31

9 4 0
                                    

1/5 for the Chapters for Adam's point of view.

Chapter 31

Favourite

"Father sino po iyon?" Tanong ko ng makaalis ang magandang babae na ngayon ko lang nakita na pumunta dito. May dala itong tungkod at tila hindi nakakakita.

"Siya Seren, Adam. Ang anak ng ate Celine mo." Sagot niya at nakatingin parin sa babaeng umalis.

Napaisip ako dahil sa narinig pamilyar na pangalan. Celine? Parang narinig ko na iyon dati at parang kilala ko ang Celine na sinasabi ni Father Roman.

"Celine po Father?" Ulit ko dahil maalala kung sino nga ang tinutukoy niya.

"Hindi mo na ba natatandaan iho?"

Napakunot ang noo ko.

"Pamilyar po pero hindi ako sigurado kung natatandaan ko nga po."

"Sabagay, ikaw nga pala ay batang paslit pa lamang ng makikilala mo si Celine."

"Ilang taon po ba ako noon father?" Kuryosong tanong ko habang sinudundan siya sa mababagal na hakbang.

"Tatlo o apat ata iho? Hindi ko narin gaanong matandaan." Sagot niya at napakamot pa sa ulo.

Napatango-tango ako. Kung sa mga ganoong edad nga ay baka paslit pa nga ako pero paano ko naman nakilala ang nanay ng babaeng umalis sa ganoong edad ko?

Lumingon ulit ako kay Father Roman at nakitang patuloy ang paglalakad niya at ako naman ay natigil at nahinto. Ngumiti ako ng malaki dahil hudyat iyon para mangilid ako.

Sanggol pa lamang ako ay si Father Roman na at ibang kasamahan niya rito sa simbahan ang kumupkop sa akin. Ang sabi kasi sa akin ni Father Roman ay nakita lamang nila ako sa labas ng simbahan kaya tiyak raw na iniwan na ako ng aking magulang.

Nalulungkot ako sa tuwing naiisip ko ang mga tanong na bakit ako pinabayaan at iniwan basta ng aking ina. Ayaw ba niya sa akin?

Pero kahit anong tanong ko ay hindi naman nasasagot lahat. Ang isinasaisip ko nalang ay may dahilan kung bakit ako iniwan at simula rin ng araw na iyon ay maigi kong ipinagdasal na sana makita ko sila kahit isang beses dahil kapag nangyari iyon hindi na ako hihiling pa roon. Gusto ko lang mayakap sila o kahit makita na lamang sila, ayos na ako.

"Naaksidente po?" Ulit kong tanong ng matapos ang kwento ni Father Roman tungkol sa Celine na sinasabi niya.

"Nakakalungkot pero iyon talaga ang nangyari. Iyon rin ang dahilan kung bakit nabulag si Seren."

"Bulag po ang babaeng umalis kanina?" Nakakanganga kong tanong.

Hindi ko napansin na bulag ito dahil hindi naman iyon kapansin-pansin sa kanya dahil ang akala ko lang ay pilay ito dahil may dalang tungkod.

Tumango siya at hindi nagsalita.

"Kung ganoon ay ulila na rin siya tulad ko." Wika ko at nalungkot sa kalagayan niya.

Napansin ko naman sumulyap si Father sa akin na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Kagaya mo? Eh hindi ka pa naman ulila ah?"

Natigil muli ako sa paglalakad.

"Hindi po ba ulila ang tawag sa mga taong wala ng magulang?" Inosente kong tanong.

"Ulila nga pero iba ang sitwasyon mo. Hindi ka pa naman sigurado kung wala na nga ang magulang mo. Hindi ba'y ang nanay mo lamang ang namamtay? Hindi pa ang iyong ama kaya hindi ka pa ulila Adam." Mahinahong paliwanag niya.

Scenery From The Moon [COMPLETED]Where stories live. Discover now