10

50 35 0
                                    

Chapter 10

Enjoyed

"Lalabas ba kayo o hindi?" Boses ni Nanay Cora ang umalingawngaw sa sandali naming katahimikan.

"Nanay Cora?" Tanong ko at gulong gulo na.

"Pasensya na Seren ayaw lamang kita nakikita na nag iisa at nagkukulong rito sa kwarto mo gaya nga ng sinabu mo dapat ay hindi ka pinapakialaman ni Tamara ng ganito."

"B-but what about the guards, Nanay kapag nalaman-"

"Huwag kang mag-alala sa gwardiya sa baba, Seren. Ako ang bahala sa kanila kaya habang kumakagat pa sila sa pain ko ay umalis na kayo." Wika niya at tila binubugaw ako.

Adam tried to pull me again para lumabas na pero nagmatigas muli ako, this will be a big problem kapag tumakas ako at kasama ko pa si Adam. Tiyak na lalo akong ikukulong ni Auntie kapag nalaman niya ito, I should plan this properly!

"Halika ka na Serenity, huwag kang matakot at ibabalik naman kita." Adam voice echoed.

"Sige na Seren, ibabalik ka ni Adam bago humapon at hindi ko hahayaan na malaman nila na umalis kayo."

"Pero Nanay Cora saan naman ho kami dadaan, at ano naman hong pain ang sinasabi ninyo?" Naguguluhan kong tanong.

I heard they laugh silenty. "May ginawang sikretong daan si Adam sa hardin ninyo sa bakuran na tiyak na hindi alam ng mga gwardiya, maging ako ay hindi ko alam ang ginawa niya. Napakatalino mo palang bata iho." Puri niya.

"Baka bumalik na ho ang mga gwardiya Nanay." May pagaalala sa tono ni Adam.

"Seren sige na, nangako si Adam sa akin na hindi ka niya papabayaan at gusto ko lamang maaliw ka rito at ayaw ko ng nagkukulong ka sa kwarto mo. Kaya sige na." She said.

Wala akong nagawa at sumunod sa kanila. He held my waist and arm to properly guide me, hindi ko alam kung saan kami dumaan tanging nararamdaman ko lang ay madamo at madahon daan na tingin ko ay maliit na butas lamang.

Maayos kaming nakalabas sa bahay ng makalabas sa butas na iyon at mabuti na lamang at hindi kami nahuli ng mga gwardiya ni Auntie.

"Saan ba tayo pupunta?" Paulit ulit ko ng itinatanong iyon sa kanya kanina pa pero wala siyang ibang sinasabi na tumahimik ako kaya nairita ako. Ganoon ba ako kaingay, gayong pinipigilan ko pa nga ang boses ko na magsalita ng malakas.

"Hindi mo naman alam kung sasabihin ko." Pilosopo niyang wika.

"Niloloko mo ba ako?"

"Hindi ako manloloko, Serenity. Nagbibiro lang ako. Halika na." Wika niya at kinuha muli ang kamay ko pero binawi ko iyon.

"Kung hindi mo sasabihin ay hindi ako sasama sa iyo, baka mapahamak na naman ako. Just bring me back!"

I heard he sighed. "Kung sasabihin ko sa iyo ngayon, edi hindi na sorpresa?"

A what, surprise?

"At bakit mo naman ako susurpresahin? It's not my birthday."

"Bakit kapag ba kaarawan lang pwede kang sorpresahin?"

"Tss! Tumigil ka na nga! Wala kang kwentang kausap!" Naiinis ko ng wika.

Now I know na may pagkapilosopo siya at naiinis ako dahil feeling ko nababara ako!

May sinabi pa siya pero hindi ko na pinakinggan, sumunod na lamang ako sa kung saan niya ako dinadala. Hindi ako mapakali sa kakaisip kung saan nga kami pupunta, gaya ng gusto ko ay sa mga relaxing na lugar sana pero ayaw ko namang sabihin dahil baka barahin niya ako at baka may plano siya at masira ko pa.

Scenery From The Moon [COMPLETED]Where stories live. Discover now