JICE
Gusto kong pumalahaw ng iyak sa nasaksihan kong estado ni Shanna pero wala akong magawa. Shutangena ng mga hayop na 'to! Buhay pa sila pero sinusunog na ang mga kaluluwa nila sa impyerno!
"Huwag n'yong idamay si Shanna at Jice rito! Sa akin kayo galit, ako ang patayin ninyo!" Galit na wika ni Laeven. Hindi ko alam kung ano bang unang iisipin ko. Kung ang kalagayan ba ni Shanna na ngayon ay tila papanawan na ng malay-tao o ang sitwasyon ko kasama ng anak ko na hawak ng taong ito.... ng taong gusto ko nang kasuklaman mula ngayon.
"Hindi ko sila idadamay? Bakit, Villafuerte? Alam mo ba ang pakiramdam ng mawalan?Alam mo ba kung gaano nakakagago, na ang matagal ko na palang hinahanap ay nasa paligid ko lang? Ang taong matagal ko nang nais singilin ay sadya pala talagang itinago mula sa akin!? Ano ang putang inang alam mo!? WALA! WALA KANG ALAM DAHIL NAGPAPAKASASA KA KAY JICE HABANG MAY PAMILYANG NAGDADALAMHATI DAHIL SA KAHAYUPAN MO!" Sigaw niya kay Laeven. Kanina pa magulo sa akin ang istorya ukol sa sinasabi niya ngunit hindi niya ako binigyan ng paliwanag. Bagkus ay iginapos niya ako at binusalan ang bibig.
"W–Wala akong maintindihan sa sinasabi mo," utal na sagot sa kaniya ni Laeven.
"Wala kang alam? Puro wala kang alam! Lahat iniintindi ang sira mong utak habang ikaw walang alam! Papatayin ko ang mag-ina mo para maranasan mo ang mawalan!" Saka ako nito tinutukan bigla ng baril sa ulo na ikinanginig ng buong katawan ko. Hindi ako nakakaramdam ng takot para sa sarili ko, kung hindi para sa anak ko.... para sa anak namin.
"PARANG AWA MO NA HUWAG SILA!" Nagmamakaawang sigaw ni Laev.
Mabilis ang naging kilos ko nang makita kong pang samantala silang na-distract sa kaluskos mula sa hindi kalayuan.
Pinilit kong makawala sa pagkakahawak sa akin ng lalaking ito at nang magtagumpay ako ay mabilis kong inalis ang busal ng bibig ko. Nagpapasalamat ako na nakikinig ako kay amo nang mga panahon na itinuturo niya ang pag-aalis ng mga gapos sa kamay.
"WALANG HIYA KA, SHAWN! WALANG HIYA KA!" Sigaw ko nang makabawi na ako.
Tama, si Shawn nga. Si Shawn nga ang nagtutok sa akin ng baril, ang naggapos ng mga kamay ko at ang nagbabanta sa buhay naming mag-ina sa ngayon. Si Shawn na itinuring ko ng higit pa sa pagiging kaibigan. Si Shawn na itinuring ko na parang kapatid. Ang taong nakasama ko sa tawanan at hirap, ang siya palang magbabanta sa kaligtasan namin ng anak ko.
"Lumapit ka sa akin o mas mapapadali ang buhay mo!" Singhal sa akin nito ngunit mas pinili kong humakbang papalayo.
"Kahit matira na kami ni Laeven dito, basta iligtas n'yo lang si Shanna. Hindi na maganda ang lagay niya. Parang awa n'yo na!" Palahaw ko habang patuloy pa rin ang paglalakad ko patalikod.
"Kailangan pa namin maningil sa tatay ng anak mo, babae. Paano naman ang nararamdaman namin? Paano naman ang nagawa sa amin ng hayop na Villafuerte na ito?" Nakangising aso na wika ni Zaimon. Gusto ko siyang patayin sa mga oras na 'to! Napakahayop niya! Sinasabi ko na nga ba at hilatya pa lamang ng mukha niya ay pang demonyo na!
BINABASA MO ANG
The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Humor 12/25/20 Jice Isaiah Saavedra, kilala sa pagiging pambansang bunganga, pambatong manok ng bayan, malakas bumanat, kayang-kayang isabak sa online rambulan, at ang babaeng ilalaban...