JICE
Inaaya ko siyang magpunta sa supermarket ngayon para sana dagdagan namin 'yong mga alak niya, tutal halos ayon lang naman yata ang nilaklak niya sa loob ng isang linggo na wala ako.
"Tara na kasi! Hahayaan mo ba akong mag-bitbit no'ng mga botelyang ikaw naman ang magpapakasasa?" Nakataas ang isang kilay na ungot ko sa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin na animo pinaglololoko talaga ako sa paraan ng pagtingin-tingin niya.
"Sige titig pa, Laev. Kunwari ka pa, alam ko naman na hinuhubaran mo na 'ko sa imahinasyon mo—"
"Kung huhubaran din naman kita, sisiguraduhin kong sa personal na," shutangena! Natalo 'yong banat ko roon, ah!
"Naku po, hanggang ganyan ka lang naman. Kapag malapit ako sa'yo, para ka namang tupa na maamo," depensa ko saka ko pa siya binelatan.
"Stop tucking your tongue out. Kung sa ibang sitwasyon siguro, iisipin kong pang bata 'yan, but not now. I feel like I wanna sip that tongue until you moan for me," wika niya sa akin kasabay ng isang malagkit na tingin.
Lintik na seven eLaeven na 'to! Masyadong palaban din ang tabas ng dila.
"Mamaya na nga kasi 'yang ka-erbugan mo, Laev! Mamili na kasi tayo ng pang-stock natin na pagkain. Sumama ka na—" Bigla niya akong hinagisan ng mansanas na mula sa mesa kung saan siya malapit kaya't napahinto ako sa pagsasalita dahil sa pagsalo ko nito.
"Eat that, hindi ka pa nag-aalmusal—"
"Bakit ito pa? Pwede namang ikaw ang almusalin ko. Wapak! More chances of winning!" Saka ko siya kinindatan, ngunit parang hindi siya natuwa sa sinabi ko dahil unti-unti na siyang naglakad papalapit sa akin.
"I won't let you eat me," pabulong niyang sabi nang huminto siya sa harap ko. "Not unless you let me eat you first."
SHUTANGENA TALAGA NITONG LALAKING 'TO! ANG GALING-GALING MAGPARUPOK!
"Salita mo pa lang nakaka-orgasm na," hindi ko alam bakit sa dami ng pwede kong sabihin at i-compliment, ang mga shutangenang salita pang iyon ang lumabas sa lintik na bibig ko.
"That's one way of saying that you like the way I talk, right?" Wala na. Twisted na. Nakakapang-akit na. Nakakarupok talaga siya!
"Anay ka ba?"
Kunot noong napakurba ang ulo niya dahil sa sinabi ko. "You mean termite?"
"Sabihin mo nalang kasi bakit!? Shutangena naman, wala kang pinagkaiba sa pinsan mong si Sir Aeidan. Bakit lang ang isasagot, pinaliwanagan pa 'ko," nakanguso kong wika sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Humor 12/25/20 Jice Isaiah Saavedra, kilala sa pagiging pambansang bunganga, pambatong manok ng bayan, malakas bumanat, kayang-kayang isabak sa online rambulan, at ang babaeng ilalaban...