🔥 Chapter 14 🔥

1K 23 1
                                    

NAGKATIPON TIPON Ang kanilang buong barkada para sa isang salu-salu dito sa isang seafood restaurant.

Masaya ang kanilang kainan at hindi nakaligtas sa paningin ng kanilang mga kaibigan ang bagong pakikitungo ni Rain at Camila sa isa't-isa. Paano ba naman kasi, kulang nalang subuan ni Rain si Camila sa sobrang pag aalaga sa dalaga.

Himala yata at biglang nag iba ang ihip ng hangin.

Masaya na sana nang biglang may dumating
.
.
.

" Rain! "

natigilan silang lahat at sabay sabay na napalingon sa bagong dating. Muntikan tuloy mabuga ni Ion ang kinakain ng makilala kung sino ito.

Kaagad namang napatayo si Rain at dagling lumapit dito. 

" Lani! Why are you here? How did you know that I was having a vacation here in Bora? " there's a smile on his face but that's not enough proof to prove that he is happy.

" Hindi kasi ako busy kaya sinulit ko na. Pumunta ako sa inyo but your mom said na andito ka sa Boracay having a short vacation with your friends. " anito.

" Mabuti naman at naka punta ka dito. Leka, join us. Kaka simula lang namin mag lunch. "

" Sure. "

Plastic namang ini-welcome ng kanilang mga kaibigan ang dalaga.

Napatingin sina Camila at Stacey sa isa't-isa. Napakibit balikat na lamang ang kaibigan.

She let out a heavy sigh at ibinaling nalang sa pagkain ang atensyon. Umupo na si Lani at Rain sa kanyang tabi, at masayang nag uusap.

WOW! SI JOLOGS NERD GIRL NALANG YATA ANG NAKIKITA NGAYON NI RAIN! 🙄🙄 HMMMP.

Makalipas ang ilang minuto ay may napadaan naman sa kanilang mesa.

" Camila! "

Napalingon ang lahat sa lalaking tumawag sa kanyang pangalan. She smiled sweetly nang lumapit ito.

" Zane! Ahm, join us! "

.

" Naku, hindi na nakakahiya. "

"No, I insist. "

SA huli ay napapayag niya rin ito at okay naman ang lahat na Maki join sa kanila ang binata.

" Ahm, guys,siya nga pala si Attorney Zane Mendoza. Siya yung private lawyer ni Papa. " pakilala niya dito.

" Nice to meet you, Attorney. " magalang na bati ni Dominic.

Napangisi ng konti si Zane. " Oh, just call me Zane. Wag masydong pormal wala tayo sa korte. Hehe. "

Napatawa naman ang lahat maliban kay Rain at Lani na busy sa pag uusap. Parang may sariling mundo ang dalawa. Keber naman siya dito. Pero keber nga ba talaga? 🤭😅

-------------

LATER THAT NIGHT, nag camp fire ang kanilang grupo. Napadaan si Stacey sa dalampasigan nang maaninag ang bff niyang si Camila na naka two piece at lumusong mag isa sa tubig.

Anong ginagawa ng babaeng yun? Mag na night swimming eh hindi nga marunong lumangoy. Baka mapahamak pa to ey.....

Napangisi siya ng makaisip ng isang naughty plan. Mabilis siyang tumungo sa kanilang grupo at lumapit kay Rain.

" Rain, pwede ba Kita makausap saglit? "aniya.

Napatayo naman si Rain sabay pagpag sa shorts.  " Yes, ano ba yun? "

Fall In Love With A slut Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon