25

179 14 0
                                    

Sa mga linggo na nag daan ay mas lalo ngang napalapit ang loob ko kay Vonny. Magchachat kami lagi, kwentuhan sa mga nangyayari sa bawat araw namin and Cycle.

Sa school naman ay ganoon pa din. Gising sa umaga, maligo, pumasok sa school, uuwi galing ng skwelahan and Cycle again.

Paulit-ulit lang ang mga nangyayari
Pero ang tungkol sa amin ni Vonny ay ligtas pa din, buti nga at maaasahan ko yung mga kaibigan ko at hindi nila sinisilawat ang sekreto ko.

At delikado lang kapag dadating sa part na mabununyag at mabubunyag din ang aking sekreto. Kailangan ko nang ihanda ang aking sarili para sa mga susunod na mangyayari.

And it's November 15 today Sunday. Yeah ang bilis talaga ng araw. Malapit na din  ang birthday ni Ate Kaye at susorpresahin yata ni Kuya, edi support ko na lang din sya para maging successful ang birthday nung girlfriend nya. Buti nga at nagkaayos pa talaga sila eh. Boto rin ako sa kanila, syempre kasiyahan ni Kuya yon eh.

Sa mga kaibigan ko naman ay may kanya kanya na din silang lovelife. Si Shella at Clade, alam kong may tinatago talaga sila eh. Pero kung ano man yon siguro iniisip din nila yung kapakanan namin. Kay Donna naman nagulat na lang kami ng bigla syang mag salita ng ' mayroon na akong boyfriend his name is Jael' boyfriend?? magugulat ka talaga kasi ang tahimik nya palagi namin syang kasama tapos may Boyfriend na pala!

Kay Necole naman matatag na daw sila ni Drake Alexis pero hindi pa din ako boto din kay Drake Alexis pero kung yun yung makakapagpasaya kay Necole, okay then hayaan na lang natin sila. Si Kim ay nililigawan daw ni Jevan Alex yung lalaki na sinabi nya na mabait 'daw' yung nagbigay daw sa kanya ng ice cream, yeah sabi nya naman sa amin na nililigawan sya, pinayuhan naman namin sya na wag munang sagutin kasi nga may pagkaisip bata sya at kapatid pala ni Drake Alexis si Jevan Alex.

Kay Tristan naman ay hindi na sya tinantaan nung babae, Yes yung nadamay lang sa truth or dare, kapag minsan ay may nadadaanan ako ay nandon sila, kinukulit sya nung babae at si Tristan naman ay parang naaasar, is this sign na ba kay Tris?
Si Jena at yung Kuya nya na si Jerron, i don't know wala na akong alam pero sa mga ipinapakita ni Jena sa bawat araw nya ay parang masaya sya, masaya talaga ewan ko kung ano ng balita sa kanya hindi na kasi sya nagsasabi sa akin.

Kay Cheska naman at kay Cross they have five months na, stay strong sa kanila ang mahihiling ko lang ay sana tumagal pa sila, lagi na din silang mag kasama kapag may meeting na nagaganap, syempre President, Secretary at may asungot na kasama ang Vice President na si Chelsea, hays ang balita ko ay obsessed daw si Chelsea kay Cross, halata naman eh pero sana ay mas tatagan pa nila ang relasyon nila kasi may pagsubok silang haharapin gaya nalang ni Chelsea.

At kay Micko naman , masaya ako para sa kanya kasi sabi nya naka move on na daw sya sa akin at meron na daw syang ibang inspirasyon, Yon ay si Shaeree yung babaeng sinabi ni Kim habang kumakain kami, lagi nya ngang kinu-kwento sa amin yung mga ginawaga nila kapag lumalabas sila para lang mag date.

Bilang kaibigan ay masaya ako para sa kanila, kailangan nila ng suporta at ibibigay ko yon kasi yon lang naman ang pwede kong itulong eh.

At ang lovelife ko naman, napakahirap para sa akin ang umibig habang ang iniibig ko naman ay nasa malayong lugar, hindi ko makita o mayakap man lang, gusto kong sabihin sa kanya na miss ko sya pero paano? Sa chat? Madadama nya kaya? Magiging masaya lang sya kasi nakita yung salitang yon, pero mas gusto ko kasi na marinig nya talaga ng harap-harapan, Well ito siguro yung kapalit ng kasiyahan ko kapag kausap ko sya, ang mahirapan sa sitwasyon ko, bakit kasi sa Rpw pa kami nagkakilala? Edi sana kung nandito lang sya, pwede na syang mag paalam na ligawan ako, oo may parte sa akin na kapag nandito sya ay madali na lang ang lahat, syempre andito sya eh, pwede nyang makausap sila mama na pwede akong ligawan, haha pero hindi wala sya, ni hindi ko pa nga kita kung anong itsura nya eh, ok lang sa akin kung ano ang itsura nya, basta ang mahalaga mahal ko sya.

 I Love You But It's RPW(Teen Series #1) |Completed|Where stories live. Discover now