32

177 14 1
                                    

The next day i woke up so early because i have class. Naligo na ako at nagbihis din. Nag almusal na ako at umalis na ng bahay.

"Ma punta na ako paki-sabi kay Kuya nauna na ako ha?"

"Sige anak ingat ka" at niyakap ko sya.

Hinintay ko ang service namin. Si Cheska hindi na sumasakay doon kasi sinusundo at hinahatid sya lagi ni Cross, kaya mag isa na lang ako doon. May mga kasama naman ako pero hindi ko kasi ka close eh.

Bumaba na din agad ako ng trycicle at  dumeretso ng classroom.

Nandoon na si Cheska pagka-dating ko. Nginitian ko na lang sya at hinintay si Maam na dimating.

"Ngayon ata yung dating ng kapitbahay nyo ah?" Napatingin ako kay Cheska ng sabihin nya yon.

"Ewan ko hindi naman ako interesado sa kanila" and i put my hair on my ear.

"O-okay" at dumating na si Maam.

"Okay class" at umayos sya ng tayo sa harap "Sa 11 ang christmas party nyo friday yon"

"Yess!!!" At nag tilian ang mga kaklase ko. Well its christmas party eh, sinong hindi magiging masaya?

"Silence!" At tumahimik sila.

"Okay! So may pag kain na tayo, dito ang venue sa classroom, at yung price ng regalo ay?"

"200" sagot namin.

"Okay Good so ngayon, mag papalabunutan na tayo"

"Wahhhh!"

"Sino kayang mabubunot ko?"

"Im so egzoyted!"

Ibat ibang klase ang narinig ko sa kanila. Napangiti na lang ako.

"Gawa kayo ng pangalan nyo ilagay nyo sa 1/4 paper at i roll nyo na din tapos kapag nagawa nyo ay ipasa nyo na dito sa harap" at umupo na si Maam Star.

"Pahingi" at inilahad ko kay Cheska ang aking kamay. Tinignan nya ako ng masama pero binigyan nya pa din ako.

Abala kami sa pag gawa ng pangalan namin.

"Akin na yung sayo ako na mag papasa" at ibinigay sa akin ni Cheska ang kanyang papel.

Pumunta na ako sa harapan at binigay yon kay Maam. Bumalik din ako agad sa upuan ko ng maibigay yon.

Sino kayang mabubunot ko? At sino naman ang makakabunot sa akin?

Luminga linga ako sa paligid para makita ang kaayusan ng classroom. Mamimiss ko ito kapag nag bakasyon panigurado.

"Okay!! So kumpleto na!" I focus on the front when i heard my teacher talk.

"Mauuna yung nasa harapan, at wag na wag nyong sasabihin kung sino ang nabunot nyo okay? Babawasan ko kayo ng point kapag may nalaman ako, sige" mautoridad na ani ni Maam.

Bumunot na yung mga kaklase ako at nang ako na ang tawagin ay pumunta na ako sa harap.

Ngumiti si Maam at inalog alog ang lalagyan.

Bumunot na ako at dahan dahan ko yung binuklat.

A

Ang unang letra, at nang buklatin ko yun ay.....

Ariella Mendoza. Kaklase kong morena. Napangiti naman ako.

Alam ko na agad ang ireregalo ko.

"Oh wag mong sasabihin sa iba yan" .

Tumango na lang ako sa sinabi ni Maam at ngumiti.

"Sino?" Tanong agad ni Cheska ng makarating ako sa upuan.

 I Love You But It's RPW(Teen Series #1) |Completed|Where stories live. Discover now