Eleven

44K 1.9K 464
                                    

JICE

        

"Aanakan lang? Hina mo naman. Dapat asawahin mo na rin ako para talo-talo na," sagot ko sa kaniya. Sa totoo lang kinompose ko lang naman ang sarili ko. Shutangena, kinilig yata lahat ng cells ko sa sinabi niya, e. Alam n'yo naman ang karupokang taglay ko. Daig pa ang bahay na puro anay, daig pa ang basang papel at daig pa ang mga gamit na gawang China.

           

"Saka na kita aasawahin. Kapag sa palagay ko nasa ayos na ang mentalidad ko—"

         

"Baka saka mo na 'ko papakasalan? Kasi kung aasawahin ang usapan, naka-una ka na. Balak mo na ba agad pangalawahan?" Pang-aasar ko sa kaniya saka ko sinindihan ang makina ng sasakyan.

       

"Papayag ka ba? Hindi na ba masakit?" Mukhang naka-sumpong ang isang ito na makipag-lokohan sa akin.

        

"Bakit ka muna nandoon sa cafe? Akala ko takot ka sa tao? Akala ko ayaw mong lumalabas ng bahay?" Usisa ko sa kaniya habang nakatingin ako sa daan.

         

"I really did think that you were cheating on me. Napansin ko kasi na sa tuwinang magpa-paalam kang maggo-grocery, lagi kang nagta-tagal," sagot niya sa akin at saglit akong napalingon sa kaniya bago muling tumingin sa kalsada.

            

"I despise cheating the most. Sa exam lang naman ako nangga-gago, pero kapag tunay na buhay hindi," seryosong sagot ko sa kaniya. "I saw how kuya Jico, my cousin, got cheated on. Hindi ko gustong makakita ng isa pang lalaki na nasasaktan dahil sa isang tangang babae na hindi marunong makuntento. Isa pa, binigay ko ang sarili ko sa'yo, hindi naman siguro ako abnoy para mag-loko. Tiba-tiba na nga ako sa laki ng anaconda mo, magha-hanap pa ba ako ng bulate?"

         

"Alam na alam mo talagang sirain ang mood," wika niya sa akin dahil sa huli kong sinabi.

        

"I'm just telling the truth Laeven Azer. Hindi ako abnoy. Medyo wala lang talagang delikadesa ang bunganga ko, pero alam kong pahalagahan ang meron ako at marunong akong makuntento. Kaya ikaw kapag ipinagpalit mo 'ko—"

        

"Anong gagawin mo?" Putol niya sa sinasabi ko.

        

"Wala. Hindi naman kita hahabulin, pero sisiguraduhin kong magka-kamatayan na muna bago ka maagaw sa akin, maliban nalang talaga kung willing ka namang sumama sa iba," sagot ko sa katanungan niya.

       

"You love me that much?"

       

"Hindi ko alam. Basta sa akin ganoon ang paniniwala at prinsipyo ko. Kapag sa akin ka, sa akin ka. Kapag gusto mong sumama sa iba, e 'di magsama kayong dalawa," dagdag ko pa.

          

"Ibang klase ka talaga. You're the most unpredictable woman I ever encountered," hindi ko alam kung flattering words 'yon kaya saglit kong iginilid ang sasakyan at huminto.

         

Lumingon ako sa kaniya kaya't napalingon rin siya sa akin. "Hindi naman masaya kung predictable ako, 'di ba? Iyang mga tipo mo kasi ang mapag-hanap ng adventure sa babae. Sigurado, kung ako 'yong tipo ni Shanna na madaling basahin, baka hindi mo rin ako gugustuhin," seryosong wika ko sa kaniya.

The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon