SA MAY kanto ako ibinaba ng driver kase kailangan na raw nitong umuwe at hindi na makakahatid hanggang sa dulo, okay lang naman 'yon sa kanya kase makakapag-isip siya kahit papaano.
Nakayuko lang ako habang naglalakad, sinusundan ko ang guhit sa kalsada. Sabi nila itong guhit daw na ganito ay maghihiwalay kapag lumindol, siguro nga ay ganoon 'yon.
Bata pa kase kami no'n nung sinabi sa amin ng kalaro namin ni Buboy, at kung anong sitwasyon namin no'n ay hindi ko na alam.
"Tao!" Nilingon ko ang tumawag sa akin at si Kirei 'yon kaya ngumiti ako dito kase baka isipin nito na suplado ako. "Bakit nasa labas ka pa ng ganitong oras, at ano 'yan?"
Ipinakita ko sa kanya ang bitbit ko, "bumili ako nito kase parang gusto kong kumain ng ganito. Eh, ikaw bakit nasa labas ka pa ng ganitong oras, hindi mo na kasama sila Lucky?"
"Wait, ano ba 'yang nasa labi mo. May umaway ba sayo?" nag-aalalang tanong nito sa akin, hinawakan pa nito ang gilid ng labi ko kaya umiwas ako at natawa nalang. Maliit kaseng babae si Kirei kaya kailangan pa niyang tumingkayad para magawa 'yon, saka ayaw ko na magkaroon sila ng rason para mag-alala.
Maliit na bagay lang naman itong nasa labi niya.
"Okay lang ako. Sige, mauna na ako sa'yo at baka hinahanap na ako nila tita." Paalam ko sa kanya, nakita ko na lumungkot ang mukha nito pero hindi ko nalang inintindi at baka inaantok lang.
"Pwede bang samahan mo muna akong bumili ng gamot."
"Sige."
Sa Generika raw kami bibili ng gamot kaya naglakad na kami papunta do'n, at may sinasabi pa siya tungkol sa buhay niya. "Alam mo lagi akong napapagalita ni lolo kase late na akong umuuwe sa bahay, kesyo baka nanladi na raw ako at nakipag-inuman sa mga barkada ko."
"Naiintindihan ko naman sila pero yung pagsabihan ka na hindi mo naman ginagawa ay masakit tanggapin."
"Hindi ba't sila Lucky lang naman ang kasama mo," tumango ito, "ibig sabihin ay ang tingin ng lolo mo sa kanila ay distraction o bad influence sa'yo. Na hindi naman totoo kase mahilig lang naman kayong gumimik." Pinilit kong maging kalmado at makisama sa nararamdaman niya kase hindi ko pa nararanasan na mapagalitan ng dahil doon. Hindi naman kase masamang magliwaliw pero tama si Kirei na masakit para sa katulad nila lalo na't babae na masabihan na lumalandi lang.
"Gumimik talaga, hindi ba pwedeng nagsasaya lang kami at gustong ienjoy ang buhay."
"Nasa katwiran ka pero itatanong ko lang bago ba kayo lumabas ng bahay ay gumagawa ba kayo ng gawaing bahay, hindi pa tayo masyadong malapit sa isa't-isa kaya hindi kita hinuhusgahan sa tanong ko." Akala ko maiinis siya sa sinabi ko, pero kailangan niyang sagutin 'yon para sa sarili niya. Hindi ko na inasahan na sumagot siya lalo na't nakarating na kami sa Generika at bumili na siya ng gamot.
Sa labas lang ako nag-antay, mabuti nalang na sarado na ng ganitong oras ang karinderya na pinapasukan kaya kahit maglagalag siya ay hindi na siya mahuhuli ng kung sino.
"Tara na at baka hinahanap ka na nila tita." Sinang-ayunan ko 'yon kase ilang oras na akong wala sa bahay at baka sobra na silang nag-aalala sa gwapo kong mukha. Hindi. Nagbibiro lang naman ako sa part na gwapo ako.
"Malapit ka lang naman diba, gusto mo ihatid na kita para naman safe ka makarating sa bahay niyo." Suhensyon ko dahil babae pa rin siya at baka may kung anong masamang tao pa ang lumapit sa kanya para guluhin. Baka masise pa ako ni Lucky kapag may masamang nangyari sa kaibigan niya.
"Okay lang ba?" tumango ako. Isang matamis na ngiti naman ang ibinigay sa kanya nito kaya niyaya niya na itong tumuloy sa paglalakad. Maganda si Kirei kahit na may kaliitan ito ay kayumanggi ang balat, siya yung tipikal na magugustuhan ng isang lalaki kase malakas ang dating niya. "May tanong ako sa'yo sana sagutin mo ng maayos, Tao."

BINABASA MO ANG
I Lost in Imus
Romance[Cavite Series #1] Siya si Tao Meridian na laking probinsiya, at para sa pamilya ay tinahak niya ang landas ng maynila para dito magtrabaho pero sa hindi inaasahang nangyari siya ay napadpad sa lugar ng Cavite at ito ay ang Imus. Dito niya makiki...