4/5 for the special chapters for Adam's point of view.
Chapter 34
"Kaya nakikiusap ako, sumama ka sa iyong Ama Adam. Hindi lang para sa kinabukasan mo kundi para narin kay Serenity. Mas madali kong mahahanap si Serenity kung ikaw ay aangat sa buhay kaya sinasabi ko sa iyo na gamitin mo ang lahat ng tsansa na lumalapit sa iyo."
"Pero.."
"Makinig ka. Alam kong kaya mo Adam pero minsan sa paglaban ay kailangan mong mandaya minsan. Oo mali, pero ang aksiyong iyong ginawa naman ay makakabuti sa lahat. Si Serenity, naawa ako sa kanya. Sa murang edad ay nararanasan niya ang lahat ng ito kaya nakikiusap ako sa iyo Adam, itama mo ang lahat at ibigay sa kanya ang mga nararapat."
Mahirap intindihin si Father Roman ng mga puntong iyon. Hindi ko maintindihan dahil naguguluhan ako pero kahit ganoon ay sinunod ko siya. Sa lahat ng tao ay sa kanya ako may pinaka malaking tiwala.
Nilisan ko ang lugar na kinalakihan ko. Gustuhin ko man na bumalik ay hindi ako payagan ni Father Roman sa hindi malamang dahilan. At sa mga panahon ring iyon ay unti-unti kong nakilala ang aking ama.
Sa bawat araw na dumadaan ay nagbabago ang tingin ko sa kanya. Naiinis ako roon dahil dapat ay kainisan ko siya sa mga pagkakamali niya pero hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na dapat ay intindihin ko ang mga dahilan niya dahil nagmamahal lang naman siya.
Naging miserable siya at tinangkang kitilin ang buhay ng paulit-ulit. Ngayon ko naintindihan kung bakit ayaw niya sa akin noon. Dahil itinuturo niyang dahilan kung bakit siya hiniwalayan ng Nanay ni Serenity ang aking ina na nagsimula sa mga miserable niyang buhay.
At ngayon na nakikita niya sa katauhan ng bunsong kapatid ng dalawang babae niyabg minahal ang sarili niya na nagmamahal dati. Sinabi niya sa akin na muli siyang nahubuhayan at nagkakaroon ng inspirasyon na mabuhay. Masakit sa akin ng kaunti ang lahat ng iyon dahil ibang tao ang nagbibigay ng inspirasyon, hindi ang aking namayapang ina at mas lalong hindi ako.
At ang lahat ng pagsasama ay nagkakaroon ng lamat. Sa mga taong kasama ko sila sa iisang bubong na alam kong ang dating tirahan ng pamilya ni Serenity. Madalas kong marinig ang pag-aaway nila tungkol sa ibat-ibang bagay. Duon ko sinimulan buuin ang mga plano ko.
Ito ang layunin na binuo ko bago ako sumamang muli sa aking ama. Ang ibalik ang mga bagay na hindi nila pagmamay-ari.
Dumalas ang pag-punta ni Ate Tamara sa Casino at nalango rin siya sa alak samantalang si Papa ay napapadpad sa kung saan saan dahilan na paghinalaan siyang nambabae. Sinusunndan ko si Ate Tamara kapag gabi utos ni Papa at kasabay noon ay ang pagsagawa ng plano.
Itinaya ni Ate Tamara ang mga titulo ng bahay at ari-arian ni Serenity at iyon na ang kinuha kong pagkakataon at nagpapasalamat ako sa diyos na ako ang nanalo. Hudyat na nagtagumpay ako sa aking mga plano.
Umalis ako sa bahay nila ng hindi na nagpa-alam. Kahit na nakokonsensya at tumuloy parin ako. Alam kong nagbago na si Papa at alam kong iisipin niya na hindi ko nakikita iyon kaya nag-iwan ako ng sulat kahit papaano.
Dala ang tagumpay na layunin ay bumalik ako sa probinsiya para ipagmalaki kay Father Roman ang mga ginawa ko pero isang malaking suntok sa akin kung ano ang nakita ko roon.
Si Papa na duguan.
Gusto kong magtanong kung ano ang nangyayari pero wala akong makuhang sagot kay Father dahil natatakot akong magtanong. Kita ko sa mukha niya ang pagkataranta sa nangyari.
Ilang araw na namalagi sa hospital si Papa at ilang araw kong ring ikinukubli ang mga tanong ko sa sarili kung bakit siya napadpad rito at isang araw ay hindi ko na napigilan ang magtanong.
YOU ARE READING
Scenery From The Moon [COMPLETED]
Teen FictionChain Heart Series #1 After the tragic accident happened to her family, she locked up herself in the chain where she also the key on it. Serenity Savelleno, a 17 years old girl think that she was the loneliest person in the world after she lost her...