Part 6

16 11 0
                                    

"TAO!"

Nilingon niya si Lucky ng tawagin siya nito kaya tumayo siya para lumapit dito. Kumunot ang noo ko ng ilahad nito ang kamay niya kaya ipinatong ko do'n ang kamay ko. Ang lambot ng kamay niya, ang sarap hawak-hawakan nito kung sakali.

Gusto niya tuloy maging girlfriend ito para lagi niyang mahawakan ang kamay nitong malambot. May nakahawak na ba sa kamay niya, mga ilan na kaya ang nakagawa. Pwede ko bang halikan 'to at amuyin pero baka magalit ito.

Pero hindi dapat siya magmadali at kakakilala niya pa lang sa babae. Hindi dapat ganoon, kailangan makilala ko muna siya ng matagal.

Siguro humahanga lang ako dito kaya ganito nalang ang nararamdaman ko. At kahit ganoon ay nakalimutan ko kahit sandali na lumampas ako. "Ang bango naman ng kamay mo."

"Aray!" daing ko ng may pumitik sa noo ko kaya nabitawan ko ang kamay nito at kumisap-kisap na tumingin dito. Nakataas ang kilay nito na parang galit kaya umayos ako at tumingin dito ng maayos.

"Pahingi ako ng tubig. Para kang nababaliw, kung hindi ka lang bisita sa bahay namin baka isipin ko na maling lugar ang tinuluyan mo." Inirapan siya nito kaya nagmadali na siyang kumuha ng tubig at iniabot dito. "Tagasaan ka ba?"

"H-ha?"

"Sabi ko tagasaan ka, hindi kita kilala kaya alam ko na hindi ka namin kamag-anak. So, saang lupalop ka galing?" Hindi ako nakaimik sa tanong nito kase nadala ako sa mukha ng kaharap, hindi lang perpekto ang hubog ng katawan nito kundi may malinis at maputi din itong balat.

Bihira lang ako makakita sa Mauban na ganito kagandang babae. Siya na ata ang magiging lucky ng buhay ko at titira kami sa Mauban kung saan kami bubuo ng pamilyang masaya.

Magiging mabuti akong asawa sa kanya, at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging isa akong humarang asawa.

"Iisipin ko talaga na baliw ka. Tss!"

"H-ha?" kumamot ako sa ulo ko dahil sa pangalawang pagkakataon ay umabot sa kung saan ang imahinasyon ko. Hindi naman siguro masama na mag-isip ako ng ganoon lalo na't lalaki ako at babae siya. At normal nalang 'yon na mangyari. Tama naman ako diba, bagay naman kami pero dapat kilalanin muna namin ang isa't-isa. "Mauban, Quezon ako nakatira."

"So, why are you here? Are you lost?"

Siguro nga ay naliligaw siya pero ako lang ata ang naligaw na hindi masyadong nag-aalala para sa sarili ko kase nakita ko ang lucky sa buhay ko sa katauhan ng mga taong ito. Pakiramdam ko na tanggap na tanggap nila ako dito at maituturing ko na din silang pangalawang pamilya.

Kahit na ilang oras pa lang ang nilalagi niya dito ay mas nakilala niya ang mga tao dito.

"Wala ako dapat dito kase sa Manila talaga ang sadya ko kaso nakatulog ako sa byahe at dito ako napadpad sa Cavite. Hindi ko pa alam ang pabalik do'n lalo na't hindi naman ako nakarito."

Sana talaga ay macontact niya mamaya ang mama niya para masabi dito na huwag siyang mag-alala at nasa maayos naman akong kalagayan. Panigurado ako na sa oras na ito ay nagtatalo nanaman sila ni papa.

"May pera ka naman siguro pero bakit hindi ka nagtanong-tanong sa highway para makapunta sa paroroonan mo." Sana nga ganoon lang kadali 'yon para sa sitwasyon niya. Ni pisong kusing ay wala siya at pati ang cellphone niya na ilang taon na sa kanya ay tinangay din ng babaeng 'yon.

Hindi ko din matanggap na dahil sa akin ay naging ganito ang kapalaran ko. Ako naman ang pinagmulan nito kaya ako talaga ang may kasalanan. "Nanakawan ako kaya wala akong pera maski sipi."

"Hindi ka siguro nag-iingat kaya ka nanakawan pero kung ako ikaw dapat bago ka pumunta sa isang lugar ay alamin mo ang mga dapat mong alamin. Hindi yung panay ka bira tapos ikaw naman ang magiging talunan." Tumingin siya dito ng seryoso, siguro nga ay tama ito. Lalo na nung sinabi ni papa na itago niya ang pera sa bag para kapag nanakawan siya ay may extra money pa siya pero hindi niya sinunod at nilagay pa din sa bag niya at ang tangang part do'n ay sa unahan ko pa nilagay ang bag.

I Lost in ImusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon