24

197 15 1
                                    

"Oo" at ngumiti sya ng malawak.

"Sino?" Tanong pa ni Clade.

"Uyy isang question lang abusado?"natatawang sabi ni Shella at wala nang nagawa si Clade.

Pinaikot ulit ang bote at tumambad naman kay Tristan ang may takip na part at kay Necole naman ang ilalim ng bote.

"So truth or dare?" Nakangising tanong ni Necole.

"Dare" at talagang inangasan din ni Tris si Necole.

"Hmmm"saad ni Necole at nag iisip saka inilibot ang kanyang tingin.

Ngumisi sya "That girl with a pink dollshoes" turo nya don sa babae na nakupo sa may bench di kalayuan sa amin "Ask her to be your girlfriend"

Tumingin ako kay Tristan na nakatingin ngayon sa babae.

"Pwede bang iba na lang?" Tanong ni Tristan.

"Nah ah" at umiling si Necole.

"O-ok" saad nya at lumapit doon sa babae.

Lahat kaming magkakaibigan ay nakatingin sa kanya at kung ano ang gagawin nya.

Hindi namin alam kung anong pinag-uusapan nila pero merong part na sinabi si Tris tungkol sa dare.

Nanlaki ang mata ng babae at napatulala sa kanya.

Syempre sino ba namang tao na hindi magugulat kung tanungin ka maging karelasyon tapos hindi mo pa nakikilala.

Ngumiti? Ang babae at tumango?

Hala!! Ano ba yang pinasok mo Tristan?!

"Haha" narinig ko ang pagtawa ni Necole.

"Hayaan nyo muna sila diyan ipagpatuloy na natin ang laro haha"dagdag nya pa at ipinagpatuloy na nga ang paglalaro.

Ngayon, sa akin naman natutok ang ilalim at kay Kuya naman ang may takip. Yess!! Humanda ka Kuya.

Nginisihan ko sya "Hmmmm Kuya trurh or dare?"

Tumitig muna sya sakin bago sumagot "Truth"

Sumeryoso ako "Bakit ayaw mo akong  magkaroon ng boyfriend?"

Natigilan sya pero kalaunan ay sumagot din "Kasi bata ka pa, hindi ka pa pwedeng sumabak sa relasyon kasi wala ka pang alam sa pag ibig na yan at baka masaktan ka lang, saka baka magtampo din sayo si Mama kaya ayaw ka pa naming pagboyfriend-en"

Napatango na lang ako at pinagpatuloy ang paglalaro at lahat kami ay nakalaro na nang bumalik si Tristan ng nakabusangot.

Ehh...

"This is your fault" saad nya at itinuro si Necole "Nung tinanong ko sya na pwede ko ba syang maging Girlfriend ang sinagot nya" napabuga sya ng hangin "YES, she answerd Yes!!" Napasigaw sya at saka  Huminto sa pagsasalita "Sabi ko hindi muna ako mag-ggf kasi ang sarap ng buhay maging single tapos ngayon? Dahil lang sa Fucking Dare na yan! Nasira plano ko" at umupo sya sa may tabi ni Micko saka nya itinakip ang braso nya sa kanyang muka.

Wala akong magawa kundi makinig na lang.

"Ayaw mo non Tris? Sa lima mong naging Ex baka sya na talaga yung para sayo" nang aasar na sabi ni Jena.

"Yeah whatever"

On Chat

Vonny Love

: is everything okay?

Rein Angel

: yeah i don't know? Sana walang tampuhan na maganap🙁

 I Love You But It's RPW(Teen Series #1) |Completed|Where stories live. Discover now