🔥 Chapter 15 🔥

1K 22 3
                                    

LANI woke up around 7 in the morning. Actually hindi siya nakatulog ng maayos. Napatingin siya sa kanyang tabi at heto si Rain, mahimbing na natutulog.

Nagising siya dahil sa ingay ng cellphone ng binata. Kanina pa ito ring ng ring. Someone's calling him.

She look at the screen at napag alamang si Dra. Arreza ang tumatawag sa anak. Dahil ayaw niyang magambala ang pagtulog nito ay siya na ang sumagot.

" Hello Hijo? I'm sorry I had to call you early in the morning. I'm so excited to hear the news, okay na ba kayo ni Camila? How's your vacation with her? " madaldal na wika nito sa kabilang linya.

Parang umurong ang kaniyang dila at hindi siya makaimik. She took a deep breath as she ended the call.

Why is tita Aileen asking about Camila and Rain? What's going on between them na hindi ko nalalamananiya sa isipan.

She step at the balcony, looking at the amazing view of Boracay beach. Napabuntong-hininga na lamang siya ng alalahanin ang nangyari kagabi.

NANG MAGKATABI NA SILA NI RAIN SA KAMA AY HINDI PA TALAGA SIYA NATUTULOG NUN, NAKAPIKIT LANG ANG KANIYANG MGA MATA HABANG NAKIKIRAMDAM. ALAM NIYA KASING HINDI PA NATUTULOG ANG NOBYO.

ILANG SANDALI AY NARAMDAMAN NIYANG BUMANGON ITO AT NARINIG NIYA ANG PAG SARADO NG PINTO. NAPABUNTONG-HININGA SIYA SAKA BUMANGON AT PASEKRETONG SINUNDAN ITO.

PARANG HUMINTO ANG PAG TIBOK NG KANYANG PUSO NANG MAKITA SI RAIN NA PINUNTAHAN SI CAMILA AT PUMASOK ANG MGA ITO SA LOOB NG SILID.

NAPALUNOK SIYA SA SARILING LAWAY SAKA NAPASANDAL SA PADER, HAWAK HAWAK ANG DIBDIB BUT THERE'S NO TEARS IN HER EYES. MABIGAT ANG PAKIRAMDAM NA BUMALIK SA KANILANG SILID AT PINILIT NA BUMALIK SA PAGTULOG.

Napakibit balikat na lamang siya ng maalala iyon saka siya muling pumasok sa loob ng kwarto. She will try to act normal. She will try to smile as long as she can.

.

--------------

NAGMULAT NG MGA Mata si Camila at napagtantong Wala na si Rain sa kanyang tabi.

Saglit pa'y pinutol ang kaniyang pagmumuni muni ng isang sunod sunod na katok sa pintuan. Mabilis siyang bumaba sa kama at tumungo sa pinto para pag buksan ang taong walang habas sa pagkatok.

Tumambad sa kanya si Zane na may seryosong mukha.

" Good morning... Why are you here? "  aniya.

" Kailangan na nating bumalik sa Manila. There's an emergency. " seryoso nitong sabi.

Biglang gumapang ang kaba sa kaniyang dibdib. Rumihestro kaagad sa kanyang isipan ang kaniyang ama.

" Anong nangyari kay Daddy?? "

" Basta, tsaka ko nalang sasabihin sayo pag nakabalik na tayo ng Manila. Let's go, pack your things now. We're leaving. "  Zane's voice is warm but authoritative.

Napatitig siya sa mga mata nito, at nakikita niya dito na seryoso talaga ito, that's why hindi na siya nag aksaya ng panahon. Kaagad siyang nag impake pagkuwa'y nagpaalam narin kay Stacey na mauuna na siyang umuwi,nauunawaan naman ito ng kaibigan kaya pumayag narin.

Fall In Love With A slut Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon