FREEZELL SERIES #8
"A.YO.KO! TAPOS ANG USAPAN!" Saka ko sana tatalikuran si Papa ngunit mabilis niyang hinigit ang braso ko.
"Ikaw lang ang maaaring pumwesto roon, dahil kilala na niya lahat ng mga agent ng Phyrric. Isa pa, wala ka naman gagawin na iba kung hindi ang bantayan, alagaan, at panatilihin mong nasa ayos siya---"
"HUWOW PA! Ano siyang herodes siya, kinder? Ayoko. Ayoko sa isang racer. Alam mo rin na ayaw ko sa mayayabang! Ayokong maugnay sa mga buset na 'yon!" Gustong gusto ko na talagang magtantrums. Bakit kasi pinipilit pa 'ko? Masasayang ang gandang taglay ko roon kapag naging katulong ako.
"My words are final, young lady. Ikaw ang hahalili sa kanya sa tahanan niya. PERIOD!" Saka ako binitawan ni Papa.
"WAAAAHH! PINAGANDA MO LANG, E! MAGYA-YAYA LANG NAMAN AKO RO'N!" Saka pa ako nagpapadyak sa inis.
"Mag-impake ka na. Mamaya lilipat ka na sa bahay niya at doon titira. Hala sige, kumilos ka na," pagtataboy pa niya sa akin patungo sa kwarto ko para mag-ayos ng gamit, saka siya umalis at mukhang tutungo sa kusina.
"PAAAAAA!" Pigil ko sa kaniya.
"Bakit nanaman? Lintik na bata ito, napakalakas ng bibig!" Singhal niya sa akin.
"Taga abang ka ba ng mga babae sa may plaza?" Nakita kong nangunot ang noo niya sa sinabi kong iyon.
"Ano kamo!?" Iritado niyang sagot sa akin.
"SABIHIN MO NGA KASI BAKIT!" Dabog ko sa kanya.
"Bakit!?" Pa-angil na tanong naman niya.
"BUGAW KA, PAPA! BUGAW KA! BINUBUGAW MO 'KO! HUHUHUHUHU."
*****
"SINONG nagpadala sa'yo?" Galit na bulyaw sa akin nitong lalaking sumalubong sa akin sa gate.
"HOY MISTER, KUNG AKO LANG NAMAN ANG MASUSUNOD, AYOKO SA'YO 'NO!" Bulyaw ko rin sa kanya. Anong akala niya sa kaluluwa ko? Matatakot? Excuse me, padaan!
"Then fucking leave," malamig na tugon niya sa akin.
Sa halip na umalis ay hinatak ko ang maleta ko at ipinagsiksikan ko ang sarili ko na makapasok sa loob.
"HEY!" Pagtawag pa niya pero dire-deretso ako sa sofa saka ko ibinagsak ang katawan ko roon.
"Dito ako mag-stay sa ayaw at sa ayaw mo, mister. Dahil ako ang mapapalayas sa totoong pamamahay ko kapag hindi ako ang naging yaya mo!" Saka ko pa siya inismiran.
Nagulat ako nang lumapit siya sa akin saka bigla akong hinatak patayo at papalapit sa dibdib niya. "Leave now, or I am going to punish you for intruding," nakakatakot ang tinig na wika niya sa akin.
Marahan ko siyang itinulak saka ko siya tinitigan sa mga mata. "Hahayaan mo akong mag-stay dito o kakabayuhin kitang racer ka? Huwag mo 'kong hinahamon, dahil kapag ako ang nagparusa sa'yo sasabihin mo, uhhmmm ahhhhh sige pa, sige pa!" Saka ako nag-flip ng hair ko at namili na kung alin sa mga silid na ito ang gusto kong maging kwarto. Excuse me, padaan. Not me... definitely not me.
I am Jice Isaiah Twizler-- Saavedra, and he is........
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
Laeven Azer Freezell-- Villafuerte, THE DISTRESSED RACER.
--
BINABASA MO ANG
The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]
Ficção GeralWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Humor 12/25/20 Jice Isaiah Saavedra, kilala sa pagiging pambansang bunganga, pambatong manok ng bayan, malakas bumanat, kayang-kayang isabak sa online rambulan, at ang babaeng ilalaban...