HINDI ko na alam kung nasaan na ako, nagpatuloy lang ako maglakad hanggang sa may nakita akong palengke. Tama nasa palengke na ako, marami din ang tao dito. Malamang tutoy, marami talaga 'yan kase palengke nga, eh.
Pinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa may matanaw siyang Croissy kaya lumapit siya do'n kase may libreng inumin at pineapple juice ang flavor. Humingi siya kaya binigyan siya ng babaeng mukhang masungit, ininom niya muna ang isa tapos kumuha ulit tapos binigyan din siya ng biscuit kaya tinanggap niya nalang.
"Maraming salamat po."
Tinuloy na niya ang paglalakad hanggang sa makaramdam siya ng pagod kaya naglakad muna siya sa street na Doña Andeng batay sa nakalagay sa kanto.
Inilapag niya ang bag do'n at naupo. Iilan ang tao na dumadaan dito, nakakatuwa rin dahil may banderistas sa bawat paligid nitong street. Wala kase no'n sa palengke.
Inubos na niya ang juice at biscuit at itinapon sa malapit na basurahan. Tahimik lang siyang pinapanuod ang nasa paligid, may mga batang masayang naghahabulan at may matatandang naghahanda para mag-inuman.
May isang bata na lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kamay. "Kuya pogi, sali ka sa laro namin." Napakamot siya ng ulo kaya bago siya makipaglaro sa mga bata ay inayos niya ang bag. Siguro naman wala ng kukuha ng bag niya kase wala ng laman. Sana naman ay tinanung siya nung magnanakaw sa balak nito kuhain ang pera't cellphone niya para naman aware siya.
"Bata, malayo ba itong Doña Andeng sa Manila?" tanong niya sa bata na kinunutan lang siya ng tingin. Mukhang mali ako ng tinanungan kaya binawi ko nalang ang tanong kase maski itong bata ay walang ideya katulad niya.
"Ito nalang pala siguro may cellphone ka. Pwedeng makigamit para maitext ko lang mama ko."
"Malaki ka na pero wala ka pang cellphone, ako kase seven years old may cellphone na binili ako ni mama noong birthday ko." Sana lahat may cellphone sa gayang edad kase ako noon ay simpleng buhay lang ang kinagisnan. Makapaglaro ka lang sa labas ng bahay ay masama na ako pero itong batang ito mukha naman siyang mabait kaya sigurado siyang mapapahiram siya nito. "Ang problema nga lang kuya, nasa bahay. Dulo pa po kase kami eh. Gusto mo po sumama do'n at huwag na tayong maglaro."
Jusko. Hindi naman niya pwedeng hatakin agad ang bata papunta sa bahay nito lalo na't kaya nga siya dumayo dito para makapaglaro tapos dahil lang sa kanya mauudlot 'to.
"Hindi na muna bata. Tapusin muna natin ang paglalaro mo bago ako sumama sa'yo, pero hindi na ako makikipaglaro sa'yo kase big boy na si kuya." Nagulat siya ng inirapan siya ng bata at patakbong pumunta sa kalaro pa nitong bata. Napakamot nalang siya ng ulo, mukhang may attitude problem ang babae.
Muli ulit siyang naupo at pinagmasdan nalang ang mga batang na naglalaro. Paano na siya ngayon, saan ako matutulog ngayong gabi.
Hindi naman pwedeng sa lansangan siya matulog mamaya. Hindi siya sanay pero kung isang araw lang ay kakayanin niya pero kung tumagal pa ng dalawang araw ay hindi na niya alam ang gagawin.
Gusto kong sumigaw ngayon para magreklamo pero hindi pwede sa lugar na 'to. Hindi naman kase 'to tulad sa Mauban na may space para maglabas ng sama ng loob.
[ Angel's POV ]
"Hindi pa ba nasagot ang batang 'yon. Alas tres na ng hapon kaya dapat ay nakarating na siya sa Manila. Sinasabi ko na hindi na dapat siya pumunta sa lugar na 'yon e." Hindi ko pinansin ang kadakdakan ng asawa niya. Walang maitutulong 'yon sa sitwasyon at mas kinakabahan lang siya sa kutob niya.
"Manahimik ka nga munang lalaki ka at sumasakit ang taenga ko sa'yo. Dapat kase pumasok ka nalang sa trabaho mo may nalalaman ka pa kaseng dayoff!"

BINABASA MO ANG
I Lost in Imus
Romance[Cavite Series #1] Siya si Tao Meridian na laking probinsiya, at para sa pamilya ay tinahak niya ang landas ng maynila para dito magtrabaho pero sa hindi inaasahang nangyari siya ay napadpad sa lugar ng Cavite at ito ay ang Imus. Dito niya makiki...