4

423 39 0
                                    

"Ma!" Sigaw ko ulit. Nasaan kaya ang dalawang 'yon?

May narinig akong tunog ng trycicle sa labas kaya dali kong binuksan ang pintuan, nakita ko si Mama at Airo. Sinundo siguro ni Mama galing school. Naka uniform pa ang bata. Ang cute niya tignan, may dala pa siyang marshmallows. Si Mama naman ay may hawak na supot. Mga karne at gulay ang laman.

"Ma, ako na po" kinuha ko sa kaniya ang mga dala niya at inilagay sa mesa.
Pagkatapos ay nagmano ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya.

"Kamusta ang school 'nak?"

"Ayos lang naman Ma, ay bihis muna pala ako" naka-uniform pa nga lang pala ako. Agad akong pumasok sa kwarto ko para mag bihis.

Matapos kong mag-bihis ay umupo muna ako sa kama at pinagmasdan ang kabuuan ng aking kwarto.

Maliit lang siya pero parang malaki para sa 'kin. Walang masyadong gamit kaya saktong-sakto na para sa'kin.
Kulay violet ang kulay ng pader. Pati kutson ko ay violet din. Favorite color ko kasi ang purple. Halos lahat ng gamit sa kwarto ko ay purple.

Huminga ako nang malalim at kinuha ang cellphone ko.

RPW.

"Paano kaya kung mag RP ako?" I ask myself out. "Hmm, bahala na, try ko lang naman"

Wala na. Nababaliw na. Kinakausap ko na sarili ko.

I started to do RP account.

What's your name?

Rein Angel, 'yan ang naisipan kong pangalan.

What's your birthday?

January 22 2006. 'Yan ang birthday na nilagay ko kasi 'yan talaga ang birthday ko. Bahala na, hindi naman ako magtatagal dito sa RPW.

What's your gender?

Syempre pinindot ko 'yung female. Ayoko naman maging lalaki no, babaero kaya 'yang mga 'yan. Charot.

Enter your mobile number.

Of course I entered my number.

Finish signing up.

Pinindot ko na ang sign up then nakagawa na ako ng account.

Then nanguha ako ng pictures ng taga korea, si JISOO ng blackpink. Siya ang ginawa kong port.

Pagkatapos sa paglalagay ng profile, nag-add na 'ko ng mga pwedeng maging friends. 'Yung mga RP'ers din ang in-add ko.

Then may naga-add sa 'kin. Syempre iniistalk ko muna saka ko iaccept. Mga galawan ko 'yun e! Stalk muna bago accept. Tinuruan din kasi ako ni Cheska about doon.

In-off ko muna ang data ko at lumabas ng kwarto. Mamaya na ulit ako maga-add at mang-aaccept.

Naghihiwa na si Mama ng carrots paglabas ko. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya sa ginagawa niya.

"Ma, anong ulam?"

"Guess what anak?" Patanong ni Mama nang naka-ngiti.

Nagkunwari akong nag-iisip kahit alam ko na ang sagot.

"Aha! My favorite Ma! Menudilyo!" Nakangiti kong sabi. I also like Adobo. One of my favorite too.

Dahil sa pagiging exited ko, nahiwa ko ang daliri ko. Pakshet!

"Aray ko!" Agad kong hinugasan ang sugat ko. Kahit kailan talaga Ada, napaka-clumsy mo!

Paano ba naman? Paborito ko 'yon e. Alam talaga ni Mama kung paano ako pasayahin.

Agad na lumapit sa akin si Mama at kinuha ang kamay ko. Tinitigan niya ng mabuti ang sugat ko.

"Ayan kasi, hindi ka nag iingat" ayon, may sermon. Ako na nga nasugatan e.

"Aray naman Ma" daing ko nang madiinan niya ang pag kakahawak sa kamay ko.

Medyo malaki 'yung sugat ko.

"Wag kang umaray kasalanan mo rin 'yan. Aji! Kunin mo 'yung first aid! Pati 'yung alcohol 'wag mo kalimutan! Nako naman Ada!" sigaw ni Mama. Wah! Alcohol?! Gagi masakit 'yon e.

"Ma, 'wag na. Maliit lang naman 'to. Malayo sa bituka" pekeng ngiti ko. Kasi naman! Alcohol?

I cannot!

"Manahimik ka" Nanahimik na lang ako dahil seryoso na siya. Shit!

Dumating si Kuya ng may malawak na ngiti. Nakatingin siya sa 'kin. Mang-aasar na naman ang kumag na 'to. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya napahalakhak siya. Peste talaga! Ang sweet niyang Kuya 'no?

"Ito na Ma, damihan mo 'yung alcohol ah? Baka kasi ma-infection yan eh.  Mahirap na, nakakamatay pa naman ang infection" nakangiting sabi niya pa. Walang hiya!

"Syempre dadamihan ko talaga. Baka ma-infection 'yan. Ma-ospital ka pa, tapos pag na-ospital ka magbabayad pa tayo ng bills, kapag nagbayad tayo ng bills, mawawalan tayo ng pera. At pag nawalan tayong pera magpapalaboy-laboy tayo sa daan, gusto mo ba 'yun Ada?"

What the fuck, ang OA nila mag react. Gusto ko na lang umiyak. Ospital grabe!

Takot kasi talaga ako sa alcohol. Namimilipit ako sa sakit. Kaya pag lagi akong nasusugat, may nakahanda ng monster alcohol. Idagdag mo pa 'yung pang-aasar nila.

"Aray! Wooo! Ma! Ang sakit! Oh my god!" Sigaw ko. Shit ang hapdi! Iwinasiwas ko agad ang kamay ko para mawala ang alcohol. Nagiging OA din talaga ako dahil dito.

Tapos silang tatlo, tawa pa ng tawa!  Vini-videohan pa ako ni Kuya! Ang kumag na 'yan! May maipangbla-blackmail na naman sa akin.

Pagkatapos ng ilang minutong pagiging OA ko, tumigil na rin ang pagdurugo ng sugat ko. Buti naman tinignan ko sila. Tawa pa rin ng tawa. Happy pill niyo 'ko guys? Pinapanood na pala nila 'yung video. Ang bully nila ah.

"Ma, Kuya, Airo, stop it na!" Sigaw ko, nag-uumpisa na 'kong mairita sa tawa nila.

Si Mama tumigil na at pinagpatuloy ang pagluluto. Kaso naririnig ko pa rin 'yung bungisngis niya. Nako.

Pero 'yung dalawa? Mas lalo pang nilakasan ang tawa nila. Tinuturo-turo ba naman ako. Magkapatid talaga, abnormal.

"Si Ada! Mukhang inasinan na bulate!" Mas lalong lumakas ang tawa ni Kuya. May pahawak pa siya tiyan.

"Hoy Airo! Tumigil ka na sa pagtawa. Wala kang pasalubong sa 'kin one week, sige ka" pangblablackmail ko kay Bunso.

"Tawa ka lang Airo! Si Kuya ang bahala sa pasalubong mo." Epal talaga.

Tumahimik na lang ako at bumalik sa kusina. Uminom ako ng tubig saka pumunta kay Mama. Hindi niya na ako pinaghiwa pa. Baka masugat na naman daw ako. Tinulungan ko siya pero sa ibang gawain na.

Alas sais na ng gabi at hindi pa rin luto ang ulam. Ang tagal maluto, inuna pa kasi ang pambubully sa akin. Charot.

"Ma, malapit na ba maluto?"

"Malapit na Ada, hintay ka lang ha? Nagugutom ka na ba?"

"Hindi pa naman Ma, pero kasi ang bango e, nakakatakam" hinaplos ko ang tiyan ko.

Gano'n kasi lagi gawain ko, kahit no'ng bata pa ako, basta paborito ko ang niluluto. Hindi talaga ako makapag-antay.

Pagkalipas ng ilang minuto, sa wakas!Naluto na ang ulam! Oh my! Sobrang sarap talaga magluto ni Mama. Siya kaya ang chef namin dito sa bahay, tapos kami, taga tikim lang.

"Tada! The menudilyo is ready!!!
Favorite of my beautiful daughter Ada!" at talagang may pa introduce pa si Mama! English! 'Di niyo kaya, charot!

-4-

 I Love You But It's RPW(Teen Series #1) |Completed|Where stories live. Discover now