Part 20

8 4 0
                                        

SAMPUNG ARAW na ang lumipas simula ng pormal kong ligawan si Lucky, at sa bawat araw na 'yon ay mas ibinigay ko ang lahat ng makakaya ko para mapasaya siya at hindi naman ako napahiya do'n kase sa bawat gala namin ay ramdam ko ang sayang nararamdaman niya.

Masaya din ako na kasama ko siya sa bawat araw na nagdaan, sulit ang saya kapag kasama ko siya lalo na't parehas kaming legal sa mga magulang namin. Ang cute nga ng reaksyon nila mama kase  finally daw ay may kasintahan na ako at binigyan nila kami ng paalala na kapag may anumang problema kaming kaharapin ay huwag kaming magpaepekto, pag-usapan at ipaintindi namin sa isa't-isa kung ano ang mga bagay na napapansin namin sa isa't-isa.

At ang pinakamahigit do'n ay isentro raw namin sa aming relasyon ang panginoon para mas maging matatag kaming dalawa at ganoon nga ang ginawa namin at masaya ako.

"Mukhang malalim 'yang iniisip mo, ah," tinignan ko si Lucky na tumabi sa akin sa inuupuan ko. Andito kase ako sa taniman nila para magpahangin, simula kase noong sinabi niya sa akin na gusto niya ako ay lagi na akong pumupunta dito para magpahangin o 'di kaya ay masaya ako.

"Kapag napagod ka na ibig sabihin no'n kanina ka pa natakbo sa isip ko.".

"Hindi ko gets, nakadrugs ka ba?" tanong nito.

"Ikaw ang sistema ko kaya ako ganito ako ngayon, Lucky." Kumunot ang noo nito kaya dumikit ako dito at inakbayan siya, idinikit ang labi ko sa taenga niya. "I love you, Lucky me!"

Pagkasabi ko no'n ay hinalikan ko siya sa pisnge bago ako umayos ng upo. Walang imik si Lucky kaya tinignan ko siya, nakatingin lang ito sa puno habang nakahawak sa pisnge nito.

"Okay ka lang ba," tumingin ito sa gawi ko bago tumango, muli na itong humarap sa may puno kaya tumingin ito ako do'n. Muli kung inilagay ang kamay ko sa balikat niya at tinulak ang ulo nito palapit sa balikat ko. Hindi naman ito kumontra kaya ilang minuto rin kaming nasa ganoong sitwasyon.

"Kuya, ate may naghahanap sa inyo!"

Umayos kami ng pagkaupo ng marinig ang boses ni Pempen, may ngiti sa labi nito kaya tumayo ako at inilahad ang kamay para kay Lucky, tinanggap niya ito kaya napangiti ako ng sobra.

Kapuwa sabay kaming naglakad na dalawa, at ng malapit na kami sa liwasan ay doon namin nakita ang taong sinasabi ni Pempen na naghahanap sa amin. Huminto kaming dalawa ni Lucky, at nagpaalam na rin ang kapatid nito na babalik na sa loob kaya nagpasalamat kami dito.

"Why are you here, gagawa ka nanaman ba ng kalokohan?" tanong ni Lucky dito. Namumula ang mukha ang mukha ng kaharap namin, akala ko nga ay hindi nito sasagutin ang tanong ni Lucky pero nagulat ako ng bigla itong umiyak.

"G-gusto kong humingi ng sorry sa inyong dalawa, hindi ko dapat ginawa 'yon at aaminin ko na naiinggit ako kase kahit na sinusungitan mo ang ilan ikaw pa din ang nagugustuhan maski si papa, ang papa mo ay ikaw ang laging nakikita."

"Naiinis ako sa sarili ko kase hinayaan ko na magkasira tayong dalawa, hinayaan ko na magpadala ako sa nararamdaman ko na makuha si Tao sa'yo." Yumuko ito kaya tumingin ako sa katabi ko, namumula ang mata nito at parang anytime ay babagsak na rin ang luha nito.

"I'm sorry," sabe ni Kirei na nakayuko pa rin ngayon, wala naman akong problema sa kanya at hindi rin naman nagtagal ang pagkainis ko sa kanya noon nung sabihin sa akin ni Lucky ang tungkol sa kanilang dalawa.

Inisip ko nalang na dahil sa kagustuhan natin na makuha ang isang bagay ay nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi naman kailangan. "Hindi ko kayo mamadaliin na patawarin ako, karapatan niyo naman 'yon at naiintindihan ko kayo."

"Pinatatawad na kita," ani ng katabi ko, "gusto ko din na humingi ng sorry sa'yo. Sa pagsabunot sa'yo at sa pagsasabi ko na malandi ka, alam ko na may mali ako sa part na 'yon kaya sana mapatawad mo din ako."

I Lost in ImusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon