JICE
"Magluluto na 'ko. Anong gusto mong ulamin?" Tanong ko doon sa pugo na nanonood sa sala.
Lumingon siya sa akin saka niya ako sinamaan ng tingin. "I fucking told you to leave—"
"Don't you fucking fucking me. Kapag ako nag-fucking fucking sa'yo, sasabihin mo thank you next!" Saka ko siya inismiran. Nakaka dalawang araw palang ako dito sa lintik na pamamahay niya. Susukuan niya ako, pero hindi niya 'ko mapapasuko.
Sino nga ako ulit? Si Jice Isaiah 'to, 'no. EXCUSE ME, PADAAN!
Bigla na lamang siyang tumayo mula sa kinauupuan niya at naglakad papalapit sa akin. "Don't test my patience lady, hindi kasing haba 'to nang inaakala mo—"
"E, 'yong ano mo, kasing haba ba nang inaakala ko?" Saka ko pa inilagay ang hintuturo ko sa labi ko na wari talaga ba na iniisip ko ang haba no'ng kanya. Talagang makikipag bugbugan ako ng salita sa pugo na 'to. Akala niya ba sa akin? Sabi nga nila pang online rambulan ako!
Bigla na lamang niyang hinampas ang lamesa sa gilid namin na bahagyang ikina igik ko. Mapanakot ang lintik na 'to, ah. "Don't force me to show you how cruel I can be. Ilang beses na kitang tinataboy. Just fucking leave," ramdam ko ang kaseryosohan ng tinig niya maging ang galit na namamayani rito.
Bigla ko siyang nginisian at nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "Show me how cruel you can be. Kahit anong style, kahit anong position, sige, sige maglibang! Huwag magpakahibang!"
Nakita kong napipikon na siya sa akin. Anong magagawa ko? Hindi ko kayang magpakaseryoso gaya niya. Hindi magiging maligaya amg buhay ko kapag ganoon.
"Whoever deployed you here must be so fucking insane," pahayag niya deretso sa mga mata ko.
"Excuse me, mister. Hindi po fucking insane ang ama ko. Nataon na nangangailangan ka ng yaya mo—"
"I am not in need of a fucking yaya!" Singhal niya sa akin.
"HOY MISTER! TIGIL-TIGILAN MO 'KO SA KAKA FUCKING MO! 'PAG AKO TALAGA ANG NAG FUCK-FUCK SA'YO, DAIG MO PA PINAGAK-FUCK NG MANOK SA PINAMAGAK-FUCKAN, KAPAPAMAGAK-FUCK PALANG, NAMAGAK-FUCK NANAMAN!" Lintik na pugo 'to. Puro fucking ang mga salita.
Bigla siyang kumuha ng isang babasaging plato sa likod ko at bigla na lamang itong ibinagsak sa harapan ko na naging sanhi ng pagkabasag nito.
"You want to be my maid!? Fine. Clean this fucking mess!" Saka niya ako biglang tinalikuran.
Mabilis kong kinuha ang pambahay na tsinelas na suot ko saka ko ito ibinato sa kanya. Ayon, sapul sa likod ang pugo. Lumingon siya sa akin nang may masamang tingin.
"Huwag mo 'kong madamay-damay sa emotional stress mo! May sariling mental health ako, excuse me sa'yo. Hindi lang ikaw ang may pinagdadaanan sa mundo. Huwag mo 'kong epalan!" Gigil na wika ko sa kanya. Napapagigil niya 'ko. Ayaw na ayaw ko pa naman sa lahat iyong nang aalipusta ng mga kasambahay o mga trabahador.
BINABASA MO ANG
The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Humor 12/25/20 Jice Isaiah Saavedra, kilala sa pagiging pambansang bunganga, pambatong manok ng bayan, malakas bumanat, kayang-kayang isabak sa online rambulan, at ang babaeng ilalaban...