[ Tao Meridian's POV ]
DALAWANG LINGGO na akong namalagi sa bahay nila tita at tulad ng sinabi nito noon ay magkasama nga kami naghanap ng trabaho. At sa araw din 'yon ay may nahanap kami, isang all around sa karinderya sa palengke.
Hindi na ako umangal kase baka sumakit ang ulo ni tita at sabihing pihikan ako kaya ngayon ay ilang araw na din akong napasok dito.
8:00 - 9:00 PM ang schedule na ibinigay sa akin, madali lang naman ang trabaho pero may pagkasungit ang amo ko. Gusto kase nito na pulido ang ginagawa kaya maski maliliit na kamalian ay napupuna nito. Hindi pa naman niya ako sinisita kase bago palang ako pero yung mga nauna sa akin parang ayaw ng ganoon.
Sa unang araw ko pa lang do'n ay alam ko na agad na aalis na ang Isa sa kanila, nag-aantay lang daw ng kapalit. Nangyari nga 'yon nung isang araw kaya ang trabaho nang umalis ay nahati sa aming dalawa ni ate Jen. Mas matanda siya sa akin at pambabae itong manamit.
Sa kanya napunta ang pagluluto at ako naman sa paglalaga at paglilinis ng baboy, pati na ang paglilinis sa laing. Hindi naman mabigat kase ang tanghaling gawain ay tulong kami ni ate Jen pero ang sa gabi ay ako nalang mag-isa.
Sa pagtuntong kase ng alas singko ay umaalis na si ate Jen kasama ang mag-asawa, at ang kapalit ay anak nilang lalaki. Hindi siya iniimik nito kaya tahimik lang ako na nagtratrabaho. Ayaw niya din naman na makausap ito.
Gusto ko ng umuwe sa amin pero hindi pa sapat ang perang pinagtrabahuan ko para makauwe, kailangan ko ng pera na siyang pupunan sa pangangailangan naming pamilya. Alam na rin naman nila mama na andito ako sa Cavite at sinabi ko na huwag silang mag-aalala sa akin.
Nag-aabot din ako ng pera kay tita para pandagdag gastos. Ayaw niya sanang tanggapin kase para daw 'yon sa pag-uwe ko pero masyado akong mapilit kaya tinanggap nalang nito.
Pinapasalubungan ko din naman si Pempen ng paborito nitong snack, mura lang naman 'yon kaya walang kaso. Gusto ko lang punan ang utang na loob na pinatuloy nila ako sa kanila na walang pag-aalinlangan kahit na may isang tao do'n na ayaw akong makasama.
Simula kase ng gabing 'yon ay hindi na ako kinausap ni Lucky kaya parang walang gulo ay hindi ko siya iniimikan kapag nagkakasalubong kami. Wala naman akong lugar sa bahay na ito kaya dapat hindi ako mangialam sa kanila lalo na sa kanya.
"Magsarado na tayo kuya." Napalingon ako sa kasama ko sa trabaho ng sabihin niya 'yon kaya tumayo na ako sa inuupuan ko at nagsimula ng maglinis. Siya sa pagkain tapos ako sa paghuhugas hinantay ko na dumami ang hugasan bago simulan kaya inuna ko muna ang ilang bagay at ng matapos do'n ay nagsimula na akon maghugas.
Mabilis lang ang bawat galaw namin kaya sa loob ng kalahating oras ay natapos na agad kaming maglinis. At iniabot na nito sa akin ang susi para ikandado ang pinto, inayos ko ang pagkasarado no'n at iniabot na sa kanya.
Inabutan na ako ng pera nito para sa trabaho ngayong araw kasama ang allowance para sa pamasahe. Natawa pa nga ako kase kahit na malapit lang ang tinutuluyan ko ay binibigyan pa din nila ako ng para sa pamasahe.
"Salamat kuya, ingat." Paalam ko dito. Mas matanda siya sa akin pero tinatawag niya din akong kuya.
Kuyahan kaming dalawa.
Ginulo ko ang aking buhok bago maglaro, ngayon ko naramdaman ang pagod. Gusto ko na mahiga at matulog pero syempre kailangan ko munang maglakad bago makauwe.
Dumaan muna ako sa tindahan para bumili ng snack para kay Pempen. Nakangiti pa ako habang naglalakad kase alam kong matutuwa 'yon sa pasalubong ko.
"Hindi ko alam pero naiinis ako sa presensya ng lalaking 'yon. Alam niyo ba na mas close pa siya ng kapatid ko kaysa sa akin." Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa 'di kalayuan kaya tumingin ako sa dinaanan ko at nakita ko itong may kausap na dalawa kaya nagtago sa may gilid. Sila yung kaibigan ni Lucky pero hindi ko kilala kase hindi naman niya sa akin pinapakilala.

BINABASA MO ANG
I Lost in Imus
Romance[Cavite Series #1] Siya si Tao Meridian na laking probinsiya, at para sa pamilya ay tinahak niya ang landas ng maynila para dito magtrabaho pero sa hindi inaasahang nangyari siya ay napadpad sa lugar ng Cavite at ito ay ang Imus. Dito niya makiki...