Fifteen

36.8K 1.6K 349
                                    

JICE

     

"Amo!" Padabog na wika ko nang makapasok ako sa loob ng opisina ni amo. Busy'ng busy siya sa pag-aasikaso ng sandamakmak na papel sa ibabaw ng lamesa niya.

         

Napakalakas talaga ng loob kong gangsterin si amo nitong mga nakakaraan. Siguro kasi naging feelingera na rin ako na magiging tiyahin ko siya in the very near future kahit na malaki ang katok ng depugooooo niyang pamangkin. Ako na nga ang assumera.

        

Umangat ang tingin niya at tinitigan lamang ako bago nagsalita. "When did I ever let you in?" Paktay na. Mukhang wala sa wisyo si amo.

     

"Isusumbong ko lang naman po kasi sana si Laeven—"

         

"WIFE! HOW THE FUCK DID YOU MANAGE TO ESCAPE THE CHAINS I PUT ON YOU!?" Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa biglaang paglitaw ng asawa ni amo na nakatapis lang ng tuwalya ang pang-ibaba. Mukhang wala pala sa wisyo kasi nabitin. SHUTANGENA! AYOKONG MAG-ISIP NG MASAMA PERO BIGLA AKONG NA-STRESS DOON SA NARINIG KO!

            

"S–Shut the fuck up, Nigel!" Bulyaw ni amo sa asawa niya na parang hindi pa rin napapansin 'yong existence ko.

         

"NO FREAKING WAY! YOU PROMISED ME THAT WE'LL MAKE LOVE AFTER I TAKE A SHOWER, TAPOS NANDITO KA NA AGAD AT KAHARAP IYANG MGA PAPEL NA KAAGAW KO SA'YO!?" Shutangena talaga! Napakawild naman pala.

           

"Y–You either shut your mouth or I'll shut it using my—"

        

"Lips? That would be a great deal—"

       

"I'll fucking shoot you! Can't you see that I have a visitor!?" May gigil na ang pananalita ni amo, pero kahit papaano ay na-eenjoy ko naman ang sagutan nila ng mahal niyang asawa.

          

Mukhang napansin na ako nito. Mabilis itong muling pumasok sa loob ng silid na nilabasan nito na tila nahiya sa mga narinig ko.

             

"Hehehe. Babalik nalang yata ako mamaya amo—"

        

"Sasabihin mo na ang sadya mo o sususpendihin kita?" Shutangena. Sumeryoso na. Nakakatakot. Hirap talaga kapag si amo na ang usapan, nakaka-umid ng dila, tapos nakakabobo pa.

          

"Si Laeven po kasi nambababae na, kahit kaka-break lang namin! Ampeyr 'yon, amo. Hindi pwedeng siya lang ang happy! Hindi pwedeng siya 'yong mauunang maka-move on. Ano 'to? Kami pa, nagmo-move on na siya!?" Ratsada ko ng mga hinanakit ko.

          

"You found him?" Tanong niya sa akin at sunod-sunod akong tumango.

         

"Oo, amo. Nasa bar ang pugo at nakikipaglandian!" Sumbong kong muli.

        

"Do you really love my nephew, Saavedra?" Seryosong-seryoso ang pagkakasabi ni amo diyan. Parang gusto niya akong tirisin kapag mali ang isinagot ko.

       

"Una at higit po sa lahat amo, hindi ko naman po ibababa 'yong panty ko kung hindi ko mahal 'yong pamangkin n'yo. Ikalawa amo, pinutukan niya ko sa loob na akala mo ba siguradong a-anakan niya 'ko! Tapos bigla akong hihiwalayan dahil sa trust issues niya!" Ewan, pero napakagaan lang sa pakiramdam na nakakapagsumbong ako kay amo tungkol sa katarantaduhan ni Laeven.

The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon