JICE
Mahigpit na yakap ni Lindzzy na may kasamang hagulgol ang sumalubong sa akin pagtapak ko ng Phyrric. Hindi ko naiwasan na yakapin siya ng mahigpit pabalik kasabay rin ng mga bini kong pag-iyak.
"S–Si Shanna? Nasaan si Shanna?" Ani Lindzzy habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Bahagya ko siyang inilayo sa akin saka ko pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata niya. Umiling ako sa kaniya saka ako ngumiti. "Masaya na siya. Nakipag-duet na kay Black Jack, mukhang mas gusto niyang ka-duet 'yon kaysa kay Andrew E." Pinipilit ko lang naman maging matatag. Pinipilit ko lang naman maging maayos. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako na sa mga kamay ko siya mismo nawala.... sila ng anak niya.
Lalong lumakas ang iyak ni Lindzzy. "B–Bakit naman agad-agad? B–Bakit naman si Shanna pa? B–Bakit naman gano'n, Jice?"
"Maybe she's meant for God and not in this world. Kasi bru kung para sa atin siya, He will definitely give her to us. Kaso hindi para sa atin si Shanna. She's meant to be in heaven.... with her child," halos hindi ko masabi ang huling linya. Parang may nakabarang malaking tipak ng bato sa lalamunan ko.
"B–Buntis si Shanna!?" Sunod-sunod akong tumango at lalong lumakas ang hagulgol ni Lindzzy. "Hindi dapat ganoon ang nangyari. Hindi dapat nasaktan si Shanna. She's too fragile. Dapat nabuhay siya—"
"Kapag si Zayn ba ang nawala sa'yo pipiliin mo pa rin ba ang mabuhay?" Putol ko sa kaniya at nakita kong natigilan siya, at sunod-sunod na umiling. "That's why Shanna chose to be with her child. She asked us not to revive her. She plead us not to treat her. She wanted to be with her child, that was her one and last wish," wika ko at tila nakuha naman iyon ni Lindzzy, dahil yumakap siyang muli sa akin saka doon umiyak nang umiyak.
Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Alam ko kung gaano ako kasabik sa kapatid at napunan ni Shanna ang bahaging iyon sa akin. Ngayon nawala siya, tila rin ako nawalan ng piraso ng sarili ko.
"Jice," napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Callia. "Kailangan ka na sa interrogation room," wika nito.
Dumating naman si Sir Aeidan at kinuha niya sa akin si Lindzzy. Mukhang narito ang lahat ng Freezell dahil sa nangyari kay Laeven.
"Diyan ka na muna sa asawa mo, bru. Mag-jerjeran nalang kayo later para makalimot ka," nakangiting wika ko saka ako naman ang nagpunas ng mga luha ko.
Hindi naman magiging masaya si Shanna kung hindi ko ibabalik ang Jice na minahal niya, hindi ba? Hindi naman matutuwa si Shanna kung kakalimutan ko nalang basta 'yong bibig kong inidolo niya. Kahit man lamang sa paraan ko ng pagsasalita at sa mga akto ko, maalala ko na minsan sa buhay ko may isang babae na tinuring akong kapatid, pinaramdam sa akin ang pagmamahal ng isang kaibigan, at kahit minsan ay hindi nahiya sa tabas ng dila ko. Habang buhay ko silang mamahalin ni Lindzzy.
BINABASA MO ANG
The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Humor 12/25/20 Jice Isaiah Saavedra, kilala sa pagiging pambansang bunganga, pambatong manok ng bayan, malakas bumanat, kayang-kayang isabak sa online rambulan, at ang babaeng ilalaban...