[ Tao's POV ]
DAY-OFF ko ngayon kaya nakatambay lang ako sa bahay. Wala ngayon si tita kase umalis may importanteng pupuntahan at ang magkapatid lang ang kasama niya sa bahay.
Si Pempen ay abala lang sa pagbabasa habang nakikinig sa palabas na pinapunuod ko samantalang si Lucky ay hindi pa nalabas mula ng umalis si tita. Hindi pa rin kami okay at mas lumala lang ang pag-iwas nito nung sinubukan ko siyang kausapin.
Hindi ko alam kung bakit ganyan trato niya sa akin, wala naman akong ginagawa sa kanya. Hindi nalang niya ako direktahin para alam ko kung ano ba talaga ang problema niya sa akin.
Pwede ko namang baguhin ang sarili ko kung may ayaw siya sa akin. Gusto ko pa naman sana siya kaso ayaw niya naman akong kausapin, hindi na talaga nasundan yung first night ko sa kanila.
Tumingin ako sa pinto ng kwarto pero napailing nalang ako sa panghihinayang.
"Kuya, ang gulo nitong binabasa ko." Napalingon ako kay Pempen na nakatingin sa kanya kaya tinanong niya ito kung ano ba ang nabasa niya.
"Ito kaseng babae sa binabasa ko kuya ay isang sikat na tao, marami siyang natutulungan na kapuwa niya pero sa buhat na ginagawa niya ay marami siyang kritisismo na nagsasabi na pakitang tao lamang 'yon para manatili ang kasikatan nito pero wala naman itong imik sa kritisismo niya. Bakit ganoon kuya?" tanong nito kaya lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi nito. Mukhang seryosong-seryoso talaga siya sa binabasa, nakasanayan ko na ganito siya lagi kapag gusto niyang lumabas at kapag uuwe siya galing sa laro ay nagbabasa ulit.
Alam ko na sa paglaki nito ay mas lalawak ang kaalaman niya sa lahat ng bagay. Sa ngayon pa lang ay pursigido na itong matututo.
"Hindi kase lahat ng tao kaya nating kuhain ang puso nila, ibig kong sabihin ay kahit na anong gawain nating mabuti ay may tao talaga na maiinit agad ang dugo sa atin kaya nagkakaroon sila ng rason para dumugin ang isang tao na may magandang adhikain."
"Na kahit maliliit na detalye ay inaalam nila para may masabi sila sa'yo kahit malayo naman sa katotohanan. Pero ang mas magandang gawain dyan ay ang ginagawa ng babae sa binabasa mo, hindi niya nalang pinapansin."
"Bakit naman po kuya?" Palihim siyang napangiti ng makita sa vision niya ang nakasilip na si Lucky, pakiramdam ko na nadagdagan ang lakas ko kaya humarap ako kay Pempen.
"Mas maganda na hindi mo nalang palakihin ang nabubuong apoy kase mas malaki ang impact no'n kapag pinatulan mo pa." Tama naman ako na dapat hindi nalang patulan ang mga bumabatikos sa'yo bagkus ay gawain pa itong lakas para mas magpatuloy sa paggawa ng mabuting bagay.
Ginulo ko ang buhok ni Pempen bago bumalik sa pwesto ko kanina. Tahimik lang akong nakikiramdam sa paglabas ni Lucky. Gusto ko siyang makita at makausap para naman mas maging malapit kami. Hindi kase maganda na nasa iisang bahay kami pero hindi naman nag-uusap parang may galit sa isa't-isa.
Mabilis dumaan ang oras at ngayon ay nasa labas na ako ng bahay, may bibilihin kami na ulam. Kasama ko si Lucky na bumili, tahimik at seryoso lang sa dinadaanan namin.
"May problema ka ba? I mean, may problema ka ba sa akin," tanong ko sa kanya. At sana naman sagutin niya ako ng maayos, masyado siyang tahimik. Hindi ito umimik kaya nagsalita ulit ako hanggang sa mapasalita ko siya.
"Ayaw mo ba ako na nasa bahay niyo? Gusto mo bang umalis na ako para hindi ako makadagdag sa pagiging seryoso mo?" Kung hihilingin niya 'yon, why not hindi ba? Hindi naman ako tagarito, hindi naman ako imuseño, sampid lang ako sa bahay nila kaya walang dapat na kahinayangan kapag umalis ako.
Lumingon ito sa akin habang naglalakad pa din kami. Masaya niya akong tinignan pero nginitian ko lang siya, I like her, totoo yun! Gusto ko siyang maging girlfriend at maging rason ng mga ngiti niya pero paano ko gagawin yun kung mailap siya sa akin. Pogi naman ako sabi ni mama at ni Buboy pero sa mata ni Lucky, hindi siya sigurado.
![](https://img.wattpad.com/cover/242624496-288-k399949.jpg)
BINABASA MO ANG
I Lost in Imus
Romantik[Cavite Series #1] Siya si Tao Meridian na laking probinsiya, at para sa pamilya ay tinahak niya ang landas ng maynila para dito magtrabaho pero sa hindi inaasahang nangyari siya ay napadpad sa lugar ng Cavite at ito ay ang Imus. Dito niya makiki...