Saveena's POVGusto pa sanang manatili ni Cyrus pero sinabi Kong OK na ako .
Ng makalabas ng clinic si Cyrus ay agad kong kinuha sa bulsa ko ang phone ko ng maramdaman kong nagriring ito.
Agad kong sinagot ng makita kung sino ang tumatawag .
"Yes kuya?" Bungad ko sa kanya.
Balak ko na sanang tawagan si Levi para sabihing baka di ako makapunta sa meet up namin ng fiancee ko , at para masabi na nya rin kay papa.
"How are you Sav?" Napangiti naman ako.
Kuya killua is a type of serious and dangerous person pero pagdating sakin he's so sweet kaya sya ang paborito kong kuya.
"I'm fine kuya " sabi ko , tumahimik naman ito sa kabilang linya.
"Ahhmmm.... Kuya , can you tell papa na di ako makakapunta?" Tanong ko dito.
"No need sav" napakunot naman ang noo ko.
"What do you mean?" Takang tanong ko.
"Scott also can't attend , he have something important to do"
"OK?" Di siguradong sabi ko.
"Pfft..." Napangiwi naman ako.
'There he is again , minsan diko alam kung bakit natatakot talaga ang iba sa kanya , he has this side na tatawa na lang bigla bigla'
"Kuya?" Tawag ko dito.
"Ahhh yahhh ... Take care Sav " seryoso nitong sabi.
"Yes kuya "
Binaba na naman nito ang tawag.
Ginamot naman nung nurse ang mga pasa na nakuha ko.
Nalunod ako sa pagiisip habang ginagamot ng nurse ang pasa ko.
'Something important to do? Ano na naman kaya ang gagawin ng scott na yun ?'
"I'm glad that this school can feel freedom and peace again" napatingin naman ako sa nurse.
"Huh?" Takang tanong ko.
Ngumiti naman ito ng matamis sakin.
"Take a rest saveena " saka nito niligpit ang mga ginamit upang magamot ako.
"Thank you sav .... You're making things more easier for me" pabulong naman nitong sinabi ang huli.
Napakunot naman ang noo ko pero mgumiti lang sya sakin saka naglakad na paalis.
~~~
"Again" kinalabit ko ang gatilyo ng baril na hawak ko at di pinatamaan ang target.
"Tsk...tsk.." Iling iling nito "again phrix" kanina pa kami nagte-training at ni isang lata ay wala akong pinatamaan.
Nakakaramdam na rin ako ng pagod at gutom , nasa likod kami ng mansyon dahil dito ako tini-train ni zach.
Magaling narin ang mga sugat ko, kahit malala ang lagay ko dahil dun ay madaling nakaka- recover ang katawan ko kaya pagkatapos ng limang araw ay gumaling rin ito.
Akala ko ay sa training room ng school nya ako ite-train , tinanong ko sya nung isang araw pero di nya ako sinasagot at palagi rin masama ang tingin nito sakin.
"Kanina ka pa again ng again e , napapagod nako di pa ko nakakapag lunch , why don't we eat first right?" Reklamo ko na.
"You're complaining?" Napanguso naman ako.
"Sabi ko nga dina " babalik na sana ako sa ginagawa kanina ng may kumuha ng baril na hawak ko.
"Eat first guys , the lunch is ready" sabi ni Cyrus na kakadating lang saka binaba ang baril na kinuha sakin kanina.
Nakahinga naman ako ng maluwag , kanina na rin nagrereklamo sakin ang tyan ko .
Nauna naman sa paglalakad si cyrus kaya sumunod na din ako.
Napatigil ako ng mapansing di tumayo si zach sa kinauupuan nito.
Kunot noo ko siyang tiningnan at tinaasan ng kilay.
Tumayo ito at masamang tumingin sakin.
Palaging mainit ang ulo ng isang ito sakin e kaya tatarayan ko na rin.
Nakataas ang kilay ko sa kanya at masama ang tingin nito sakin saka lumapit sakin .
"Tch..." Saka ako nito nilagpasan.
'Attitude din ang isang yun' ngumuso na lang ako at sumunod sa kanya.
Cyrus said na dito narin ako magpalipas ng gabi pero gabi , tatanggi pa sana ako pero sabi nito ay di na naman ako bago dito kaya pumayag na lang ako.
Naglalakad nako sa hallway kung Saan ang kwartong tinulugan ko nung unang beses ko dito.Papasok na sana ako ng mapansin ko ang isang pinto sa pinakadulo ng hallway.
Nilapitan ko naman ito.
'My curiosity is killing me'
Parang may nag uudyok sakin na buksan yun .
Pipihitin ko na sana ang sedula ng may tumawag sa pangalan ko.
"Ma'am saveena" napalingon ako at nakita ang isang tauhan na may hawak na damit.
I don't know why they don't have maids here.
Napatingin naman ako sa damit na hawak nito at tinanggap.
Aalis na sana ito ng tawagin ko ito.
"Ahhmmm ... Sino ang natutulog dito?" Tanong ko dito.
Seryoso lang itong tumingin sakin.
"I'm not the one who can answer your question maam " magalang nitong sabi saka tumango at naglakad na palayo.
Kunot noo akong napatingin sa pinto.
Nagkibit balikat ako saka pumasok na sa kwarto.
Napagod ako sa pag ti-training (which is di naman kailangan pero dapat ) kaya nakatulog din ako kaagad.
END OF CHAPTER TWENTY.
YOU ARE READING
Devils Academy (School of Mafia)
RomanceSaveena Herris : An Assassin girl , na wala pang napapalpak na misyon. A girl would do anything for her father to love her. Choosing her father over anything. Alexander Carter: A Young mafia boss. A heartless and ruthless demon. He don't care about...