3

499 43 0
                                    

"Oh ano gusto mo bang sumubok?"
She asked me while eating.

"I don't know, pag isipan ko muna"

"Okay, if gagawa ka. Balitaan mo ako ha?"

Tumunog 'yung bell at hudyat na para mag-aral ulit. Inayos ko ang name tag ko at gumayak na.

Tumayo na kami at naglakad pabalik ng room. Malaki itong campus kaya maraming gusto ring mag-aral dito. It was a public school after all.
Dahil na rin ay sakto lang 'yung tuition and malawak pa ang lilibutin. Marami ang pwede mong pag tambayan, sa garden at kahit saan pa.

Pangarap kong maging Teacher kasi gusto kong maturuan ang mga kabataan na gaya ko pagkatapos ko. Kaya lagi akong nagsisikap mag-aral para makuha ko ang gusto kong pangarap at kung may gusto man akong lugar na tuturuan ay dito rin ako magtuturo, kasi marami akong memories dito at marami pang gagawing memories.

Naglalakad na kami pabalik ng room nang biglang magsalita si Cheska.

"Naiihi na 'ko" hawak niya na ang tiyan na.

"Edi umihi ka. Hihintayin kita
rito"

"Hindi na. Mauna ka na ha? Baka ma late ka pa. Saka malakas naman ako kay Sir Derick" napailing na lang ako at natawa. Wala e, malakas daw siya. May crush kasi sa kanya si Sir Derick.

Adviser kasi nila noon tapos sinabi sa akin ni Cheska na niligawan siya ni Sir. Bata pa naman si Sir Derick pero busted inabot niya kay Cheska kasi masyado raw matanda para sa kaniya. At isa pa 'di ba. Bawal magkaroon ng relasyon ang studyante at guro.

"Okay sige. Mauna na 'ko sa room ah? Hintayin kita" nagsimula akong maglakad.

Sumagi naman sa isipan ko ung RPW na yun, itry ko kaya? Wala namang mawawala kung susubukan ko e, pero ewan ko. Basta ayaw ko na gusto ko, ang gulo bwisit.

Nabalik ako sa wisyo nang may mabangga ako.

"Ay sorry" paghingi ko nang paumanhin sa nabunggo ko.

Isang babae na nakamake-up. Grabe bakit ang kapal ng make up niya. Shit, nagiging judgmental ako nito. Buti pa ako, maganda na kahit walang make up. Oh, hangin Ada.

"Hindi kasi tumitingin sa dinaraanan" masungit na aniya saka ako nilagpasan. Great! Just great!
Napakayabang naman, nagsorry na nga ako e. Hay nako.

"Excuse me, maluwang 'yung daan, sana umiwas ka na lang" mahina kong saad.

Humarap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Aba teka, walang ganiyanan.

"At ako pa ang iiwas?"

"Oo naman, baka sinadya mo na rin akong bungguin" tae ka Ada! Bakit gano'n lumabas sa bibig mo!

"So what if I am? Look at yourself. You look so cheap, you're not belong here."

Grabe sa cheap 'to ah.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Tinaasan ko rin siya ng kilay. Akala mo ikaw lang marunong ah. Naiinis na rin ako sa salita niya e.

Mabuti na lang talaga at walang masyadong tao rito, hindi kami makakaeksena.

"E ano naman kung cheap ako ha? Look at yourself too, you look cheaper than me" gagi, tama ba english ko? Tangina naman oh! "And you look like a clown in childrens party, your make up is so thick like your face" hala, kaya ko naman pala mag english e "Sa ating dalawa, mas ako ang lamang, kasi ako? Wala akong ginagamit na kolorete sa mukha para lang maging maganda, kasi ako natural na ang ganda ko. Kahit hindi ako mag make up maganda ako, e ikaw? Pag wala na 'yang make up mo, para ka nang mwubles na hindi pinunasan ng ilang taon" ang dami kong nasabi, nakatitig lang siya sa akin at nakaawang ang kaniyang labi. Masama ako maging maldita, tsk. Sumusobra e.

"Oh and one more thing. Huwag mo 'kong kalabanin ha? Kasi maliit man ako sa inyong paningin, kaya kitang paluhurin"

Inayos ko ang pagkakasukbit ng aking bag at iniwan siyang nakatulala. Narinig ko pang minura niya ako pero hinayaan ko na lang, ayokong naiinsulto ako, cheap pala ha.

Nag-umpisa na akong mag lakad. Saktong pag dagting ko sa room ay mag-uumpisa pa lang ang klase.
Ang tagal ni Cheska. Natabunan ba 'yon ng bowl?

"Okay class get one she---" naputol ang sasabibin ni Sir nang biglang dumating si Cheska.

"Sorry Sir, I'm late"

Tinignan ko ang reaction ni Sir, namula siya. Seriously?

"I-Its okay"

Agad namang naupo si Cheska sa tabi ko.

"Bakit ang tagal mo?"

"Ah basta hihihi" nakangiti niyang bulong.

Napakibit-balikat na lang ako at nakinig sa tinuturo ni Sir.

Dumaan ang ilang subject at sa wakas! Uwian na! Yes! Nakakapagod talaga ang first day, hay!

Biglang sumagi sa isip ko ang RP na 'yon. Curious na naman tuloy ako.

"May RP ka ba?" Tanong ko kay Cheska, naglalakad kami ngayon papunta sa service namin. Malayo pa sa school 'yung service namin, kailangan talaga namin maglakad.

"Wala eh"

"Ah"

Pagkatapos ng ilang minutong pag lalakad, naka-abot na kami sa aming final destination. Charot! Este sa paradahan ng mga sasakyan.

Hinintay pa namin ang iba naming kasamahan bago kami umalis.

Malapit na sana kami sa bahay nang biglang nagsalita 'yung driver.

"Ay nako, napigtas 'yung kadena. Maglakad na lang kayo, total malapit na lang naman na 'yung mga bahay niyo diyan mga bata" saad ni Uncle Michael. Ang trycicle driver namin.

"Opo Uncle" sagot ng mga kasamahan ko. Nag-umpisa na kaming maglakad, nag kwekwentuhan na rin kami para hindi boring.

"Ate Ada nakita kita kanina, may kasumbatan ka na babae ah? Maganda pa naman 'yun pero maldita" Napatigil ako sa pag lalakad dahil sa sinabi ni Shawn Michael. SM for short. Kapatid ni Cheska.

Napahinto rin 'yung mga kasama ko at may nagtatanong ng tingin. Lagot! Hindi kasi sila sanay na nakikipag away ako or ano, basta ang alam nila sa 'kin mahinhin tsk. Or baka gusto lang nila ng chismis.

"Ah wala 'yon. May hindi pagkaka-intindihan lang" ngumiti ako ng peke. Tinignan ko si Cheska, nakakunot sa akin.

"Adajera, ano 'yon? Sabibin mo nga" tignan mo chismosa.

"Okay, ganito kasi 'yon" at saka ko kinuwento ang nangyari kanina.

"Oh 'di ba! Sobrang yabang kasi, pinagtanggol ko lang naman 'yung sarili ko, mali ba 'yon?" singhal ko. Bigla tuloy akong nainis.

"May punto ka, pero baka mapatalsik ka pag may nakakita sayo, bawal makipag away 'di ba? Mamaya isumbong ka pa sa guidance. Lagot ka kay Tita Jerra"

Bakit parang nananakot pa siya.

Hays! Ako na ang talo, magaling siya mangonsensya e. Huminto sila nung nasa harap na sila ng bahay namin.

"Sige, bye-bye na ha, 'wag ka nang makikipag-away ha? Tandaan mo
yan" bilin niya.

"Oo nga Ate, pero ang galing mo doon kanina! Idol na kita! Grabe 'yung lines niya kanina Ate, nakakabilib. Parang kinabisado niya, napatulala pa nga 'yung maldita na 'yun"

Napailing na lang ako sa kwento ni SM. Nakita niya pala. Nako.

"Sige, ingat kayo" kumaway muna ako sa kanila bago pumasok ng bahay.

"Ma!" Agad kong sigaw at inilagay ang bag ko sa sala, nandito na kaya sila Mama?

-3-

 I Love You But It's RPW(Teen Series #1) |Completed|Where stories live. Discover now