Part 14

7 5 0
                                        

"TAO, gusto mo sumama sa swimming?" bungad tanong agad sa akin ni Kirei ng makasalubong ko ito kaya napakamot ako ng ulo kase hindi ako sigurado sa isasagot ko. Si Lucky sasama, sabagay wala namang pinapalampas ang isa iyon at kung magkaroon lang ng award sa pinakamost adventurous person isa na doon si Lucky.

"Pwede ba na pag-isipan ko muna kase may pasok din ako, eh."

"Sa December 9 pa naman 'yon kase birthday ni papa. Inantay talaga kita dito para sabihan ka, sana sumama ka para masaya." Ilang araw pa naman bago mangyari 'yon kaya makakapag-isip pa ako kung sasama o hindi. Sa ngayon gusto ko muna umuwe at magpahinga.

"Sabihan ko nalang si Lucky kung ano ang sagot ko, sa ngayon uuwe muna ako at medyo napagod ako sa trabaho." Nagpaalam na ako dito bago siya talikuran, ihahatid ko pa sana siya kaso hindi na kaya ng paa ko. Ikaw ba naman maghapon na nakatayo, sino ang hindi mangangalay.

Nakarating agad ako sa bahay at hindi na ako nag-abalang maglinis ng katawan kase gustong-gusto ko na matulog. Sinalampak ko na ang sarili sa sofa at ipinikit na ang mata.

Pero hindi naman ako makatulog kase panay ang galaw ko sa sofa. Hindi naman nasira ang tiyan ko o naiihi pero hindi talaga ako makatulog kaya napagdesisyunan ko na bumangon nalang at magpahangin sa labas.

Nagtimpla ako ng kape bago lumabas. Isang malamig na ihip ng hangin ang bumalot sa aking sistema kaya naupo ako sa labas ng gate na gawa sa yero. Sumimsim ako ng kape bago tumingin sa  kalangitan, sobrang payapa ng gabing ito pero ang mata ko naman ay ayaw makisama.

"Hindi ka makatulog?" tanong sa akin ni Lucky na tumabi pa sa inupuan ko. Tumingin ako dito at halatang kakagising lang nito, nagising ko ba siya sa pagkilos ko sa loob.

"Gusto na matulog ng katawan ko pero ayaw makisama ng mata ko." Maaga pa ang pasok ko bukas pero buhay na buhay pa din ang aking mata ayaw niyang makisama sa katawan ko.

"Ikaw, nagising ba kita kaya ka lumabas," tumango ito kaya humingi ako ng pasensya sa kanya, hindi naman ito umimik kaya nanaig sa aming pagitan ang katahimikan.

Ni walang gustong dugtungan ang usapan na nagsimula kanina kaya siya na ang bumasag no'n. "Sinasama ako ni Kirei sa swimming, sasama ka ba sa kanila?"

Kumunot ang noo nito, "wala siyang nabanggit sa akin na may swimming sina na gaganapin." Ako naman ang napakunot ang noo, paanong hindi siya nasabihan kung kaibigan niya si Kirei.

"Baka nakalimutan niya lang akong sabihan, may pagkakalimutin kase ang babaeng 'yon." Baka nga nakalimutan lang nito sabihan si Lucky kase imposible na hindi kase alam niyang magtatampo ito kung sakali.

"Sumama ka na para naman makaranas kang magswimming sa pool dito sa Cavite." May pasok ako no'n saka ayaw kong umalis na may ibang kasama gusto ko siya lang ang kasama ko, para masolo ko siya at mas maging malapit kami sa isa't-isa.

"Pwede bang hindi nalang sumama kase mas gusto ko na makasama ka kaysa sa pumunta sa ibang lugar na may ibang tao." Nagkatinginan kaming dalawa ni Lucky, maganda siya sa paningin ko at malakas ang dating niya para sa akin. Mabilis kumilos ang katawan ko at marahan na lumapit sa kanya hanggang sa parehas kaming napapikit ng maglapat ang mga labi namin.

Malambot ang kanyang labi at sa wakas natikman ko na rin ito, hindi ito gumalaw at hinayaan lang ako na kumilos. Ilang segundo kaming ganoon hanggang sa ako na mismo ang huminto at tinignan nalang ang kanyang mukha.

Iminulat nito ang kanyang mata kaya nagtagpo 'yon kaya isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ko. Masaya ako dahil sa wakas natikman ko din ang labi nito. "I love you, Lucky!"

"Baliw ka! Bakit mo ako hinalikan!" sigaw nito. Napatayo tuloy ako sa pagkilos na ginawa nito kaya napakamot ako ng ulo. Akala ko gusto niya rin ang halik na 'yon pero mukhang mageevolve nanaman siya into a dragon.

I Lost in ImusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon