JICE
"Ay iba rin pala ang karupokang taglay," ratsada sa akin ni Shanna habang nanonood kami kay Lindzzy na pinupulbosan si Zayn. Papasok na yata sa eskwela ang aking gwapoging inaanak.
"Excuse me, padaan. Sa'yo pa talaga nanggaling 'yan!? Kung may kauna-unahang marupok dito, ikaw na 'yon at walang iba. Pagtataguan daw pero ayon excited naman makipagkita," taas kilay na wika ko sa kaniya.
"Pareho lang naman kayo—"
"Pinakamarupok ka!"
"Wala ng mas rurupok sa'yo, Lindzzy."
Halos duet yata naming nasabi iyan ni Shanna. Sasabat pa kasi si Lindzzy, e kung title at crown lang din naman, nai-uwi niya na buhat noon pa.
Mabilis niyang tinakpan ang tenga ni Zayn saka bumaling sa amin. "Jusko, mga bibig n'yo naman. Malilintikan ako kay Aeidan—"
"If I know, bet na bet mo naman ang punishment ni Sir," banat ko na ikina-pula ng gagang malibog. Isa rin talagang angkan at alagad ng porn 'tong si Lindzzy, e. Mapagpanggap lang.
"Huy!" Bulyaw niya dahil napapakunot na ang noo ni Zayn.
Mabilis niyang inilabas si Zayn nang bumusina na ang service nito mula sa labas.
"So anong balak mo niyan? Babalik ka na talaga ulit sa bahay?" Pukaw sa atensyon ko ni Shanna. Lagi ko nang kasama ang isang ito. Para na rin kadikit ng bituka ko ang bruhilda.
"Ikaw? Hindi ka pa ba aalis?" Nakakaloko kong banat sa kaniya.
"Hala, Jice. Hindi pa ba sinabi ni Laeven sa'yo? Matagal na 'kong umalis sa bahay ni Laev, buhat pa yata nang umalis ka. Doon ako ngayon nakatira sa bahay nila tita Leickel at tito Whynter," medyo nagulat ako sa nalaman kong iyon.
"I–Ibig mong sabihin, babalik ako ro'n tapos wala ka!? Kaming dalawa lang!? SHUTANGENA TALAGA NG GALAWAN NI LAEVEN! SCAMMER! SCAMMER!" Gigil na wika ko. Depuga, na-scam nanaman ako. Walang pinagkaiba 'to no'ng namundok kami. Ang sabi mamundok, pero ang walang hiya nangASO! Scammer talaga. Isa siyang malaking fake news!
"Ay, wala na akong alam doon. Basta ayon, sinabi ko lang sa'yo na hindi na ako nakatira roon. Kita mo nga, one call away lang ako dito sa bahay ni Lindzzy kasi mas malapit," paliwanag niya sa akin.
Sa tuwing matititigan ko tuloy ngayon si Shanna, hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kaniya o ano. Ang sakit siguro sa pakiramdam na sarili mong ama, hindi mo magawang pagkatiwalaan kasi hindi mo alam kung anu-ano na palang ginagawa.
Hindi pa ako nakakapag-report kay amo tungkol doon sa nalaman ko. Siguro kapag hawak ko nalang ang mga ebidensya. Mahirap kasing magsalita kung wala naman pala akong patunay sa mga pinagsasasabi ko. Baka pasabugin lang ako ni amo, pero hangga't maaari ay sa tuwing wala ako sa paligid ni Laev ay nakikiusap ako sa mga available na agent para matyagan ang bahay niya kahit through cctv lang na malapit doon. Hacker naman ang mga elite agents, nakakahiya naman sa kanila kung hindi pa nila 'yon magagawa.
BINABASA MO ANG
The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]
Ficción GeneralWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Humor 12/25/20 Jice Isaiah Saavedra, kilala sa pagiging pambansang bunganga, pambatong manok ng bayan, malakas bumanat, kayang-kayang isabak sa online rambulan, at ang babaeng ilalaban...