JICE
"Okay naman na siya. Kapag nagising ay maaari n'yo na rin siyang iuwi," wika ng doktor sa akin. Dinala ko siya rito dahil ayaw niyang magising. Ang dami-dami kong luhang nasayang sa kaniya, lintik na 'yan!
"Maraming salamat po," wika ko sa doktor saka na ito lumabas ng silid.
"Ganiyan din si Aeidan noon, 'di ba? Hindi mo ba natatandaan? 'Yong sa grocery store noon—"
"SHUTANGENA! OO NGA!" Bigla kong naalala 'yong tinutukoy ni Lindzzy. Narito siya ngayon pati si Shanna dahil mabilis ko talaga silang tinawagan. Hindi kasi ako makapaniwala sa mga chika ni Madam Cassandra. Kahit pa hindi niya itsura ang nagbibiro, feeling ko trip niya akong i-good time. Mwehehehe.
"So I guess, buntis ka nga?" Para nanaman akong kinabahan sa narinig kong iyon.
"Sure ka na ba?" Parang tangang tanong ko.
"Hindi naman si Lindzzy 'yong jinerjer ni Laeven, bakit siya 'yong tinatanong mo?" Pinanlisikan ko ng mata si Shanna dahil sa sinabi niya.
"Ang walang hiyang estudyante, lalabas pa yatang mas magaling sa guro," singhal ko sa kaniya pero tinawanan lang ako ng bruha. Nakakagigil ang bilis ng adjustment at learning niya!
"I just learned from the best, you know," sagot pa rin niya.
"Sasakalin na talaga kita, isang banat mo pa—"
"Bale buntis ka na nga, kase?" Putol niya sa akin. Alam na alam nila ni Lindzzy kung paano biglang i-shift 'yong utak kong may ubo. 'Yong gigil ko ay muling naging kaba.
"B–Baka. Si Madam Cassandra na rin kasi ang nagsabi," kabadong sagot ko sa kanila.
*****
Hindi ko alam kung anong i-a-akto ko sa narinig kong iyon mula kay Madam Cassandra. Isa pa, anong ginagawa niya rito? Ang alam ko ay wala siya sa bansa ngayon.
"A–Anong pong ibig ninyong sabihin?" Tanong ko sa kaniya.
"You're pregnant," para yata akong binundol ng samu't saring tren dahil sa narinig kong iyon.
"P–Paano n'yo pong nalaman? Ob-gyne ka na ba ngayon, Madam? Psychiatrist? O Madam Auring?" Utal na wika ko. Kahit si Madam Cassandra ang kaharap ko ngayon, hindi ko na iniintindi ang kaba. Mas lamang na talaga ang kagustuhan ko na malaman kung ano bang sitwasyon ko.
"Silly kid. I just saw the curse. I've been looking the two of you from afar," aniya saka ako biglang niyakap. "Take care of my grandson, Ms. Saavedra. He has been through the worst nightmare. Give him the love he deserves," pagpapatuloy nito bago humiwalay sa akin.
BINABASA MO ANG
The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Humor 12/25/20 Jice Isaiah Saavedra, kilala sa pagiging pambansang bunganga, pambatong manok ng bayan, malakas bumanat, kayang-kayang isabak sa online rambulan, at ang babaeng ilalaban...