
Dudoy: First time yata na kumpleto tayo sa Innova mo. We need to capture this. Besides, kailangan natin ng resibo ng sexual blossoming ni Bodj. (Ituturo ang nakuhang picture.) Nakaakbay pa kay Lisa, o!
Josh: Saan mo itatago ang resibong yan?
Dudoy: Saan pa, eh di sa Facebook at Instagram!
Josh: Uy! Baka magalit si Bodj!
Dudoy: Tayu-tayo lang ita-tag ko. At ano bang masama kung ipamalandaka natin ang pag-iibigan nila? Si Lisa pa ang una niyang binisita pagtapak niya ng Pilipinas para sa Pasko, eh magka-condo tayo!
Josh: Di rin nila matiis na mahiwalay sa isa't isa. Buti na lang ang lapit ng Japan.
Dudoy: Oo nga. Pero ang bilis niya. Matatapos na siya sa PhD by next year.
Josh: Napag-iiwanan na talaga tayo. This year pa lang tayo magsisimula.
Dudoy: Buti ka nga't makakasama mo si Bodj sa Nara Institute of Science and Technology. Ako, wala akong kilala sa University of Lincoln.
Josh: I'm worried nga, eh. First time mo abroad.
Dudoy: I'm sure makakahanap naman ako ng mga kaibigan doon.
Josh: Hindi yun ang inaalala ko. Baka lumandi ka roon.
Dudoy: Ay, sobra siya! Walang tiwala sa akin?
Josh: Baka marami ang magka-type sa iyo roon. Eh paano kung hindi mo sila mahindian?
Dudoy: As in sila? Ipagsasabay-sabay ko?
Josh: Malay natin.
Dudoy: Bayaan mo, mahihindian ko kahit ilan pa man sila.
Josh: Wow! Sigurado kang tatagal tayo, a!
Dudoy: Oo naman. Til death do us part.
BINABASA MO ANG
Ang Kasarian ng Pag-ibig
RomanceAll Dudoy and Josh ever wanted was to complete their Master's at the University of the Philippines while working as museum researcher and lecturer at the Anthropology Department (Dudoy) and research assistant and lecturer at the Institute of Chemist...