Napatigil naman yung Aithana sa ginagawa nito at gulat na napatingin sa nagsalita.
Nabitawan nito ang gunting na hawak dahil sa gulat.
"K-kian" nauutal nitong sambit .
Lumapit naman yung nagsalita samin at tumayo ito sa harapan ko patalikod dun sa Aithana.
Masama nitong tiningnan ang dalawang lalaki na nakahawak sa braso ko kaya agad na inalis nung dalawa ang pagkakahawak sakin.
Hinubad nito ang blazer ng uniform na suot nya at nilagay sa harap na bahagi ko.
Tumalikod sya sakin at hinarap yung Aithana na natataranta kung ano ang gagawin.
"Get lost" simpleng sabi nito.
"Kia-"
"I said get lost , you don't want me to repeat it again Ms. Dioz" malamig na sabi nung kian.Masama namang tumingin sakin yung Aithana saka padabog na umalis kasama yung mga alipores nya.
Tiningnan naman nung kian ang lahat ng estudyanteng nasa hallway kaya nagsialisan ang mga ito .
Humarap ulit sakin yung kian .
"Are you okey?" Simpleng tanong nito.
"Yahhh" sagot ko.
"Wag ka munang pumasok ngayon , masyadong mainit ang mata ng lahat ng tao sa campus sayo" sabi nito.
"Nope , i can handle" -me.
"Hardheaded " nagulat ako ng buhatin nya ako ng pa bridal style.
Meron pang natitirang mga estudyante sa hallway at nakikita ang ginagawa nya.
"Can you please put me down , i can walk" bulong ko dito pero di nya ako pinakinggan . Naglakad ito sa hallway papuntang dormitory kaya marami naring nagbubulungbulungan .
"Let me go ok? , i can handle myself , you're creating a scene" bulong ko ulit kaya napatingin ito sakin pero di parin tumitigil sa paglalakad , di naman ako makapiglas dahil ayokong mahulog dito.
"Tchii... Just shot your mouth" sabi nito.
Di na lang ako nagsalita at hinayaan na lang syang buhat ako hanggang sa pintuan ng dormitory room namin.
Ng makababa na nya ako ay papasok na sana ako ng pigilan nya ako.
" know to protect yourself next time , di sa lahat ng oras ay may magliligtas sayo" sabi nito bago naglakad paalis.
'I can but I won't '
Pumasok naman ako sa kwarto ko. Hinubad ko ang blazer nito sakin , bukas ko na lang isasauli.
Papasok na sana akong CR ng biglang mag ring ang phone ko.
Kinuha ko ito sa bulsa at sinagot ang tawag ni Levi.
"What?" Bungad ko sa kanya.
"Dad wants to talk to you .... Personaly" seryosong sabi nito sa kabilang linya.. Akala ko ay aasarin pa nya ako sa pambabae nya.
"When?" Tanong ko.
"Tomorrow... Sav .." Sabi nito na parang nagaalinlangan pa kung ano ang sasabihin.
"What is it Lev , just spill it" sabi ko.
"Sav.... Dad's fixing your marriage"
END OF CHAPTER FOURTEEN.
YOU ARE READING
Devils Academy (School of Mafia)
RomanceSaveena Herris : An Assassin girl , na wala pang napapalpak na misyon. A girl would do anything for her father to love her. Choosing her father over anything. Alexander Carter: A Young mafia boss. A heartless and ruthless demon. He don't care about...