Nineteen

38.2K 1.5K 111
                                    

JICE

      

Marahas ko siyang naitulak dahil sa narinig kong mga salitang binitawan niya.

       

"N–Nakapatay ka?" Halos ayaw lumabas ng mga salitang iyon sa bibig ko. Parang nababarahan ng kung ano man ang lalamunan ko.

        

Nakita kong napayuko siya bago nagsalita. "Iyon ang sa tingin ko. I remember seeing blood around the scene that was about five meter away from us," wika niya sa hindi maipaliwanag na tono.

        

Napahakbang ako patalikod... hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong iisipin ko.

          

"K–Kaya ba may nagtatangka sa buhay mo?" Ini-angat niya ang mga mata niya patungo sa akin.

          

"Akala ko may alam ka," naguguluhang turan niya sa akin.

        

"Tungkol sa nagtatangka sa'yo? Laeven, agent lang ako, hindi ako ang mastermind na nagpapatakbo ng buhay mo. Hindi ko inaalam lahat ng naging galaw mo sa nakaraan. Wala nga akong ideya tungkol dito sa, baka nakapatay ka nga!" Gulong-gulong wika ko pabalik sa kaniya.

     

"I am being blackmailed by someone," wika niya sa akin at napakunot ang noo ko.

           

"Someone? Blackmailed for what? Dahil doon sa baka nakapatay ka?" Halos hindi ko mapagtagni-tagni ang mga naririnig ko.

          

Naupo siya sa dulo ng kama niya saka napasabunot sa buhok niya. "Someone knew about the details of the accident. He even told me that he has the body," hirap na wika niya sa akin.

          

"At anong kapalit ng pang-ba-blackmail niya sa'yo?" Usisa ko. Hindi ko siya maaaring husgahan dahil lamang sa mga naririnig kong ito, kahit pa hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman ko.

          

"If I return at the race track again, they will kill my fiancé, at that's Shanna. I may not love her, but I grew fond of her. She's like a sister to me. She treats me as her sibling too. Hindi kakayanin ng konsesya ko, kung ikakamatay niya ang pagbabalik ko," ramdam ko ang sakit at hirap sa tinig niya. Hindi ko rin siguro matatanggap kung may mangyayari kay Shanna. Natutunan ko na rin siyang mahalin at gustuhin bilang kaibigan.

       

"Aalamin ko kung sino siya—"

      

"Baby, please. Mas hindi ko kakayanin kapag sa iyo na nabaling ang atensyon nila. Mas hindi ko na alam ang gagawin ko kapag ikaw ang ipinanakot nila sa akin. Kahinaan kita. Tuluyan kong ikakabaliw kung masasaktan o mawawala ka," halos nagsusumamo ang tinig at mata na sambit niya sa akin.

         

Halo-halo ang nasa isip ko ngayon. Gustong-gusto ko nang sabihin sa kaniya ang tungkol sa ama ni Shanna ngunit baka kung anong gawin niya lalo na't mukhang handa siyang sumuong sa kahit na ano.

      

"Kailangan tayong magtulungan, Laeven. Ngayon ko naiintindihan bakit nasabi ni amo na makukulong ka. Gusto kong intindihin ka maging ang nakaraan mo, pero sana naman maintindihan mo rin ako na hindi ganoon kadaling i-proseso lahat ng sinabi mo," turan ko sa kaniya.

The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon