Part 10

6 6 0
                                    

[ Lucky's POV ]

"Jusko! T-tao!"

SIGAW ko ng makita si Tao na tumumba kaya mabilis akong lumapit dito at sinipat ang ulo nito, suck! Ano ba ang probema ng lalaking 'to at kanina pa siya inaalat, wala naman siyang lagnat o sakit pero bakit siya nawalan ng malay.

"Lucky, ano nangyari?" tanong ni mama. At sunod-sunod na silang nakitanong kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kase hindi ko naman nakita kung bakit bigla nalang itong natumba. Si Tito ang bumuhat kay Tao papasok sa loob ng bahay kaya para siyang natatae sa pag-aalala.

Pipigilan niya lang naman itong umalis pero ganoon pa ang madadatnan niya, aminado ako na sumobra ako sa sinabi ko na sampid siya kase katunayan ito pa ang may silbe sa bahay na 'to. May trabaho ito at walang pag-aalinlangan na mag-abot ng pera kay mama lalo na may pinag-iipunan ang loko.

"Look what you did, Lucky! Kawawa naman si fafa Tao."  Inirapan ko nalang itong si Taho. Hinalalayan naman ako ni Kirei, samantalang sila mama ay inaasikaso si Tao na wala pa ding malay.

Ano ba ang nagawa ko?

Ito ba ang dahilan ng pagkatahimik niya kanina tapos nung kumakain na kami. Masama ba ang pakiramdam niya?

Malakas ba masyado ang pagbunggo sa kanya ng motor, nauntog ba siya? Buwiset! Nakakabaliw naman ang lalaking 'to hindi kase nagsasabi.

"Tumabi ka nga dyan! Ikaw ang may kasalanan nito." Nagulat ako ng sanggiin ako ng kapatid ko kaya nakakunot noo ko itong tinignan. Alam ko na may pagkamaldita din itong bata 'to pero ang tratuhin ako nito sa harapan ng mga kaibigan ko ay ibang usapan.

"Umayos ka, Pempen!" singhal niya dito. Nakipaglaban sa kanya ng tinginan ang kapatid hanggang sa suwayin silang dalawa ni mama kaya ako na mismo ang umiwas ng tingin.

"Kayong dalawa wala na talaga kayong pinagkasunduan, palagi nalang kayong nagtatalo na dalawa. At walang maitutulong 'yan sa sitwasyon ng batang ito."

Ito kaseng anak mo 'ma, bastos! Humarap sa akin si mama at inutusan ako na gumawa ng maligamgam na tubig kaya padabog akong kumilos.

"Magiging maayos naman po si kuya diba po?"

Hindi ko alam kung totoo itong pag-iyak na ginagawa ng kapatid niya, para kaseng tanga nahimatay lang naman si Tao at hindi comatose pero kung makaiyak akala mo wala ng bukas.

Plastic! Iniabot ko na kay mama ang maligamgam na tubig pero tinitigan lang ako nito kaya napataas ang isa kong kilay. "Huwag mo sabihin 'ma na ako ang pagpupunas sa lalaking 'yan."

Oh grab.

Umalis sila mama sa pwesto nila at sa akin na pinaubaya ang pagpupunas kay Tao. Wala naman kaseng sakit pero bakit kailangan pa ng ganito.

"Kumilos ka na nga ate, hindi bagay sa'yo na maging mahinhin kase masama ang ugali mo." Inambaan niya ang kapatid pero nakita siya ng nanay niya kaya siya ang napalo nito. Hindi naman mahina pero bakit siya namamalo, dapat nga itong anak na maliit ang paluin kase bata pa lang maldita na. "Buti nga sa'yo."

Narinig ko pa na sinabi nitong bruha kong kapatid, pasalamat talaga siya at may hawak ako kung wala lang nasabunutan ko na siya.

"Asikasuhin mo na kase si Tao, Lucky!" utos ni Kirei na gagawin ko naman talaga. Hindi ba sila marunong maghintay, buwiset! Humarap na ako sa walang malay na si Tao at muli ko nanaman siyang natitigan ng malapitan.

Kahit natutulog ito o gising ay wala pa ding pinagbago, gwapo pa din. Ano ba itong tumatakbo sa isip ko, hindi dapat ganito kaya sinuway ko ang sarili at sinimulan ng punasan si Tao ng marahan.

I Lost in ImusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon