🔥 Chapter 10 🔥

1K 18 2
                                    

NANDITO ngayon ang buong barkada ni Rain sa bahay nila para ipagpaalam siya sa mama niya.

Nakataas ang isang kilay ni Dra. Arreza na humarap sa kanilang lahat.

" May sasabihin ba kayo sa akin mga Hijo? Sabi ng maid, gusto niyo daw ako makausap. What is this all about? "

" Ahmm,, hehe, ahm tita, gusto sana naming ipagpaalam sayo si Rain. Isasama po sana namin siya sa bakasyon namin sa Boracay. " wika ni Ray.

" Oo nga ho, tita. Para din po makapag relax siya. " segunda naman ni Ion.

" Hmmmp....... " Napatingin ito sa kanya.

Nasa dulo siya ng sofa na para bang elementary na ipagpaalam sa parents kung pwedeng isama sa field trip. Hahhahah 🤣🤣

Ibinalik na ni Dra. Arreza ang paningin sa mga kaibigan niya.

" Kayo lang bang apat or may mga kasama pa kayo? "

" May mga kasama po kaming babae. Yung girlfriend ko po, girlfriend ni Ion at Ray, tsaka si Camila, best friend po ng jowa ni Ray. " sagot ni Dominic.

Nakakalokang ngiti ang ibinigay ng mama niya sa kanya nang marinig nito ang pangalan ng dalaga.

" Si Camila San Miguel ba yan? " paninigurado pa nito.

" Oho, tita. "

" Well, Sure! Kailan ang Alis niyo? " nakangising tanong nito.

Excited na excited ang mukha ni Mudra ah? 🤣

" Ah, hehe ahm bukas po ng umaga! " wika ni Dominic.

" Okay mga Hijo, pumapayag na ako. " anito saka napabaling sa kanya.  " Rain, don't worry ako na ang bahala muna sa clinic. Enjoy your vacation with your friends... With Camila.. 😊😁😁 " nakangisi nitong sabi.

" Salamat, Tita. "

" Your welcome, enjoy Boys! " masaya itong nagpaalam sa kanila at bumalik na sa garden nito.

Nakahinga na ng maluwag ang mga kaibigan niya. Nakangisi ang mga itong napabaling sa kanya sabay tapik  ni Ray sa kanyang balikat.

" Akala ko hindi ka papayagan ng mama mo eh, para kasing bad mood, buti nalang nung binanggit ni Dominic ang pangalan ni Camila, biglang nagbago ang mood nito. "

" Oo nga dude, magkakilala pala si Camila at ang mama mo? "

He let out a sigh. " Yes. Regular patient siya ni Mama sa Clinic. Close din silang dalawa. "

" Haha! Nahahalata ko ah, mas boto  yung mama mo kay Camila para sayo, kaysa kay Lani. " natatawang wika ni Ion.

" Trot, Dude! Si Camila nalang kaya jowain mo? " nanunuksong wika ni Ray.

Tiningnan niya ito ng masama. " Gago! Ikaw nalang kaya, total ikaw naman nakaisip nyan eh. " aniya tsaka tumayo.

" Jowk lang, pero Dude, kung saan ka masaya, suportado ka namin. Kung ma fall kaman kay Camila, support parin kami sayo. Hahaha. "

" Ungas! " Naiinis na siya.

" Oh, Basta bukas ha! 10 ng umaga ka namin susunduin dito. Be ready. "

Tumango lang siya.

" HOY, Dude! Bukas ha! "

" Oo na, Oo na! "

--------------

Umakyat na siya sa kanyang kwarto para mag impake ng mga gamit na dadalhin niya sa Boracay.

Fall In Love With A slut Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon