Part 17

4 4 0
                                    

"HINDI ka ba makatulog at panay ang kislot mo dyan sa sofa." Umiling lang ako kase hindi naman talaga ako inaantok at wala pa akong balak matulog kase kailangan ko malaman kung ano ang sagot ni Tao kay Kirei. Saka ilang minuto pang wala ang lalaki, saan naman kaya 'yon naglusot at baka mamaya kung ano nanaman ang nangyari do'n.

"Sa labas lang ako ma," paalam ko pagkatapos naglakad na agad palabas. Mas maigi na sa labas ko nalang siya antayin at kapag nagtanong ito sasabihin ko nalang na kailangan ko magpahangin, baka lumaki pa ang ulo nung bruho na 'yon.

Tumingin ako sa daanan at nakita ko nga si Tao na naglalakad ng nakayuko. Problema ng lalaking ito, may pagyuko pang nalalaman.

Umalis na agad siya sa makikita siya nito at naglakad na papunta sa may puno at doon tahimik na naupo. Itinungo ko pa ang ulo para hindi halatang inaantay ko siya.

Tagal naman no'n. Ano ba kase iniisip niya? Baka mamaya pumayag na 'yon sa kalandian ni Kirei, hindi ko nanaman talaga siya papansinin para galit-galit ulit kami.

"Lucky, ginagawa mo dyan sa madilim?"

Nag-angat tingin ako para makita ang lalaking ito, at nagkakamot nanaman siya ng ulo. May balakubak ba siya at panay ang kamot niya dito.

Iwinaksi ko lang naisip ko na imposible namang mangyari kase naliligo naman ang lalaking ito at malinis sa katawan kaya diba nasabi ko noon na masarap siya.

Masarap siyang kasama ibig kong sabihin. At baka ano pa ang maisip at mapagtsismisan pa.

"Hindi ka ba makatulog kaya ka nagpapahangin o inaantay mo akong makauwe?" Umawang ang bibig ko sa kakapalan ng mukha ng lalaking ito. Bakit ko naman siya aantayin dito sa labas, e nagpapahangin lang naman siya.

"Ang kapal naman ng mukha nito!"

"Aminin mo na kase na may gusto ka na sa akin para naman maging nobyo mo na ako at magkaroon na tayo ng pamilyang ma--araaay ko naman, bakit ka ba nambabatok," pag-angal nito na ikinatawa ko nalang kase mukha siyang ewan sa itsura niya habang hinihimas ang noong binatukan ko.

"Tignan mo pinagtatawanan mo pa ako, ayaw ko na nga hindi na tayo bati." Inirapan ko ito sa pag-arte nitong parang bata, mukha siyang tanga. May nalalaman pang pagpadyak na animo'y toro na sasabak sa takbuhan.

"Umayos ka nga, pero sandali maiba ako saan ka nanggaling at ang tagal mong nakauwe?"

Tignan mo kumamot nanaman ng ulo, alam ko na ireregalo ko sa kanya sa pasko. Bibigyan ko siya ng limang suyod para naman hindi na siya mangamot ng ulo. Pero aaminin ko kapag ginagawa niya 'yon mas lalo siyang nagwapo.

"Ano kase itong kaibigan mo inantay ako sa kanto tinanong ako kung ano sagot ko sa invitation niya pero diba may sagot na ako, hindi mo ba nasabi sa kanya," umiling ako, sinadya ko talaga na hindi ipaalam dito para masaya.

Saka ano pa ang rason para sabihin niya 'yon, hindi sila okay at mas gusto ko na magmukha itong tanga sa pag-aantay ng sagot ni Tao.

"Sinabi mo naman ata sa kanya na hindi ka makakasama kase may birthday ka din na pupuntahan." Kampante ako sa isasagot niya sa akin kase alam ko na may isa siyang salita na hindi siya sasama sa babaitang iyon.

"Pinilit niya ako na sumama kaya napa–"

"Stop. It's your choice naman kaya no need to explain to me." Nawalan ako ng gana, akala ko nakapili na siya ng sasamahan, yun pala ay wala siyang isang sagot dahil napilit pa siya ng malanding babae na iyon. At nakakairita talaga na nagpadala siya dito.

Tinalikuran ko na siya para pumasok, dapat natulog nalang agad ako at hindi na siya inantay pa. Umasa talaga ako sa bagay na 'yon at nakakawalang gana.

I Lost in ImusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon