I don't know kung may nagbabasa po ng story na toh , pero kung meron man please comment everyone , gusto ko lang malaman kung ano ang opinions nyo ,... Tenchuuu💜Lovelots purples
------------
Naglalakad ako ngayon sa hallway , lutang ang isip sa maraming bagay.
At hanggang ngayon ay palaisipan parin sakin ang kwartong nakita ko dalawang araw ng nakakalipas sa mansyon ni carter.
Nakatungo lang ako habang naglalakad at nakahawak sa mga labi ko.
Ng iangat ko ang tingin ko at nahagip ng paningin ko yung babaeng nakalaban ko sa combat na tinangka pa akong patayin.
'Flyyn I guess'
Sinundan ko naman ito.
Alam Kong may alam sya na higit pa sa nalalaman ng ibang estudyante.
Lumiko naman ito sa hallway na wla masyadong taong dumadaan.
Malayo layo sya kaya patakbo akong sumunod.
Liliko na ako sa hallway na nilikuhan nito ng sya agad ang bumungad sakin sabay sandal sakin sa pader
Ouch
Kahit na naiinis sa ginawa nito ay mas pinili kong di magpakita ng emosyon at blangkong nakatingin sa kanya.
"Bakit moko sinusundan?" Seryosong sabi nito.
"Dahil may Alam ka" nakatingin ako ng deretso sa mga mata nito habang sinasabi yon.
Napangisi ito at niluwagan ang pagkakahawak sa collar ng uniform ko.
"You really know nothing huh?" Nakangisi nitong tugon pero nakatingin lang ako sa kanya.
Inalis nito ang pagkakahawak sakin at nilagay sa bulsa ng blazer nito ang mga kamay.
Seryoso itong nagpalingalinga sa paligid at saka binaling ang seryosong tingin sakin.
"Follow me" saka ito nanguna sa paglalakad.
Masama akong tumingin sa kanya at saka ponagpagan ang sarili ko.
'Magsasalita rin pala kaylangan pa akong isalampak sa pader , kung sya kaya ilibing ko sa pader , it hurt my back ya know'
Sumunod na lang ako ng tahimik sa kanya.
Pumasok sya sa bakanteng room at ng tingnan ko ang nasa taas ng pinto ay nabasa kong storage room pala toh.
Pumasok ako kasunod nya at bumungad sakin ang napakadilim na paligid.
Meron syang hinilang maliit na tali at umilaw ang isang dilaw na ilaw at sa tapat nito ay lamesa at dalawang mono block chair.
Sinara nito ang pinto sa likod ko saka naupo sa isa sa mono block chair kaya umupo ako sa tapat nya.
"Nabalitaan kong tini-train ka ni zach and worst ..... Sa mansyon mismo" sarkstikong mangha nitong sabi.
"So you know about that mansion" simpleng sabi ko.
"HAHAHAHA ... Such an idiot" nainsulto man sa pagtawa nito at sa sinabi nya ay di nalang ako nagsalita kaya nagpatuloy ito.
"Everybody knows it ... Pero walang nagtangkang maligaw sa mansion na iyon.... Dahil alam nilang kuta ng mga nakakataas yun" mahabang lintaya nito.
" at first im totally shocked not because they allowed you there , but what makes me shocked is ....
Wala ka paring alam kahit ngayon" di parin ako nagsalita.Gusto ko mang magtanong ay nanatili lang akong tahimik.
Naiinis na rin ako dahil sa pambibitin nya saken.
"Ano bang gusto mong malaman?" Seryoso nitong tanong.
Binalik ko ang seryosong tingin nya sakin.
"Lahat"
END OF CHAPTER TWENTY ONE.
YOU ARE READING
Devils Academy (School of Mafia)
RomanceSaveena Herris : An Assassin girl , na wala pang napapalpak na misyon. A girl would do anything for her father to love her. Choosing her father over anything. Alexander Carter: A Young mafia boss. A heartless and ruthless demon. He don't care about...