9

272 33 1
                                    

Nakahiga ako ngayon sa kwarto ko,
Kakauwi ko lang galing school, nakakapagod ang daming ginagawa.

Ipinatong ko ang braso ko sa aking noo. Ipinikit ko ang aking mga mata.
Gusto ko munang mag pahinga kahit saglit.

May kumatok sa pintuan kaya agad akong bumangon at pinagbuksan siya. Kagigising ko lang e. Tinatamad pa ako. Pero baka si Mama. Tama nga ako, si Mama nga.

"Bakit Ma?" I asked her.

"Hindi ka pa ba kakain 'nak?"

"Anong oras na ba Ma?"

"Anak 07:48 pm na" agad naman akong napatingin sa wallclock ko, tama nga si Mama, gabi na pala.
Ilang oras din pala akong nakatulog hays.

"Sige Ma, sunod na lang ako. Magbibihis pa ako" she nodded, I closed my door and sigh. Grabe pagod na pagod ba ako?

Hindi pa kasi ako nakakabihis kanina, humilata na lang ako sa kama ng naka uniform. Buti na lang naka-tulog pa ako kahit kaunti, nabawasan din ang bigat ng nararamdaman ko, medyo masama-sama ang aking pakiramdam kanina. Nawawalan ako ng gana.

Nagbihis na ako at lumabas ng kwarto, nandoon na silang lahat pagdating ko sa kusina.

Si Mama ay nag hahanda na ng plato, pati rin si Kuya gano'n din ang ginagawa. Si Airo, ayon naka upo lang. Prinsipe kumbaga.

Umupo na lang ako dahil hindi ako hinayaan ni Mama na tumulong, nakita ko pa ang pag irap ni Kuya, my god!

Airo started the prayer, I just stay silent while my eyes are closed.

"Thank you for all papa god, Amen"

I open my eyes and do sign of the cross.

Sila ay nagsasandok na pero ako ay nakatanga pa rin.

"Hoy Adang kakain ka ba?" Boses ni Kuya.

"Hmmm" I nodded.

"Bakit hindi ka pa mag sandok ha?"

Napairap ako "Hinihintay ko nga kayong matapos mag hain ng pagkain, alangan namang makipag agawan ako sa inyo" Tumawa naman si Airo.

"Ate is right Kuya" I smile and gave Airo a wink. Got'ya.

Lagi silang mag kakampi. Si Kuya at Airo, kaya bonus ko kapag sa akin kumampi si Bunso.

"Gusto yatang sandukan ni Kuya si Ada 'di ba bunso?" Natatawang sabi ni Mama.

"Sasandukan kaya ako ni Kuya?" nakapout at pacute kong tanong. Sheesh. Ang cringe.

"Kung mukha mo sandukin ko?"

Amp! Gusto ko siyang sugurin sa ginawa niya.

"Jiro, 'yang bunganga mo ah, ikaw sandukin ko" boses ni Mama.

Kuya rolled his eyes then he serves me like a princess. Heart melting, I miss my Kuya being like this. Phew napipilitan siya. Iniirapan ako. Bading amp.

"Yey!" I smiled. I started eating.

"Baby damulag" rinig kong sabi ni kumag, inirapan ko siya at pinagpatuloy na lang kumain.

Hawak ko ang cellphone ko at nagi-scroll, yeah! Facebook again, ako na rin kanina ang naghugas ng plato kasi umayos na ang pakiramdam ko.

'Angelllllll😇!!!'

Lumitaw sa screen ko kaya agad ko namang pinindot 'to.

Si Vonny na naman? Hays, hindi ba nag sasawa to kakachat?

 I Love You But It's RPW(Teen Series #1) |Completed|Where stories live. Discover now