KANINA pa ko nag-aantay sa street kung saan kami magkikita ni Kirei, nangangati na ang kamay ko na sampalin siya. Hindi ko gusto ang angas niya kagabi, kahit na kaibigan niya ako wala siyang karapatan na maging maangas.
Ako lang dapat. Ako lang.
Akala niya siguro na kapag nakasama niya si Tao ay magugustuhan na siya nito. Hindi, alam ko 'yon kase 'di pa naman sila lubos na magkakilala.
Echoserang bakla iyon! May kalandian na't lahat-lahat hindi pa nakuntento.
"Finally!" bulong ko ng makita ko na ito pero kasama niya si Taho. As if naman kampihan siya ng baklang kasama niya. Cockroaches lang iharap mo dyan luluhod na agad 'yan.
Bilisan niyo naman.
Tumayo na ako sa pagkaupo ko ng makalapit na sila sa akin. Pinagpagan ko ang pwetan ko bago sila salubungin.
"Baks, bakit kailangan dito pa kayo mag-usap!" bungad tanong agad sa akin ni Taho pero wala sa kanya ang atensyon ko kundi sa babaeng nasa tabi niya. Masama itong nakatingin sa akin kaya ganoon din ang ginawa ko. "Hey, may problema ba kayong dalawa sa isa't-isa?"
"Woooy! Shit, ginagawa niyo!"
Hindi ko pinansin ang ingay ni Taho at itinuloy ko lang ang pagkasabunot ko sa bruhildang babaeng talipandas na ito. Akala niya ba hindi ko siya aatrasan, nagkakamali siya. Gigil na gigil akong hinablot ang likurang buhok nito.
"Malandi kang babae ka! Matagal na akong nagtitimpi sayong babaita ka, buwiseet!"
Hinila nito ng malakas ang buhok kaya mas lalo akong nainis sa kanya kaya pinasubsob ko siya para hindi niya maabot ng kamay ang buhok.
"B-bakit ka nagagalit sa a-akin, eh wala naman kayo ni Tao!" sigaw nito. Nawawala na ba siya sa sarili niya, pati ba naman 'yon ay kukunin pa nito sa akin. Sa tagal ng pinagsamahan namin mas inintindi ko siya tapos ngayon sasaksakin niya ako sa likod. Oo, aminado ako na maliit na bagay lang ito pero ayaw ko ng trinatraydod ako!
"U-uy! M-mga bruha kayo. Tigil-tigilan niyo na 'yan, pasaway naman talaga kayo oh!"
Hinihila ako ni Taho pero binatukan ko ito para mabitawan ako. Bakit hindi ang bruhilda na ito ang awatin niya, palihim kung lumandi.
"Tandaan mo kung ano ka sa buhay ni Tao, Lucky! Masasaktan lang siya sa'yo, naiintindihan mo ba kaya ipaubaya mo nalang siya sa akin!" sigaw nito. Sino nagsabi na magpapaubaya ako ngayon, tama na ang pagpapaubaya.
"Wala kang pakialam sa amin kaya huwag ka magmarunong babaita ka!" sagot ko pero this time ako na mismo ang humiwalay pero itinulak ko siya dahilan para mapasalampak ito sa batuhan. Mabilis itong inalalayan ni Taho kaya napairap ako sa kawalan.
"Tumigil na nga kayong dalawa. Magkakaibigan tayo dito kaya hindi ko kayo maintindihan na umabot pa sa ganito ang lahat."
"Ask her. Sinadya niya na hindi ako sabihan para may rason siyang masolo si Tao. Nanaginip siya ng gising, alam naman natin kung sino ang gusto niya." Nginisian ko silang dalawa bago sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay bago lumapit sa dalawa na nasa batuhan. At ng magkapantay na kami saka ko inilapit ang bibig ko sa taenga nito.
"Kahit maghubad ka pa sa harapan niya, hindi siya mapapasaiyo kase malandi ka at wala kang respeto sa sarili mo. Tama nga si lolo mo na malandi ka." Tumawa ako ng mahina bago tumayo, nakita ko ang pamumula ng mukha nito dahil sa inis. Subukan niyang sumugod ulit baka pati maliit niyang dibdib ay idamay ko.
Inirapan ko na silang dalawa bago naglakad paalis, mabuti nalang ito ang napili kong spot, walang tao at malayo sa kabahayan.
"Hindi magiging kayo, tandaan mo 'yan!"
![](https://img.wattpad.com/cover/242624496-288-k399949.jpg)
BINABASA MO ANG
I Lost in Imus
Romance[Cavite Series #1] Siya si Tao Meridian na laking probinsiya, at para sa pamilya ay tinahak niya ang landas ng maynila para dito magtrabaho pero sa hindi inaasahang nangyari siya ay napadpad sa lugar ng Cavite at ito ay ang Imus. Dito niya makiki...