23

204 19 0
                                    

Bumangon na ako sa kama at tinignan ang oras. 5:10 am na. Nag inat inat muna ako at bumangon na sa kama.

Pumunta ako sa salamin at saka ngumiti "Magandang umaga!!" Sigaw ko at nag pose pose ng kung ano ano.

Naghintay muna ako ng ilang saglit at naisipan ng maligo. I brush my teeth at nag sabon ng maayos.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako ng uniform. Plantsado na dahil naplantsa na kahapon ni Mama.

Ayaw nya kasi na magusot o hindi na plantsado yung mga uniform namin.

Nagsuklay na ako at lumabas na nang kwarto at pumunta sa may kusina.

"Good morning My beautiful mother" bati ko kay Mama ng makita ko sya na  nagluluto ng almusal.

"Aba may pa ganyan na ha? Magandang umaga din maganda kong anak" saad nya at patuloy pa rin sa pag luluto.

"Hmmm ang bango!" Saad ko

"Itlog check, hotdog check, fried rice check, ok perfect!" Ani nya at inilagay na ang mga yon sa lamesa at tinulungan ko na sya.

"And another check for coffee with creamer!" napalingon naman ako ng magsalita si Kuya dala dala ang 4 na nakatasang kape.

"Yumyum!!" At napatawa naman ako nang marinig ko ang masiglang boses ni Airo.

"Okay the breakfast is ready!" Sabi ni Mama at umupo na kami.

Nagsimula na kaming kumain at hindi maiwasan ang hindi mag kwentuhan.

"But Ma i like her!" Nagmumuryot na sabi ni Airo. Tinutukoy nya na naman ang napag usapan kagabi. Yung crush nya daw.

"A.YO.KO. AYOKO!" Saad ni Mama at masama ang tingin kay Bunso.

"Uhh basta i like her Ma you can't stop me" nakangisi nya nang sabi.

"Aba! sige babawasan ko yung baon mo ng lima sige!! Subukan mo ko!"nanghahamong sabi ni Mama at napasimangot naman si Bunso.

"Imbes na 20 yung baon mo magiging 15 na lang sige ka" pang-aasar pa ni Kuya.

"It's unfair, bakit hindi mo din binabawasan yung kay Kuya? Eh sya may Ate Kaye na syang gf tapos ako crush lang bawal pa tapos babawasan mo pa baon ko your unfair Mama" natahimik kami sa pagtatagalog ni Airo. Minsan lang kasi sya mag salita ng tagalog kapag naiinis sya o....
galit?

Nagulat ako ng magdabog sya at umalis na sa hapagkainan.

"Ang batang yon!" Gulat din na sabi ni Mama.

Gulat din ako eh. Hindi naman kasi ganon si Airo James na nagdadabog kapag nasa hapagkainan, o basta basta na lang aalis.

Ngayon ko lang nakita na nagdabog sya o masama ang timpla ng muka. Madalas kasi syang nakangiti at masiyahin.

Tahimik pa din kami habang kumakain. Hindi muna pinuntahan ni Mama si Bunso kasi gusto nya muna daw pababahin ang pagtatampo neto.

"Sige Ma pasok na kami" saad ni Kuya.

"Sige ingat kayo" saad ni mama at bumeso sa akin at kay Kuya.

"Oh dito na ako" sabi ko kay Kuya ng maihatid nya ako sa Waiting-shed.

"Mamaya na hintayin ko muna si Cheche para may kasama ka dito" palihim na naman akong napangiti. Mag-isa nga lang ako dito kung aalis sya.

"Ok"saad ko na lang ilang saglit pa ay may humintong mio sa harap namin at nang alisin nya ang helmet ay bumungad sa amin ni Kuya ang muka ni...

Micko?

"Good morning Ada," tumingin sya sakin at ngumiti "Sayo den Jiro magandang umaga" nakangiting  bati nya din kay Kuya.

 I Love You But It's RPW(Teen Series #1) |Completed|Where stories live. Discover now