[ Tao's POV ]
NAGISING siya ng may maramdaman na kung ano basang bagay na nakapatong sa kanya kaya iminulat niya ang kanyang mata at kinapa ang bagay na nasa noo niya. Shit. Akala ko nakaalis na ako sa bahay nila pero bakit ngayon ay nandito pa rin ako, ano ang nangyari kagabi?
Lumingon ako sa kwarto nila tita at nakita ko do'n si Pempen na nagbabasa kaya hinilot ko nalang ang sintindo ko dahil sa biglang pagkirot nito. Gusto ko pang magpahinga pa pero kailangan ko ng makaalis dito. At baka maabutan pa ako dito ni Lucky at masira nanaman ang buong araw no'n.
Pinilit kong maupo pero nasapo ko lang ang noo ko ng bigla itong kumirot ulit. "Ahh!"
"K-kuya, anong masakit sa'yo? Mahiga ka pa po!"
Mabilis na pagkilos ang ginawa ni Pempen at inalalayan ako na maupo at huwag tumayo.
"Anong nangyari sa akin kagabi, bakit andito pa din ako?" karagalgal ang boses niya kaya napasandal siya sa sofa at ipinikit ang mata panandalian hanggang sa humupa na ang pagkirot ng kanyang ulo.
"K-kuya."
Nang magmulat ng mata ay ang nag-aalalang Pempen ang nakita niya, namamasa na ang mata nito kaya hinawakan ko ito sa balikat para pakalmahin. Huwag ka iiyak, Pempen.
"O-okay lang a-ako, huwag ka mag-alala sa akin." Hindi ako okay, masakit talaga ang ulo ko. Kung ano man 'to ay hindi ko alam. Gusto ko lang na magpahinga kahit ngayon lang. "A-asan si tita?"
"Pumunta sa work mo kuya para ipagpaalam ka na hindi muna makakapasok saka bumili ng gamot." Wala sa isip ko ang magtrabaho ngayon, iba ang gusto kong gawain at magagawa ko lang 'yon kapag okay na ako.
Gusto kong makita ang magulang ko. Miss na miss ko na sila. "K-kuya, naiyak ka?"
Pinahid ko ang luha ko at humarap sa bata. "Pwede naman siguro ulit ako makahirap ng sipi mo?" kailangan ko kamustahin ang magulang ko, dapat makausap ko sila.
Umalis sa harapan ko ang bata para kuhain ang cellphone nito kaya nanatili lang siyang nakasandal sa sofa.
Nasaan kaya ang ate nitong bata.
Inabot sa akin ni Pempen ang cellphone niya kaya tinawagan ko na si mama, mga dalawang tunog lang ang lumipas at sinagot na agad ng kabilang linya.
"Tao, ikaw nga ba 'yan? A-anak, kamusta ka na dyan sa tinutuluyan mo?" Tumulo ang luha ko ng marinig ang boses ni mama. Ilang linggo palang ako na wala sa Mauban pero ang pangungulila ko sa kanila ay siyang bumabalot sa akin ngayon.
Simula ng pumasok ako sa karinderya na 'yon ay nag-uumpisa ng sumama ang pakiramdam ko. Parang bumaba ang resistensya ko dahil sa daming ginagawa do'n tapos sabayan pa na sinesermonan ka na ng mag-asawa keyso kailangan mong sundin kung ano ang gusto nila.
"Okay lang ako 'ma at hindi naman ako pabigat dito kaya wala silang problema sa akin. Hindi nila ako pinababayaan dito, kayo po kamusta kayo ni papa? Hindi ba kayo nagtatalong dalawa, umiinom naman po ba kayo ng maintenance niyo?" Ayaw ko na mag-alala din sila mama kaya mas mabuting magsinungaling na okay lang ako na sa totoo naman ay hindi. Hindi ako okay lalo na't nagkakasakit ako na wala sila sa tabi ko.
"Huwag mo kaming alahanin 'nak, maayos naman kami ng tatay mo. Naku! Hindi maiiwasan sa amin ng tatay mo na hindi mag-away kaya sobrang sanay na kami sa isa't-isa." Pinunasan ko ang luha ko ng marinig ang pagtawa ni mama, alam ko na hindi ako tumupad sa dapat na araw-araw akong tatawag sa kanila para maabisuhan kung ano ang nangyayari sa akin pero ang kailangan kong gawain ngayon ay makapag-ipon pa lalo para makauwe na.
Hindi na ako magiging maselan sa trabaho. Kung maaari ay papasukin ko ang pagiging barbero para may matutunan ako o maski anong trabaho.
"Oo nga pala tutoy, dumaan dito si Buboy kanina para mangamusta at alam mo ba ang batang 'yon may nobya na inunahan ka pa. Ikaw, tutoy wala ka bang ipapakilala sa amin ng papa mo." Gusto man niyang ipakilala ang nagugustuhan niya kaso hindi niya ito pagmamay-ari.
![](https://img.wattpad.com/cover/242624496-288-k399949.jpg)
BINABASA MO ANG
I Lost in Imus
Romance[Cavite Series #1] Siya si Tao Meridian na laking probinsiya, at para sa pamilya ay tinahak niya ang landas ng maynila para dito magtrabaho pero sa hindi inaasahang nangyari siya ay napadpad sa lugar ng Cavite at ito ay ang Imus. Dito niya makiki...