33

5 4 0
                                    

HAPPY 900 READS!! THANK YOU SO MUCH!!
3/5 for the special chapters for Adam's point of view.

Chapter 33

No and Don't

"The hell Winard? Bakit hanggang ngayon ay parang walang epekto ang gamot na binigay mo?" Narinig kong wika ng Aunti Tamara niya sa telepono.

Papasok na dapat ako pero narinig ko ang kausap niya sa telepono at tungkol iyon kay Serenity kaya hindi ko maiwasang maging kuryoso at makinig aa usapan nila kahit alam kong mali iyon.

Hindi ko naririnig ang sinasabi ng kausap niya kaya tanging boses lamang ng Auntie niya ang naririnig ko pero sigurado akong tungkol kay Seren ang pinag-uusapan nila.

"Dapat kasi yung malaking dosage na ng gamot ang ibingay mo para hindi na ako naghihintay ng ganito."

"Hinay hinay? Anong gusto mo mamuti ang buong mata ko kakahintay na mamatay ang batang iyon?"

Sumama ang lagay ng dibdib ko at naramdaman na parang may mali sa pinag-uusapan nila.

"Hurry up Winard! Magpadala ka na agad agad ng gamot na papatay sa babaeng iyon! Kailangang kailangan ko na ang pera dahil kating kati na ang kamay ko pero dahil kay Ate Ellen na ang mga mata ay nasa akin!"

"Ngayon na Winard! Ngayon mo na ipadala para mawalan na talaga ng pag-asa ang babaeng iyon na makakita." Hulu niyang sinabi bago matapos ang tawag.

Kinuyum ko ang mga kamao ko at hinarangan ang daraan niya ng makita kong papasok na siya sa loob.

"May pag-asa pa pong makakita si Seren iyon ay kung tutulungan niyo siya." Agad kong wika ng makalapit.

Pinilit kong maging kalmahin ang sarili at hindi magpadala sa nararamdaman.  Kumunot ang noo niya at pinag-kross ang mga braso sa akin.

"And who the hell are you?"

"Hindi na po mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga ay tulungan niyo si Seren na makakitang muli."

"Inuutusan mo ba ako?"

"Nakukiuasap po ako ng maayos."

Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Paano kapag hindi ko pagbigyan ang paki-usap mo iho? Anong magagawa mo?"

Lumunok ako bago nagsalita. "Sasabihin ko po kay Seren ang mga narinig ko kanina lamang. Ang plano niyo na sirain ang buhay niya."

Lumaki ang mata niya at galit akong tiningnan. "Who the hell are you? Kampon ka ba ng paring nagpapalaki sa ulo ni Seren? Hell!"

"Nagsasabi lamang po ako ng totoo. Ayaw kong masaktan muli si Seren kaya nakikiusap ako na huwag ninyong ituloy ang binabalak ninyo at bigyan muli ng pag-asa si Seren na makakita."

"So you are black mailing me now? Wala talagang itinuturong maganda ang paring iyon. Tss." Wika niya na siyang ikinainis ko.

Hindi ko alam kung paano nadamay si Father Roman sa usapan namin at kung paano nadala ang mga salitang sinabi jiya sa kaisa-isahang tao na nagkupkop at nagpalaki sa akin.

"Wag niyo pong idamay si Father Roman!" Hindi ko napigilan ang magtaas ng boses dahil sa galit.

Nanlaki lalo ang kanyang mga mata. "Ganyan ka ba pinalaki ng mga tao sa simabahan? And how dare you to talked me like that? Wala kang modong bata ka!" Sigaw niya rin pabalik.

Napansin ko ang pagdating ni Serenity kaya kahit papaano ay kumalma ako.

"Why are you nagging him, Auntie?" Mataas rin ang boses niya ng itanong iyon.

Scenery From The Moon [COMPLETED]Where stories live. Discover now