Part 18

4 4 0
                                    

[ Tao's POV ]

SABE ko hindi ako iinom pero nakainom tuloy ako ng wine, isa lang naman 'yon pero hindi naman ako sanay na uminom ng ganoong kasosyal na inumin saka sabi ni madam good for heart daw yung wine na 'yon.

Ngayon pauwe na kami ng mga kasamahan ko sa trabaho at nahirit pa sila na nag-inom sa bahay ng bata naming kasama pero tumanggi na ako kase hindi talaga kaya ng sistema ko ngayon na uminom ng alak lalo na't iniisip ko kung galit pa ba sa akin si Lucky.

Ang mga kasama ko sa dasma pa nakatira kaya ako nauna na akong bumaba sa  transport kaya
nagmadali na akong umuwe para makausap si Lucky, ang lucky ng buhay ko. Sana talaga hindi siya galit o nagtatampo sa akin, bago ako tuluyang maglakad pauwe ay dumaan muna ako sa bilihan ng kwekwek dito sa lugar na kung saan una ko siyang sinabihan ng I love you.

At ang araw din na nadisgrasya ako dahil sa pagwalk-out nito dahil do'n, hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti sa sandaling 'yon kase simula no'n mas naging okay ang pakikitungo niya sa akin kahit na madalas pa din niya akong sungitan.

Tatlong malaki at sampung maliit ang kinuha ko para mas marami mas feel mo yung pagmamahal at pagpapahalaga. Hindi man ako perpektong tao atlis nabusog ko naman siya sa pagkain, napailing nalang ako sa naisip ko. Binayaran ko na ang kwekwek at nagpatuloy na sa paglakad, tumingin ako kaliwa't kanan para ligtas na kung makatawid.

Nalampasan ko na ang lumang Abad at Micawayan na marami pa din na nagtitinda maski sa kahanay nitong lotohan at ang sarado na ngayon na furniture.

Pero nakita niya si Kirei na nakaupo doon kaya ng  makita niya ako ay agad itong tumayo at lumapit sa akin. "Tao, mabuti nalang nakauwe ka na kanina pa kase kita inaantay. So, kamusta ang party ng katrabaho mo, masaya ba?"

Kahit naman simpleng pagdiriwang 'yon ay sobra akong nag-enjoy kaya isang ngiti lang ang itinugon ko dito. "Bakit ka nandito may kailangan ka ba ulit sa akin."

Bukod naman kay Lucky at Taho, eh ako lang din naman ang inaantay nito sa kanto para sa sasabihin niya.

"Yayain sana kita sa MCI ngayon at baka gusto mo na uminom. Don't worry, I treat." Pasaway talaga ang alak, tinanggihan ko na nga kanina yung katrabaho ko tapos ngayon may nagyaya nanaman. Seryoso, bakit trip ng mga taong ito na mag-inom ngayon.

"Hindi ako makakasama medyo nakainom na kase ako ngayon saka may work pa ako bukas. Pasensya na at nag-antay ka pa, mauna na ako." Naglakad na ako patalikod sa kanya ng hawakan nito ang kanang braso ko kaya natigilan ako sa paglakad. Tumaas ang isang isang ko ng lumingon ako sa kanya, nakangisi kasi ito na akala mo anytime ay may gagawing hindi maganda at totoo nga ang hinala niya kase hinila siya nito paharap at mabilis na hinalikan sa labi.

Patay. Pinilit ko na kumalas sa pagkakahalik niya pero pinulupot lang nito ang kamay sa baywang ko, hindi ko inasahan na kahit na mas matangkad ako sa kanya ay nagagawa niya ito sa akin.

"Tao, anong ginagawa niyo?"

Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ni Lucky kaya kahit na masaktan si Kirei sa pagkakapit sa akin ay wala na akong pakialam. Ang mahalaga ngayon ay si Lucky, kailangan kong magpaliwanag, "magpapaliwanag ako."

"Hindi mo kailangan magpaliwanag sa kanya, Tao. I like you lips, malambot-lambot siya at masa–"

"Manahimik ka," suway ko dito kay Kirei na nakataas pa ang kilay sa kaharap. Hindi ba magkaibigan sila pero bakit ngayon ganyan siyang umasta. "Lucky, hindi ganoon yung nakita mo nagulat lang ako kaya hindi ako nakaiwas agad. Please, naniniwala ka sa akin diba?"

Wala itong emosyon, wala sa akin ang tingin niya kundi sa babaeng nasa likod tabi ko. Galit ata talaga siya. "Lucky, halika sa bahay na ako magpapaliwanag."

I Lost in ImusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon