TATLONG araw na ang lumipas pero may improvement sa samahan naming dalawa ni Lucky, oo at lagi niya pa rin akong sinusungitan pero wala na 'yong talab no'n para sa akin kase nakikita ko na mas makakasundo ko siya kapag mas kinukulit ko siya.
Hindi nga lang niya ako sinagot sa tanong ko noong nakaraan, but it's okay hindi naman ako mainipin. Handa akong maghintay kahit na gustuhin ulit nito na paalisin ako para hindi na makita.
"Half day lang tayo ngayon kase aalis kami ng ser niyo, at ang si Eke ay hindi papasok kase tinatamad." Oh, himala 'yon. Hindi sa ayaw ko na maghalf day pero sa ilang linggo na pananatili dito ay never ko 'yon narinig sa kanila at maski ang nauna sa akin ay nagtaka din.
"Anong meron ma'am?" tanong ni ate kay ma'am kaya itinuloy ko nalang ang ginagawa kong paghuhugas. Maisama nga mamaya si Lucky sa robinson gusto ko siyang ilibre para naman may maibigay ako sa kanya at baka magtampo na ang isang 'yon. Ano kaya ang gusto niya?
Hindi ko pa pala alam ang hilig ng babaeng 'yon, nakakahiya sa kanya na ang lakas ko siyang landiin tapos hindi ko pa alam ang mga hilig niya.
Maitanong nga mamaya sa kanya pero sana naman hindi siya magsungit ngayon. Lagi kase 'yong may regla kaya kailangan talaga makiramdam ako sa kanya pero kahit ganoon wala siyang kawala sa akin ngayon.
"Tao, wala ka nanaman sa sarili mo. Iisipin ko na talaga na may iba kang babae nagugustuhan bukod sa akin." Oh mamon, hindi ko nalang siya pinansin baka kung ano pa isipin sa kanila ng iba nilang katrabaho. Lagi kase siya nitong inaaasar kapag sila lang magkasamang dalawa.
"Tignan mo siya, oh. Hindi namamansin, ang ganda ko talaga." Bahala ka dyan ate. Masyado ka atang nasobrahan sa pag-inom ng pinagpigaan ng ampalaya. Tinapos ko na ang ginagawa ko at mabuti nalang talaga na hindi na nang-asar si ate kase kung magsunod-sunod 'yan aabutin nanaman sila na kung anong oras.
Si Lucky lang ang gusto ko at wala ng iba. Loyal 'to sa iisang babae. At proud ako do'n kase ang tunay na lalaki iisa lang ang babae at walang iba kundi si Lucky.
Nasa bahay na ako at inaantay na matapos si Lucky na makapagbihis. Ayaw niya raw na umalis na hindi nakakaligo at nakapagpalit ng damit.
"Mukhang nagkakasundo na kayong dalawa ni Lucky, iho."
"O-opo, mabait naman po siya sa akin minsan." Natawa si tita sa sinagot ko, totoo naman kase 'yon na minsanan lang kung maging mabait si Lucky, kung gagawa lang siya ng graph baka mas mataas ang percentage ng pagiging masungit nito. At wala pa sa kalahati ang pagiging mabait.
Kahit ganoon pa siya, tanggap ko siya ng buo.
Siya ang binibini na ninanais ko, binibining pinaglihi sa sama ng loob. "Mainam 'yan para naman hindi puro ang dalawa ang kasama niya. Mas gusto ko pa nga na ikaw ang kasama no'n para matuto naman siyang magmahal."
"Mama! Ano ba 'yang sinasabi mo sa kanya at baka mamaya magkaroon pa ng dahilan 'yan para mas kulitin ako!" bulalas ni Lucky na kakalabas ng banyo at nakapulupot pa sa ulo nito ang tuwalya. Nakakunot nanaman ang noo niya, hindi ba siya makatiis na hindi maging masungit.
"Manahimik ka d'yan bruha ka. Sinasabi ko sa'yo, tatanda ka talaga ng dalaga sa ginagawa mo!" pagkasabi no'n ni tita ay naglakad na ito palabas at nilampasan lang ang anak nito. Napailing nalang si Lucky ng lumapit sa gawi ko.
"Huwag mo nga akong titigan ng ganyan at naaasiwa ako sa'yo," galit nanaman siya sa akin. Wala naman akong ginagawa sa kanya, ah! Hindi ba siya nadadala sa kapogian ko para kahit papaano ay mabawasan ang pagsusungit niya sa akin. Kung buntis lang siya baka isipin ko na pinaglilihan niya ako pero wala naman atang balak magtangka sa kanya o may nagtangka pero hindi nakatagal sa ugali ni Lucky.
BINABASA MO ANG
I Lost in Imus
Storie d'amore[Cavite Series #1] Siya si Tao Meridian na laking probinsiya, at para sa pamilya ay tinahak niya ang landas ng maynila para dito magtrabaho pero sa hindi inaasahang nangyari siya ay napadpad sa lugar ng Cavite at ito ay ang Imus. Dito niya makiki...