JICE
Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang katanungan niyang iyon, dahil ako mismo sa sarili ko wala akong nararamdaman na espesyal sa pagkatao ko. Ito lang ako, ang abnormal na palaban, ang pwede mong isabak sa online rambulan, ang manok ng bayan, ang palaban sa kahit anong laban. Walang espesyal sa akin bukod sa utak kong malayo sa katotohan, kaya't hindi ko alam kung anong dapat kong isagot at ipaliwanag kay Laev.
"H–Hindi ko alam ang isasagot ko. Bukod sa lasing ako, pakiramdam ko ang hirap sagutin ng tanong mo," saka ko binitawan ang damit niyang hawak ko.
May mga tanong pala talagang biglang darating sa atin, na kahit tayo ay matatanong natin ang mga sarili natin kung paano ito sasagutin.
Bigla niyang hinatak ang kamay ko at mabilis na pumara ng taxi. "Bring us to the nearest hotel," napamulagat ako sa sinabing iyon ni Laeven. JUSKO! ANG BATAAN YATA AY TULUYAN NANG MAPAPASUKO!
Mabilis ang naging arangkada ng driver patungo sa langit— este sa pinakamalapit na hotel na hindi ko naman alam kung saan.
Bumaba kami at mabilis na nagbayad si Laev. Hatak-hatak niya pa rin ako at ako naman ay tahimik.... habang nananalangin at nagpapaalam sa bayan ng Bataan na tuluyan na yatang masasakop.
"Just relax," wika niya sa akin. Hilong hilo ako na sumusunod sa kanya habang hatak niya ako.
Huminto kami sa may reception area at nakita kong ngumiti sa kanya ang receptionist. Agad na napataas ang kilay ko sa kaharutan ng ngiting iyon.
"Good evening Sir, what can I do for you?" Malanding tanong nito. Oo malandi talaga. Lasing lang ako, pero alam ko pa rin naman i-distinguish ang kalandian sa hindi!
"Miss, ako lang ang may gagawin sa kanya. Hindi ka kasali. Hindi ako open for threesome," sabat ko at nakita ko ang gulat na ekspresyon nito.
"S–Sorry Ma'am. I was just asking—"
"Huwag mo 'kong englesin. You do note!" Supalpal ko rito at naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni Laev sa kamay kong hawak niya.
"One room, please." Sagot ni Laev doon sa haliparot.
Dala yata ng kalasingan— o kahit hindi naman ako lasing ay walang hiya pala talaga ako, ay hinatak ko si Laev papalapit sa akin saka ako bumulong.
"Laeven," wika ko sa kanya saka ko biglang pinalupot ang mga braso ko sa leeg niya at tila lumambitin. Abnoy na kung abnoy, pero talagang pinapangaya ko sa haliparot na 'to na hindi niya pwedeng landiin ang taong 'to.
"Jice," hindi ko alam kung anong mayroon sa tinig ni Laeven, basta parang nakaka-akit 'yon.
Bigla akong ngumisi sa kanya. "Maa-Andrew E. na ba ako ngayon?" Nangunot ang noo niya sa sinabi ko kaya't bigla kong kinintalan ng halik ang labi niya saka mabilis na lumayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Humor 12/25/20 Jice Isaiah Saavedra, kilala sa pagiging pambansang bunganga, pambatong manok ng bayan, malakas bumanat, kayang-kayang isabak sa online rambulan, at ang babaeng ilalaban...