1

1K 52 2
                                    

"Ma!" sigaw ko.

"Oh bakit Ada?" Rinig kong sagot ni Mama at dali daling pumasok sa kwarto ko.

"Ma, nasaan po yung uniform ko?" Taranta kong tanong.

"Ay nandiyan sa may aparador mo, nakalimutan kong iplantsa kahapon dahil inaatake na naman ng hika si Airo" tukoy ni Mama sa kapatid kong bunso.

"Sige po Ma, okay lang"
Binilisan ko na ang paghanap sa uniform ko dahil baka ma-late na rin ako.

Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya nagbihis na 'ko saka lumabas na ng kwarto.

"Ma pahinging baon" saka lahad ng kamay sa kaniya.

Lunes. First day of school kasi ngayon. Grade 9 na 'ko kailangan kong mag-aral ng mabuti para makapagtapos ako ng pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan. Nahihirapan na rin kasi ako para kay Mama.

"Oh, 'yan lang muna ha? Kailangan kasi nating magtipid eh"

"Opo, okay lang, kaya ko naman ibudget 'yan" sana.

"Natutuwa ako sa'yo dahil napalaki kita nang maayos at mabait na bata" pagpuri niya pa sa akin. Sus. Hindi nga ako malaki e.

"Syempre Ma, ako lang naman ang nag-iisa mong dyosang anak na si Adajera Waniwan!"

"Hoy! Ano ba 'yan! Ang aga-aga ang ingay mo!" sigaw ni Kuya sa akin habang nagkukusot ng mata kakagising lang ata. Malalate na naman ang isang 'to. Panigurado.

"Hoy Kuya! Wag mo 'kong masiga-sigawan diyan. Porque nag hiwalay lang kayo ni Ate Kaye ha! Sabihin ko nga sa kaniya na 'wag kang balikan.
Saka bilisan mo na nga diyan. Baka malate ka pa hoy!" sigaw ko rin pabalik.

"Kayong dalawa. Mag-aaway na naman kayo. Kumain na lang tayo" pag-awat ni Mama "Malalate na rin kayo niyan"

"Ikaw kasi" turo ko kay Kuya.

"Ikaw kaya" aba. Gumanti pa nga.

Maliit lang ang bahay namin. Bale apat lang kaming nakatira rito. Si Mama Jerra, Si Kuya Ajiro, ako at si Airo na bunso kong kapatid. Kung si Papa hinahanap niyo, hay nako. Wag niyo nang hanapin. Masakit loob ko sa kaniya dahil sa pang-iiwan niya sa amin. Basta alam ko lang may kabit si papa at do'n siya sumama.

Nag simula na kaming kumain.

"Kuya pahingi nga ng bente dagdag sa baon ko lang hehe" pekeng ngiti ko at nagkamot sa ulo.

Mas malaki kasi baon niya, mas mahal ata ni Mama si Kuya. Joke! Pantay ang tingin sa amin ni Mama. Kahit maliit ako.

"Ayoko nga nang-aaway ka diyan e"
Ngumunguya niyang saad.

"Kuya teacher said don't talk if your mouth is full" sabat ni bunso.

Natahimik si Kuya habang ako naman, pinipigilan ang tumawa dahil sa itsura ni Kuya, napahiya pa nga! baka pagalitan ako ni Mama pag nahuli niya ako.

"Ano naman ang gagawin mo sa bente ha?" tanong ni Mama.

"May ipapaprint pala ako, para sa name tag namin" nalaman ko lang din kanina dahil sinabi ng kaibigan ko. Matic na gano'n kapag pasukan.

"Mamaya, bibigyan kita basta siguraduhin mo lang na ipapaprint mo yung gagamiting pera ha?" Napatingin naman ako kay Kuya nang sabihin niya 'yon, Hala. Hindi naman ako ganoon e!

"Eto naman si Kuya oh, hindi ko na naman ipanglalakwatsa yung pera"
Dismayado kong saad.

"Oo na"

"Salamat"

Pagkatapos naming kumain, pinuntahan ko na si Kuya sa kwarto niya.

Tatlo ang kwarto namin isa kay Kuya, isa sa 'kin, at share naman si Mama at si Airo, natatakot pa si bunso mag isa, saka spoiled pa kay Mama kaya tabi sila.

 I Love You But It's RPW(Teen Series #1) |Completed|Where stories live. Discover now