[ LUCKY' POV ]
"Ikaw. Ikaw. Ikaw. Tatlo na 'yan ah, para I love you!"
"Ikaw. Ikaw. Ikaw. Tatlo na 'yan ah, para I love you!"
HINDI ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ng lalaking 'yon. Tama bang sabihin niya 'yon sa akin e' hindi nga kami close saka ayaw ko sa kanya. He's not my ideal type.
Oo aaminin ko na mabait siyang lalaki at mapagkakatiwalaan pero wala akong feelings sa kanya saka aalis na siya mamaya. Pero ang problema ko sa lalaking 'yon aalis na nga lang mag-iiwan pa ng iisipin. Parang siraulo!
Iniwan ko na siya doon sa kwekwekan at kung sumuno siya ay hindi ko alam baka nashock sa pagwalk out ko bigla. Dapat bang dinahan-dahan ko at slow mo na naglakad?
Buwiset talaga nababaliw na ata ako. Para kaseng timang nakakainis! Bahala siya ngayon sa buhay niya, kung aalis siya umalis siya.
"Lucky! Hintayin mo ako, huminto ka muna!"
Hindi ko siya inantay at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ngayon ko na nga lang ulit siya nakausap tapos ganyan pa siya, nakadrugs ba ang lalaking 'yon, hindi na dapat siya nagday-off.
"Lucky!"
Bahala ka dyan, ulaga ka!
"Hala, yung lalaki nabunggo ng motor!"
Huminto ako sa paglalakad at agad na lumingon sa pinanggalingan ng sigaw. Nakita ko ang lalaking nakatumba sa kalsada at si Tao 'yon kaya patakbo akong pumunta do'n para tulungan siya.
Tinulak ko yung tao sa dinadaanan ko na nanunuod lang na parang tanga. Hindi pa uso sa kanila na itayo ang nabunggo, ang hilig manuod hindi nalang magsibulag lahat.
"Tao, hey! You okay?" tanong ko dito ng matayo ko ito. Ang laki-laki niya tapos nabunggo pa, hindi ba naman kalahating ulupong.
Tinignan ko ng masama ang mga nanunuod na parang mga owl sa sobrang laki ng mata. Sana dinukot nalang nila 'yon tapos ginawang crunchy eye ball para naman may sense ang mga mata nila. "Bumalik na kayo sa ginagawa niyo!"
Umirap ako sa hangin ng makita silang umalis kaya ito namang nakamotor ang tinignan ko ng masama na itinatayo ang motor na halatang pinaglumaan na ng panahon. Hindi ba uso sa kanyang linisan 'yon, mga tanga!
Itinuon nalang niya ang atensyon kay Tao na kalahating ulupong, hindi marunong din lumingon sa left side. Edi ano napala niya, "kaya mo pa bang maglakad mag-isa o kailangan pa nating sumakay sa tricycle?"
Tignan mo itong mokong na 'to, makatingin sa akin wagas akala mo mangangain ng tao.
"Thank you!" mahinang sambit nito kaya natulala ako sa kanya. Iba ang dating nito para sa kanya lalo na si Tao ang nagsabi para tuloy siyang biglang nagiging anghel. Anghel na walang pakpak na literal na sa lupa na talaga nagmula.
"S-sa susunod kase tignan mo ang likod mo bago ka maghabol, susugatan mo pa ang sarili mo. Ano may masakit ba sa'yo?"
"C-concern ka ba sa akin, Lucky?"
H-ha?
Concern ako sa kanya, saan niya naman nakuha ang ideyang 'yon. Nabunggo lang siya pero hindi nabaok ang ulo niya. Sandali, baka nga concern ako sa kanya lalo na't nakita ko itong nakasalampak sa kalsada.
"Tara na nga at baka gutom na sila mama sa bahay, baka masermonan pa tayo parehas." Kinuha ko muna sa lapag ang binili namin at inalalayan ko siyang tumawid sa kabila para hindi na kami tatawid mamaya.
Andito naman na kami malapit sa Micawayan kaya dalawang kanto nalang ay nasa Doña Andeng na kami pero dahil may galos ang loko. Inalalayan ko pa siyang maglakad, "kaya mo bang maglakad?"

BINABASA MO ANG
I Lost in Imus
Roman d'amour[Cavite Series #1] Siya si Tao Meridian na laking probinsiya, at para sa pamilya ay tinahak niya ang landas ng maynila para dito magtrabaho pero sa hindi inaasahang nangyari siya ay napadpad sa lugar ng Cavite at ito ay ang Imus. Dito niya makiki...