ALAS KWATRO pa ang alis ko pero hindi pa din ako makatulog. Hindi kase ako mapakali sa pwesto na gagawin ko at kapag napikit siya ay naiisip niya agad ang pag-alis niya kaya hindi siya nakakatulog.
Excitement ang nararamdaman niya ngayon at kasabay no'n ang kaba sa didbib. Wala siyang ideya sa buhay na nag-aabang sa kanya sa Manila kaya dapat ay maging matatag siya. Lalo na ito ang unang beses niyang mapapalayo sa magulang. Ginusto ko naman ito pero nahihiya ako, bakit kase hindi sinabi ni mama kung anong trabaho ang papasukin ko sa lugar na 'yon.
Siguro ay ayaw lang nito na tanggihan ko ang trabaho kung sasabihin nito kung ano pero wala naman sinabi ni mama para kahit papaano ay may ideya ako.
Nakakainis din itong mata ko. Ayaw makisama, ayaw matulog masyado pa namang mahaba ang oras. Bumangon ako para magpahangin sa labas, marahan lang akong naglakad para hindi magising sila mama.
Sa may labas ng bahay lang siya naupo at malayo ang tingin. Siguro magkakaroon na ang saysay ang buhay niya kapag narating na niya ang lugar na 'yon.
"Oh, tutoy! Bakit gising ka pa dyan, hindi ka ba makatulog kaya lumabas ka." Nilingon niya ang nagsalita sa likuran niya kaya tumayo siya para makaharap ito.
"Pa, nagising ko po ba kayo?" Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa baliktat. Nginitian niya lang ito kase hindi naman sila madalas na nag-uusap na dalawa. Kumbaga hindi talaga silang close kase hindi talaga sila nagkakasalubong.
Kanina nga ay nagkasagutan sila ni mama kase ayaw ako nitong paalisin sa Mauban. Tinanong pa siya nito kung gusto niya ba talaga na magtrabaho sa malayo. Sinagot niya ito ng maayos kase gusto niya talagang magtrabaho sa malayo para maging independent siya.
"Hindi ka ba makatulog kase nagdadalawang isip ka kung tutuloy ka sa pag-alis o hindi.."
Umupo ito sa inupuan ko kanina kaya naupo na din ako doon. Umakbay ito sa akin pero nakatingin lang ako sa malayo. "Marami namang trabaho dito sa atin...dito ka nalang anak."
"Gusto ko na ditong magtrabaho 'pa pero mas tinatawag ako na magtrabaho sa ibang lugar para siguro mas maging independent ako. 'pa, bente dos na ako pero wala pa rin akong trabaho kaya kahit po sana hindi niyo gusto ay payagan niyo akong subukan 'to." Hindi talaga pumayag si papa sa pag-alis ko pero mas nanaig ang bungang ni mama kaya kahit ayaw ng papa niya ay tinulungan na siya ng mama niya na mag-asikaso.
"Alam mo 'nak, nakikita ko ang sarili mo sa'yo. Mapili ako sa trabaho na kukunin ko kaya ang lolo't lola mo lagi along sinesermonan. Nabago lang 'yon ng nakita ko ang mama mo lalo na nung nabuntis ko siya, doon ako nagpursige magtrabaho kahit na sa tingin ko ay hindi ko kaya...kinaya ko para sa sarili ko at sa mama mo."
Lumingon siya dito at seryoso itong pinakinggan sa kwinekwento nito. Ilang detalye lang ang alam ko sa love story nila ni mama pero sigurado ako na mahal talaga nila ang isa't-isa kahit na palagi silang nagtatalo sa mga maliliit na bagay.
"Kase alam mo anak, ang kapalaran natin ay nasa kamay natin. Ikaw mismo ang gagawa no'n para umangat ka sa buhay o hayaang manatili ka sa mababa...ako kase kuntento na sa buhay ko kasama ang mama mo at sayo kaya kahit mahirap nalaban ako sa buhay."
Si papa parang lumalayo na ang sinasabi. Hindi ko nalang siya pinuna at hinayaan nalang ito, baka gusto lang magbukas ng topic nito at bigyan ako ng ideya para maging mabuting tao.
"Iba na talaga mga kabataan ngayon kaya kung ano ang gusto mo ay susuportahan ka namin at kahit na malayo ka sa amin ng mama mo ay kakayanin ko..namin." Ito talagang papa niya minsan na nga lang sila mag-usap ay balak pa siyang paiyakin. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang trabaho ko do'n para kukunin ko kayo papa. Titira tayo sa batong bahay, hindi ko ipapangako 'yan kase isasapuso ko para maisakatuparan.

BINABASA MO ANG
I Lost in Imus
Romance[Cavite Series #1] Siya si Tao Meridian na laking probinsiya, at para sa pamilya ay tinahak niya ang landas ng maynila para dito magtrabaho pero sa hindi inaasahang nangyari siya ay napadpad sa lugar ng Cavite at ito ay ang Imus. Dito niya makiki...