Fourteen

36.1K 1.8K 398
                                    

JICE

      

Hindi ko maatim na pagkatapos nang lahat ng nangyari ay ganoon na lamang niya ako kadaling tatalikuran.

     

Hinabol ko siya at saktong kalalabas lamang niya ng pintuan. Hinaklit ko ang braso niya at ibinaling siya sa akin.

       

"Wala kang kahit na katiting na karapatan na abandonahin ako, dahil nangako kang ikaw ang magha-habol sa akin! TUPARIN MO ANG PANGAKO MONG IYON!" Sigaw ko sa kaniya. Hindi ko na mapigilan ang bugso ng damdamin ko.

        

"Jice, tama na. Ikaw ang nanakit sa pagitan nating dalawa—"

        

"Hindi kita sinaktan! Oo, hindi ako nagsabi ng totoo pero hindi kita sinaktan! Lahat ng ipinakita ko sa'yo, totoo!" Nasasaktan din ako. Hindi lang siya! Huwag siyang feeling entitled na kaniya lang lahat ng sakit.

        

Hinatak niya ang kamay niyang hawak ko saka ako hinarap. "You have your chances to tell me the whole truth but you chose not to. Wala kang tiwala sa'kin? Wala kang tiwala sa pagmamahal ko sa'yo? Ito ako, mas pinili na pagkatiwalaan ka, pero ito ka pala, mas pinili na gaguhin ako."

       

"Bakit kasi hindi mo 'ko pakinggan!?" Naiinis na 'ko. Umiiyak na 'ko dahil sa inis. "Kung una palang ba sinabi ko na sa'yo na nataasan ako para bantayan at subaybayan ka, papapasukin mo ba 'ko sa buhay mo!? Hindi, Laev. You'll never let me. Not in a millenium," sarkastiko kong pahayag sa kaniya.

       

Para siyang natauhan sa sinabi kong iyon sa kaniya ngunit tila nais niya pa rin panindigan ang sakit 'di umano ng pagsisinungaling na ginawa ko.

            

"Just let me go, Jice. Wala na rin naman patutunguhan 'tong usap natin. I'm seriously breaking up with you—" there. I slapped him. Kahit ako ay nabigla sa naging pag-igkas ng kamay ko patungo sa pisngi niya. Naramdaman ko nanaman muli ang mga luha sa mga mata ko.

           

"Oo may trust issues ka, pero dapat Laev pakinggan mo 'ko. Dapat masasaktan ka lang, pero mahal mo pa rin ako. Dapat mahihirapan ka lang, pero ako pa rin 'yong pipiliin mo. Hindi 'yong ganito. Nasaktan kita oo, pero 'yong talikuran mo na agad ako? Hindi ba masyadong masakit 'yang ganti mo?" Puno ng hinanakit na wika ko sa kaniya.

          

"Is it hard to understand that I trusted you so much, but you chose to throw away that trust? Paano tayong magpapatuloy kung tiwala ko na mismo ang sinira mo?" Ramdam ko na nagpipigil siya ng sumbat niya sa akin.

          

Ibinaling niya sa iba ang tingin niya ngunit hinawakan ko ang baba niya at hinarap siya sa akin. "Totoo na ba? Ayaw mo na ba talaga?" Hindi ko alam kung anong nasa tono kong iyon.

        

Ninais niyang iiwas ang mga mata niya sa akin ngunit pinilit ko itong ibaling sa akin. Kitang-kita ko ang iba't-ibang uri ng emosyon sa mga mata niya. Wari ba nais nitong kabigin ako ng yakap ngunit nais din akong itulak palayo.

         

"I'm really done with you, Jice. Thank you for the memories," wika niya deretso sa mga mata ko at tila ako nanghina. Hindi ko maiwasan na mapayuko at doon ko binuhos lahat ng luha na kanina pa walang tigil ang pag-agos.

The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon