Five

44.9K 1.6K 227
                                    

JICE

     

Hindi ko na malaman paano kami nakarating dito sa bahay, basta nagagalak na lamang ako. Shutangena, isipin mo naman nalagpasan namin ang sangkaterba niyang fans.... at nalagpasan ko ang karupokan ko.

    

"Maligo ka na, bago pa kita sabayan," nakangising wika ko sa kanya dahil nagpupunas siya ng pawis niya.

        

Tinignan niya ako saka biglang sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa maninipis niyang mga labi. "Mauna ka na, bago ako pa ang umuna sa'yo."

        

SHUTANGENA TALAGA! NADADAIG NA ANG MGA BANAT KO! HINDI ITO MAAARI!

        

"Unahin mo na. Ibubuka ko na ang pakpak at nang malanghap mo na ang halimuyak na aking bulaklak—" Pinitik nanaman niya ako sa noo.

         

"I told you, one at a time. Kapag binigla kita—"

      

"Aba ede syempre masakit! Isipin ko palang na papasukin ng isang higanteng tren ang isang kweba, aray, aray, nakoooooo!" Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko.

       

"You are really something," halos pabulong niya iyong itinuran.

     

Mas lumapit ako sa kanya saka ko hinawakan ang kanang kamay niya. "Type mo ba talaga 'yong mga banat ko?"

         

Imbes na sumagot agad ay pinagpalit niya ang mga kamay namin. Siya na ngayon ang nakahawak sa akin. "What do you think?" Tanong niya sa akin sa may mataman na tingin.

        

Dahil ipinanganak akong palaban, marahas kong inagaw sa kanya ang kamay ko saka ko biglang sinakop ang pisngi niya ng dalawang palad ko at bigla ko siyang kinintalan ng halik na nagpagulat sa kanya.

         

"O ako siguro 'yong type mo?" Maagap na tanong ko.

        

Hindi niya ako sinagot, sa halip ay bigla na lamang niyang pinagapang ang kanang kamay niya patungo sa likod ng ulo ko, at dahil mabilis akong mag-analisa, agaran kong inialis sa pisngi niya ang mga palad ko at agad kong ginamit ang mga ito upang ipang-takip sa labi kong mukhang balak niyang gahasain!

    

"Why are you covering your lips?" Umiling-iling ako dahil hindi ko magawang magsalita. "Do you think I will kiss you?"

            

"SHUTANGENA. HINDI BA—"

           

I WAS TRICKED! NALOKO AKO! Sinasagibsib na niya ngayon ng halik ang mga labi ko. Naramdaman ko ang unti-unti niyang pagtulak sa katawan ko kaya't napapahakbang ako patalikod. Wala akong magawa. Nakakarupok ang halik! Nakakapanglambot!

          

May matigas na bagay akong nasandalan at doon niya na pinakawalan ang mga labi ko. "You gave me permission to kiss you," ika ba naman niya akin habang nakangisi pa rin at nananatili ang kamay niya sa batok ko.

         

Bigla kong inangat ang mga kamay ko saka kinurot ang magkabilang pisngi niya. "Pashneya ka! Kaya ko nga tinakpan 'yong bibig ko kasi alam kong gagahasain mo 'yong labi ko— Hmmmmmp!"

The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon