LAEVEN
"Hindi mo kilala si Jice. She's the most unpredictable woman, Zaimon. Hindi siya kasing bobo ng iniisip mo. Hindi siya uto-uto lalo na kung walang basehan!" Sigaw ni Shanna kay Zaimon kahit pa alam kong hirap na hirap na siya.
Mas sinabunutan siya ng mariin ni Zaimon kaya't narinig ko ang pag-aray niya. Awang-awa na ako sa sitwasyon ni Shanna. Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan. Kapag kumilos ako sa paraang alam ko, baka mamatay kaming tatlo nina Flare. Kapag hindi ako kumilos, hindi malinaw kung anong mangyayari.
"Ikaw lang naman ang uto-uto rito. Hindi ko alam kung anong katangahan ang mayroon ka at napa-ikot kita ng matagal," saka pa tumawa si Zaimon na animo demonyo.
Napangisi ako ng pait saka umiling at tila nakuha no'n ang atensyon niya kaya't napalingon siya sa akin. "Ang laki rin naman pala talaga ng nagagawa ng inggit sa'yo," wika ko rito na tila ikina panting ng tainga niya.
Bigla niyang itinulak si Shanna at nasubsob ito sa lupa. "Wala akong dapat kainggitan sa'yo, Villafuerte. Wala nang sa'yo ngayon—"
"Dahil ginusto n'yong sirain," sarkastikong putol ko sa nais nitong sabihin sa akin.
"Akala mo ba ay ako lang ang may lihim na galit sa'yo? Hindi ka ba nagtatakha at naging madaling naitago ang lahat?" Wika nito sa akin na bahagyang ikinagulo ng utak ko, dahil ramdam kong may punto naman siya.
"Sigurado naman na akong hindi ka nag-iisa. Dahil hindi mo naman ako kaya ng mag-isa, hindi ba?" Kung pag-su-subong man sa apoy ang ginagawa ko ay hindi ko alam. Kailangan kong makabili ng oras dahil nararamdaman kong gagawa at gagawa si Jice at tita Aeickel ng paraan para mahanap ang kinaroroonan ko.
Hindi na ako nagulat nang bigla siyang lumapit sa akin at ini-umang ang nguso ng baril niya sa noo ko. "Saan mo hinuhugot ang tapang ng loob mo? Putang ina, Villafuerte. Alam mo bang wala kang naging totoong kaibigan? Lahat ng putang inang kaibigan na mayroon ka, lahat 'yon peke! Dahil nga wala kang kwenta! Dahil isa ka lang malaking sagabal!" Dama ko ang panggagalaiti niya sa akin.
"Hindi naman ako ang nawalan," saka ko siya ngisian. "Nakipagkaibigan ako ng totoo, hindi naman ako ang talo sa huli kung pipiliin nilang traydorin ako."
Bigla itong tumawa ng malakas na tipong napapahawak pa sa noo at tiyan. "Tang ina. Joke ba 'yon?" At wala pa rin itong humpay na tumawa.
"Zaimon tama na," napalingon kami kay Shanna na ngayon ay umaagos na ang luha sa mga mata. "Kahit para nalang sa pinagsamahan natin— AHHHHHHH!"
"SHANNA!!!!!"
Bigla siyang sinipa ni Zaimon sa sikmura na naging sanhi ng pagsusuka niya ng dugo.
"HAYOP KA! NAPAKAHAYOP MO!" Galit na galit na sigaw ko. Tang ina. Hindi ko kayang makitang ganito si Shanna!
BINABASA MO ANG
The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Humor 12/25/20 Jice Isaiah Saavedra, kilala sa pagiging pambansang bunganga, pambatong manok ng bayan, malakas bumanat, kayang-kayang isabak sa online rambulan, at ang babaeng ilalaban...