7

313 35 0
                                    

"Si K-Kuya kasi..." alanganin kong sabi.

"What?" Pinanlakihan niya ako ng mata.

"P-Pinapalayo kasi ako ni Kuya kay Micko. Bakit ko naman siya lalayuan? Wala namang rason para gawin 'yon 'di ba? Nakakairita kanina kasi hindi niya sabihin ang rason kung bakit ko lalayuan si Micko. Paniguradong masasaktan si bestfriend no'n"

Nakatitig lang siya sa akin.

"Oh y-yeah right, masasaktan nga siya"

"Di ba! Aish! Nakakainis talaga, tara na nga"

Pagkarating namin sa room, agad akong umupo sa aking upuan. Kumpleto na rin kami. Sabagay second day ngayon. Hindi pa talaga sila pala-absent. Pero kapag matapos na ang first quarter, lulubog at lilitaw na ang mga 'yan. 'Yung iba lang, marami pa ring consistent na students. Well, hindi naman ako pala-absent kasi gusto ko rin makakuha ng certificate about perfect attendance. At ayoko rin may mamiss na lessons.

Minsan lang talaga ako umabsent kapag may sakit ako. Lagnat gano'n.

Lumingon ako sa may orasan. 07:10 am na. 07:30 pa naman ang klase.
May 20 minutes pa. I took my phone out. I want to enjoy for a while. Scroll lang din ginawa ko. Nagbasa ng mga memes and some story.

While scrolling, something pop up on my screen. Uy, may nag chat. Naks, blessing!

Vonny Love: good morning, don't forget to eat your breakfast :)

Ha?! Oh my god! Napakurap ako nang ilang beses. OMG, napangiti ako. Minsan lang 'to e. Ngayon ko lang naranasan i-greet through chat. Ay, si Micko pala. Palagi niya 'yon ginagawa. Pero iba sa stranger 'di ba?

Sheesh!

Rein Angel: good morning din.

Rein Angel: ahmm tapos na rin ako kumain haha :) how about you?

Nag reply na 'ko sa kaniya para naman kahit papano may makausap ako at mawala ang boredom ko.

Vonny Love: I am eating right now.

Bawal 'yon ah, kumakain habang gumagamit ng cellphone, kapag kami ang gumawa niyan, lagot kami kay Mama. Tapos may additional hugasin pa.

Rein Angel: What? But it's bad to use cellphone while eating right?

Reply ko, hindi ako marunong mag english, bahala na.

Mukhang mapapa-english ako nang wala sa oras dahil sa Vonny na 'to ah. Challenging naman 'to.

Vonny Love: Oh? I didn't know that.

Rein Angel: And now you know.

Vonny Love: Okay, thank you for informing. I will just eat okay? Don't log out.

Bakit niya pa kailangang sabihin 'yan?

Rein Angel: Okay.

Ako naman ngayon 'tong nakatanggap ng seen.

"Uy, may kachat siya! Sino yan ha?" Ayan na naman siya sa boses niyang nang-aasar.

"Wala"

"Weh patingin nga" hinablot niya ang cellphone ko. Wala akong nagawa kaya pinaubaya ko na lang.

"Uy! Vonny pala ha" minsan ang sarap din ipatahi yung bunganga niya. "RP pala? Ba't 'di ka nagsabi sa'kin nung gumawa ka?"

"Wala 'yan, kachat lang sa RP"

 I Love You But It's RPW(Teen Series #1) |Completed|Where stories live. Discover now